Lea's POV
Ilang buwan na din kaming hindi nagkikita ni Tricia, miss na miss ko na sya. Gustong gusto ko na syang mayakap ulit pero hindi ko magawa dahil hindi pa pwede. Bakit kasi ako pa? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng nagawa kong kasalanan?
"Babes kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Aga na kakarating lang.
"Medyo maayos na ang pakiramdam ko hindi kagaya ng dati na palagi akong nagsusuka at nanghihina."
"Wow that's good, ibig sabihin lumalakas kana." Masayang sabi ni Aga.
"Gusto ko ng makita si Tricia pero ayokong makita nya akong nanghihina, ilang buwan ko na syang hindi nakikita miss na miss ko na talaga ang anak natin."
"Kanina nung umalis ako umiyak sya dahil iiwanan ko na naman sya, gusto ko sanang sabihin sa kanya yung kondisyon mo pero ayaw mo naman ipasabi. Gabi gabing umiiyak si Tricia at ikaw ang hinahanap nya." Sabi ni Aga habang nakayakap sa akin.
"Sana mapatawad ako ni Tricia dahil sa pagtago ko ng tunay kong karamdaman."
"Narinig ko nga kagabi sabi nya sana daw sa darting na birthday na ikaw daw ang matanggap nya." Sabi ni Aga.
"Nagpadala ako sa kanya ng flowers at letter pati na din yung necklace na ibinigay sa akin ni Mama." Sabi ko.
"Really? Kailan ka nagpadala?" Tanong nya.
"Kanina lang, sana magustuhan nya."
"Magugustuhan nya yon lalo na kung sayo mismo galing." Sabi ni Aga.
"Teka ano palang paalam mo kay Tricia?" Tanong ko.
"Sabi ko pupunta ako sa Palawan dahil doon ang location ng trabaho ko."
"WHAT! Kaya naman pala umiyak yung anak mo!" Sabi ko sabay hampas sa balikat ni Aga.
"Babes naman bakit mo naman ako sinasaktan?" Sabi ni Aga pero inirapan ko lang sya. "Wala na akong ibang alam na palusot kundi ayun lang."
"Tawagan mo si Tricia at magsorry ka." Sabi ko.
"What?"
"Bingi kaba? Ang sabi ko tawagan mo ang anak natin at humingi ka ng sorry." Sabi ko.
"Okay relax!" Sabi nya at dinial na nya yung number ni Tricia at niloudspeaker nya ito.
"Dad?" Mahinang sabi ni Tricia.
"Anak where are you?" Tanong ni Aga.
"Nasa bahay nila Mommy, sinundo po kasi ako ni Tita Dawn dito daw po muna ako."
"Nasa kwarto kaba?" Tanong ni Aga.
"Yes Dad, sa kwarto ni Mommy."
"Sorry." Sabi ni Aga kay Tricia.
"It's ok Dad, naiintindihan ko naman po kayo. By the way nagpadala po si Mommy ng flowers,letter at necklace." Sabi ni Tricia.
"Really? See hindi ka nakalimutan ng Mommy mo at hindi ka nya iniwanan." Sabi ni Aga na nakapag pangiti sa akin.
"Makakauwi po kaya si Mommy sa birthday ko?" Tanong ni Tricia.
"Siguro makakauwi sya anak malay mo bukas dumating sya." Biro ni Aga.
"Sana nga po bumalik na si Mommy kasi miss na miss ko na sya." Malungkot na sabi ni Tricia.
"Paano naman ako? Hindi mo ba ako namimiss?" Tanong ni Aga.
"Syempre namimiss din kita." Sabi ni Tricia.
"Yun naman pala. Basta anak lagi mong tatandaan kahit malayo sa atin ang Mommy mo yung puso nya at isip lagi nating kasama."
"Pero Dad nasaan ba kasi si Mommy?"
"Alam mo anak kung alam ko lang sinabi ko na sayo." Sabi ni Aga habang nakatingin sa akin.
"Ang daya naman kasi talaga ni Mommy umalis ng hindi nagpapaalam." Sabi ni Tricia, ramdam ko yung lungkot ng anak ko pati na din ang pangungulila nya sa akin.
Lumayo ako kay Aga at nagpunta ako sa Cr para sumuka, akala ko maayos na ang lagay ko hindi pa pala. Nagtagal ako sa CR ng mga 15 minutes dahil sobrang hilong hilo ako at di ko mapigilan ang pagsusuka ko.
"Babes ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Aga na nasa labas ng CR.
"Yes ayos lang ako, don't worry." Sabi ko.
"No! You're not ok, open the door!" Galit na sabi ni Aga dahil naririnig nya akong dumuduwal.
Habang nagsusuka ako yung katawan ko pahina na ng pahina, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin, pakiramdam ko ito na ang kabayaran sa lahat ng kapalpakan na ginawa ko.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...