26

223 9 0
                                    


Tricia's POV

Masaya na akong kasama sila Tita Lea at Tita Dawn, ngayon ramdam kong malaya ako kapag kasama ko sila, walang guards, may gadgets basta malaya kong nagagawa lahat ng gusto ko, kaso mahirap din pala kapag may pinagtataguan ka, para akong kriminal na nagtatago at ayaw magpahuli.


Nakakatuwa lang isipin na si Tita Lea pa talaga ang tumutulong sa akin sa kabila ng ginawa kong pagtataboy sa kanya dati. Hindi na ako nagtatanong kung anong meron sa kanila ni Tita Jodi ang mahalaga masaya ako ngayon at nasa safe na lugar ako.


Parang nanay ko na si Tita Lea at Tita Dawn, ang saya lang kasi never nila akong tinuring na iba, tinuring nila akong parang anak at kapatid, araw araw may dala sila sa aking pasalubong at araw araw din silang may baong kwento na masaya.


Napakasarap pakinggan ng tawa ni Tita Lea, nandito kami ngayon si kitchen dahil hinihintay ako ni Tita na matapos sa paghuhugas ng pinggan, si Tita Dawn kasi ay umakyat na sa kwarto nya sayang lang at hindi namin sya kasama ngayon na tumawa.


"Tapos alam mo ba kanina nagsasalita si Dawn mag-isa." Tumatawang kwento ni Tita Lea.


"Baka po may nakikita si Tita Dawn na hindi mo nakikita." Sabi ko habang tumatawa din.



"Tricia wag kang ganyan." Biglang sabi ni Tita Lea kaya mas napatawa ako ng malakas kasi kitang kita ko kung paano natakot si Tita Lea.



"Joke lang po!" Sabi ko at nagpeace sign ako.



Habang nagbibiruan kami ni Tita Lea ay bigla kaming nakarinig ng malakas na sigaw na nagmumula sa labas kaya napatigil kami sa pagtawa ni Tita Lea. "LEA LUMABAS KA JAN?!" 


"Tita sino yon?" Mahinang tanong ko.



"Jan kalang sisilipin ko muna sa screen kung sino yung nasigaw." At iniwanan ako ni Tita Lea.



"LEA MAG-USAP TAYO LUMABAS KA JAN ALAM KONG NASA LOOB KA!" Boses ata ni Tito Aga yon.



"Tricia tawagan mo si Tita Dawn mo, sabihin mo bumalik na sya dahil nandito si Aga nanggugulo." 



"Akala ko po ba nasa kwarto sya."



"Yun din ang akala ko, wala yung kotse nya dito kaya malamang lumabas yon. Go na tawagan mo na sya or itext mo. Pumunta ka sa theater room at ilock mo yung pintuan, wag na wag kang gagawa ng kahit anong ingay okay?" Nagpapanic na sabi ni Tita. "One more thing, wag na wag kang lalabas kahit na anong mangyari. Magpromise ka sa akin."



"Promise po." Sagot ko at tumakbo agad ako papunta sa theater room at nilock ko yung pinto gaya ng bilin ni Tita Lea. Tinawagan ko si Tita Dawn pero hindi sya sumasagot kaya nagtext nalang ako.


Pinapakiramdaman ko yung nangyayari sa labas at naalala ko na connected pala yung phone ko sa mga CCTV Camera na nakakabit dito sa bahay kaya naman binuksan ko ang phone koat tinignan ko kung anong nangyayari sa labas, hininaan ko yung audio ng phone ko at pinagmasdan ko kung anong gagawin at sasabihin ni Tito Aga kay Tita Lea.


Pakiramdam ko ay nakainom si Tito Aga dahil hindi naman sya magkakaganyan kung nasa tamang katinuan sya ngayon. 


"ALAM MO BANG NAGHIWALAY KAMING DALAWA NI REGINE NG DAHIL SAYO!"Sigaw ni Tito Aga kay Tita Lea.


Tama ba yung narinig ko? naghiwalay silang dalawa ni Tita Regine at si Tita Lea ang reason.


"Wala akong kinalaman jan sa paghihiwalay nyong dalawa! wag na wag nyo akong dinadamay! umalis kana dito Aga!" Bwelta ni Tita Lea.



"IKAW!" turo ni Tito Aga sa mukha ni Tita Lea. "KUNG SANA HINDI KA NALANG BUMALIK EDI SANA IKAKASAL NA KAMING DALAWA NI REGINE! ALAM MO BANG TINANGGIHAN NYA YUNG PROPOSAL KO KASI IKAW ANG INIISIP NYA! IKAW YUNG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI NAGHIWALAY! SANA HINDI KA NALANG BUMALIK AT NAGPAKITA SA AMIN! KASALANAN MO LAHAT! KASALANAN MO!"


Sinampal ni Tita Lea si Tito Aga at sinabing "WALA AKONG KASALANAN AT MAS LALONG WALA AKONG PAKEALAM SAINYO! LUMAYAS KANA DITO KUNG AYAW MONG IPAKALADKAD KITA SA MGA GUARDS!" Sigaw ni Tita Lea.


"TANG*NA IKAW NGA YUNG DAHILAN KUNG BAKIT NYA AKO TINANGGIHAN!" Galit na sabi ni Tito Aga.



What the heck is going on? bakit si Tita Lea ang sinisisi ni Tito Aga.


Papasok na sana si Tita Lea sa loob pero sumunod si Tito Aga ay pinwersa nyang buksan yung pintuan dahilan para matumba si Tita Lea at mabagsakan ito ng flower vase sa kamay. Napatakip nalang ako ng bibig ng makita kong nadugo na yung kamay ni Tita Lea, gusto kong lumabas para awatin si Tito Aga at para gamutin ang sugat ni Tita Lea pero wala akong magawa dahil hindi ako pwedeng makita ni Tito Aga.


HIndi ko kayang tignan yung pananakit ni Tito Aga kay Tita Lea kaya pinatay ko yung phone ko at nilagay ko yung mga kamay ko sa tenga ko. Lord ikaw na po ang bahala kay Tita Lea, please tulungan mo sya.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon