Tricia's POV
Naiinis na ako kay Tita Lea dahil habol sya sa akin ng habol, hindi na nya napapansin na nasasaktan na din ako. Kahit ilang beses nya pa akong habol habulin hindi talaga ako makikipag-usap sa kanya dahil buo na ang desisyon ko at ayon ang alam kong makakabuti.
Siguro nga ay malaki ang nagawang kasalanan ni Tita Lea dahil pati si Tita Almira ay galit sa kanya. Akala ko talaga noong una ay mabait syang tao pero pakitang tao lang din naman pala sya.
Gustong gusto ko pa naman sya pero nawala lang ang lahat ng yon dahil sa isang pagkakamali. Akala ko mali si Tita Jodi pero tama pala sya na masama nga talaga si Tita Lea at napatunayan ko yon dahil nakita mismo ng dalawa kong mata kung ano ang gagawin ni Tita Lea kay Tita Jodi.
"Tricia masakit pa ba ang wrist mo?" Tanong sa akin ni Tito Aga.
"Hindi na po masyado, buti nalang po at nacold compress agad ni Tita Almira." Sabi ko.
"Pagpasensyahan mo na si Lea, ganon lang talaga yon kapag hindi nakukuha ang gusto, nakakasakit sya ng di nya namamalayan." Sabi ni Tito Aga.
"Hayaan nalng po natin." Sabi ko.
Pagdating namin sa mall ay nagarcade muna kami. Sobrang saya pala maglaro kapag may kasama kang nakakatanda sayang lang at hindi ko naranasan makasama sila Mama at Papa na maglaro sa arcade even sila Tita Jodi hindi ko nakakasama mag-arcade dahil palagi silang busy. Minsan si Althea nakakasama ko pero iba pa din kapag parents ang kasama.
"Tito magaling ka po pala magbasketball." Masayang sabi ko.
"Nako kapag nasa tuna na court na ako wala na, dito lang ako magaling kaya sinusulit ko na." Tumatawang sabi nya.
"Ganito po pala ang pakiramdam kapag may kasamang tatay." Masayang sabi ko.
"Mag-enjoy ka lang Tricia hanggat kasama mo pa ako." Sabi ni Tito.
Tama sya dapat mag-enjoy ako hanggat kasama ko pa sya kasi baka mamaya bigla nalang syang mawala at alam kong ayon ang point ni Tito, pero sana makasama ko pa sya ng matagal dahil ayokong mawalan ulit, ayokong maiwanan ulit dahil masakit.
Umupo ako sa may malapit kay Tito, pinanood ko lang syang maglaro. Masarap pala talaga kapag may tatay lalo na siguro kung may nanay. Maswerte ang magiging anak ni Tito Aga.
"Pagod kana?" Tanong ni Tito Aga.
"Opo." Sabi ko.
"Sige jan ka lang, bibili lang ako ng water." At umalis na sya.
Habang naghihintay ako kay Tito Aga kinuha ko muna ang phone ko para icheck yung time. Maaga pa para umuwi ako. Buti nalang at nasa Laguna si TIta Jodi kaya ayos lang na malate ako ng uwi.
"Tricia ito yung tubig mo." Sabi ni Tito at iniabot nya ito sa akin.
"Thank you Tito." Sabi ko
"Kamusta nga pala yung exam mo?"
"Medyo mahirap po Tito lalo na yung chemistry." Tumatawang sabi ko.
"Alam mo ba Chemistry yung pinaka ayokong subject noong nasa college pa ako."
"Bakit naman po?" Tanong ko.
"Dahil napakadaming gagawin bukod sa balancing nakakalito yung ibang formula. Ayoko talaga ng Chemistry, mas ayos pa para sa akin ang biology at zoology, wag mo nalang isipin na mahirap ang chemistry, isipin mo kailangan mong ipasa yon para sa pangarap mo."
"Kahit mahirap kakayanin!" Masayang sabi ko.
"Yan ganyan dapat, kailangan mong maging positive sa lahat ng bagay kahit mahirap. Gawin mong inspirasyon yung mga mahihirap na bagay at damay mo na din yung mga taong nanankit sayo gawin mo din silang inspirasyon." Tumatawang sabi ni Tito Aga.
"Alam mo Tito ang lakas mong humugot." Sabi ko.
Ngumiti sya sa akin at sinabing "Madami akong experience eh, kaya dapat ishare ko sayo kung paano ko nalabanan ang lahat ng iyon. Alam mo kumain na tayo baka kung saan pa mapunta itong usapan natin. Tara sa Ho Chai Lai, masasarap ang inihahain nila paniguradong magugustuhan mo yon."
Sasagot sana ako ng biglang may tumawag kay Tito Aga sa phone nya, lumabas si Tito Aga sa Timezone para sagutin yung tawag nya. Sandali lang ako naghintay at bumalik din naman sya.
"Tricia pasensya kana kailangan kong puntahan si Regine ngayon. Ihahatid nalang muna kita sa bahay nyo."
"Nako Tito wag mo na po akong ihatid, puntahan mo na po si Tita Regine. Magcocommute nalang po ako tsaka may bibilhin din po ako sa NB. Sige na po unahin mo na po si Tita Regine."
"Pero hindi kapa nakakapaglunch."
"Ako na po ang bahala, sige na po umalis kana po, mukhang kailangang kailangan ka ni Tita Regine. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho." Sabi ko.
"Mag-iingat ka din." Sabi ni Tito at tuluyan na syang umalis.
After umalis ni Tito nagpunta nalang ako sa House of Pasta, akala ko may kasabay akong maglunch today wala din pala. Nakakalungkot din kumain mag-isa, iba yung saya kapag may kasama kang kumain.
Pagkadating ng order ko kinain ko agad ito at umalis din ako agad dahil may bibilhin ako sa NB at gusto ko na din umuwi.
Habang naghihintay ako ng taxi may napansin naman akong lalaki na nakatingin sa akin at sa tingin ko kanina nya pa ako sinusundan dahil nung nasa NB ako ay nandon din sya.
Sana walang masamang mangyari sa akin ngayon, sana sagutin ni Tita yung mga tawag ko.
BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...