18

241 9 0
                                    

Tricia's POV

Three months na ang nakalipas magmula ng lumipat kami nila Tita Jodi ng bahay dito sa Batangas. Hanggang ngayon nahihirapan pa din akong mag adjust lalo na sa bago kong school. Lahat din ng kilos ko ay laging bantay sarado kay Tita at Tito.


Magmula kasi ng malaman nila Tita Jodi na may sumusunod sa akin naalarma na sila at wala din silang idea kung sino yon at kung anong pakay sa akin. Madami na din kaming natatanggap na pagbabanta kaya naisipan na nila Tito at Tita na lumipat na kami ng bahay.



Hindi na ako nakakalabas ng bahay na mag-isa dahil binigyan ako ni Tita ng bodyguard. Alam kong para na din to sa kapakanan ko pero nasasakal na ako ng bahagya dahil sa sobrang higpit nila Tita at Tito.




Naalala ko noong bago kami umalis ng Manila galit na galit si Tita ng malaman nyang nakikipag-usap ako ng personal kay Tito Aga. Hindi ko pa din talaga maintindihan ang point ni Tita Jodi kung bakit sya ganon pagdating sa mga artista.



Kung dati ay malaya kong nagagawa ang mga gusto ko, ngayon iba na. Ibang iba na sa nakasanayan kong maluwag at nagagawa ko ang lahat.



Gustuhin ko mang tumakas pero hindi ko magawa, para akong isang bilanggo na gustong gustong makalaya sa mga rehas na bakal pero anong magagawa ko isa lamang akong bata na walang kakayahang makatakas dahil sa sobrang higpit ng bodyguard ko at nila Tita.



Ilang beses din akong nagtangkang makipagkita kala Tito Aga sa isa sa mga mall dito sa Batangas pero bigo akong makita sila dahil nahuli kami ni Tito Ian at ng bodyguard namin.




Gusto kong gawin yung mga dati kong ginagawa pero mukhang malabong magawa ko ulit yon. Sa TV ko nalang napapanood si Tito Aga at Tita Regine pati na din si Tita Lea.




Mahusay nga talagang manganganta si Tita Regine dahil madalas ko silang mapanood sa TV, si Tito Aga naman may mga ilang shows kaya napapanood ko ito. Magaling din pala syang maghost naalala ko noong nakaraan kinamusta nya ako sa isa sa mga show nya gustuhin ko mang sumagot sakanya, pinadaan ko nalang ito sa hangin at mukha namang di nya maririnig yon kahit na anong sigaw ko. Pero sana maramdaman nya na ayos lang talaga ako.



At si Tita Lea naman napapanood ko din yung show nya at isa syang coach, magaling syang maghandle ng bata, magaling syang mag-guide at napapasunod nya ang mga bata. Mukhang ayos naman na si Tita Lea at mukhang nag eenjoy sya sa ginagawa nya.




Kahit may galit ako ng kaonti kay Tita Lea, hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya.





Araw araw akong nagdadasal na sana maging maayos na ang lahat at sana mawala na yung mga pangbabantang natatanggap namin.



Nahihirapan na din kasi ako, walang nagsasabi sa akin kung ano ba talagang nangyayari, ang hirap mangapa sa dilim.




"Ate let's eat na."  Sabi sa akin ni Althea.




Madalas kaming dalawa lang ang magkasama dito sa bahay at ang dalawa naming kasambahay pati na din yung limang bodyguard.





May kalakihan din itong farm nila Tito Ian, kung minsan ay nasa mga sunflower kami ni Althea kapag wala kaming klase.




"Tapos mo na ba yung activity mo?" Tanong ko kay Althea.





"Yes po ate."




Parehas kaming sa bahay lang nag aaral ni Althea, pumapasok lang kami every Monday at Friday para magpasa ng mga activity at para na din mag exam.




"Tara." Sabi ko.



Sabay kaming bumaba ni Althea at sinalubong naman kami ni Nanay Nesa, isa sya sa mga kasambahay namin na isinama namin dito sa Batangas.




"Anak halina kayo ipinagluto ko kayo ng nilagang baka." Sabi ni Nanay.





"Sige po inay." Sagot ko at sumunod na kami sa kusina.





Naglagay ako ng nine na plato para sa aming lahat, gusto kasi namin ni Althea sabay sabay kaming kumain lahat dahil mas masarap daw kumain kapag madami.



"Baby tawagin mo na sila Kuya sa labas." Utos ko kay Althea at tumakbo naman sya sa labas.





Ilang saglit lang ay pumasok na sila Kuya na bodyguard namin.



"Mga Kuya, Nanay Nesa, Ate Rose kain na po tayo, masarap ang nilutong ulam sa atin ni Nanay Nesa." Masayang sabi ko.





Umupo na kaming lahat at sabay sabay na kaming kumain. After namin kumain ay bumalik na yung mga Kuya sa pwesto nila. Kami naman ni Althea ay nagligpit ng mga pinagkainan namin samantalang si Ate Rose naman ay syang maghuhigas ng mga pinggan.



Lumabas si Nanay Nesa upang bigyan ng pagkain yung guard doon sa may gate namin. Oo madami kaming guard dahil sa takot nila Tita Jodi at Tito Ian na may mangyari sa aming masama.






Bumalik na kami sa kwarto namin ni Althea para magpahinga. Binuksan ko yung TV at sakto namang kakaumpisa palang ng show ni Tito Aga.



Napapangiti nalang ako kapag nakikita ko sya sa TV, parang ang saya saya  ni Tito Aga. Nagpropose na kaya sya kay Tita Regine? Sayang naman kung nagpropose na sya, di ko manlang nakita.





"Ate bakit lagi nalang ayan ang pinapanood mo?" Tanong ni Althea.




"Wala lang, nakakatuwa kasi yung mga naglalaro." Sabi ko.





Sana makasama ko sila Tito Aga sa Birthday ko.





The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon