Tricia's POV
Nakiusap ako sa mga bodyguard na sumundo sa akin na wag sabihin kala Tita at Tito na may kinausap akong ibang tao at buti nalang ay napaki-usapan ko sila. Sinabi ng mg guards na nakita nila ako sa may dulo ng isla at kumukuha ng litrato kaya naman hindi na nagalit sila Tita Jodi.
Naguguluhan ako dahil gusto ko sanang sumama kay Tita Dawn at the same time gusto kong magstay kasama sila Tita Jodi. Natatakot ako sa posibleng mangyari kapag tumakas ako, kakaiba magalit si Tita Jodi.
"Tricia saan kaba galing? Kanina kapa namin hinahanap diba sinabi ko sayong wag kang aalis sa tabi namin ng walang kasamang guards! Bakit ba ang kulit mo? Baka mamaya may manakit nalang bigla sayo jan tapos wala kang kasama." Inis na sabi ni Tita Jodi kaya naman niyakap ko nalang sya.
"Sorry Tita, hindi na po mauulit. Naexcite lang po kasi akong gamitin yung binigay mo sa aking camera kaya lumabas po ako at napadpad po ako sa may dulo. Wala naman pong nanakit sa akin Tita kaya wag kana pong mag-alala." Sabi ko.
"Sige na pumasok kana sa loob nakaready na yung food natin."
Pumasok ako sa loob at nagtungo ako sa kwarto para itago yung camera ko. Iniisip ko pa din hanggang ngayon yung sinabi ni Tita Dawn, what if sumama nalang ako sa kanila? bawat araw patindi ng patindi yung sitwasyon ko at mas lalo akong nahihirapan. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay.
"Ate kakain na tayo." Sabi ni Althea kaya naman nagpunta na agad ako sa kitchen.
Habang kumakain kami ay tinitignan ko sila Tita, Tito at Althea. Kaya ko bang iwanan sila? Ayan ang tanong na gumugulo sa aking isipan.
"Tita tapos na po ako." Sabi ko.
"Teka nakailang subo ka lang?" Tanong ni Tito.
"Busog na po kasi ako." Sabi ko.
"Pwede po ba akong magpunta sandali sa dalampasigan? Pangako hidni po ako lalayo." Sabi ko.
"Okay, basta kapag may lumapit sayo bumalik ka dito agad." Sabi ni Tita.
"Yes po." Sagot ko.
Naglakad ako papunta sa dalampasigan at umupo ako sa mala crystal na buhangin. Pinagmasdan ko ang mga alon at pinakinggan ko ang mga tunog ng hampas nito.
"G bigyan mo ako ng sign kung kelangan ko na bang umalis kala Tita Jodi." Bulong ko sa hangin.
"Ma,Pa ano po bang nangyayari ngayon sa amin? Hindi ko na po maintindihan yung mga nangyayari sa paligid ko ngayon, kung sana nandito po kayo naipapaliwanag nyo po siguro sa akin yung mga nangyayari." Bulong ko ulit.
Pinagmasdan ko nalang yung pamilyang nasa left side ko na sabay sabay kumakain. Nakakatuwa naman silang pagmasdan lalo na yung Nanay, inaasikaso nya talaga yung anak nyang babae kahit malaki na ito. Ganon din kaya si Mama kung nabubuhya sya ngayon?
Habang nakatingin ako sa kanila ay may biglang bato na tumama sa braso ko kaya napasabi ako ng "Aray!" at tumingin ako sa direksyon kung saan galing yung bato.
"Tita Lea?" Gulat na sabi ko kaya napatakbo ako sa kanya.
"Paano nyo po nalaman na nandito ako?" Tanong ko pero hindi nya ako sinagot dahil niyakap nya nalang ako. "I miss you." Mahinang sabi nya.
"Tita paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko ulit.
"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman na nandito kayo, ang mahalaga magkasama tayo. Sumama kana sa akin sa Manila diba gusto mo ng umalis sa bahay ng Tita Jodi mo?"
"Tita umalis kana po baka maabutan kapa ni Tita Jodi." Kinakabahang sabi ko.
"Sasama ka sa akin Tricia." Sabi nya habang hawak nya ng mahigpit ang wrist ko.
"Tita nasasaktan na ako, hindi ako sasama sayo."
"Alam kong gusto mong tumakas kaya tara na ilalayo kita dito, ibabalik ko yung dati mong buhay." Sabi nya.
"Pero hindi ko sila kayang iwanan." Sabi ko.
"Ito na yung sign Tricia!"
"WHAT!?"
"Narinig kita kanina." Sabi nya.
Ito na ba talaga yung sign na hinihintay ko? Sasama na ba talaga ako kay Tita Lea? Pero paano sila Tita Jodi na nagpalaki sa akin? Iiwanan ko nalang ba talaga sila ng basta para sa sarili kong kapakanan?

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanficTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...