Lea's POV
Magkakatabi kaming tatlo nila Ate Dawn at Tricia dito sa kama ko, napakasarap ng aking tulog dahil kumpleto kami at ngayon nalang din ako nakaranas ng may katabi sa kama.
Si Tricia nasa left side ko at si Ate Dawn naman ay nasa right side ko. Magdamag na nakayakap sa akin si Tricia samantalang si Ate Dawn naman ay nakadantay sa akin.
Habang tumatagal mas lalo kaming napapalapit kay Tricia, parang ayoko ng pakawalan sya, gusto ko palagi nalang syang nandito sa tabi ko.
Hindi na namin itinuloy ang balak naming pagdukot kay Tricia dahil kusa naman syang suma sa amin ni Ate Dawn.
Natutuwa ako dahil masaya si Tricia na kasama kami, nagagawa nya ang lahat ng gusto nya hindi kagay noong nasa puder sya ni Jodi.
"Good Morning Tita Lei!" Mahinang sabi ni Tricia.
"Good morning." Sabi ko din.
"Ipagluluto ko po kayo ng breakfast ni Tita Dawn, jan lang po muna kayo dahil sabay sabay po tayong kakain dito sa kwarto." Sabi ni Tricia.
"Ang aga aga ang taas ng energy mo, samahan na kita sa pagluluto." Sabi ko.
"No Tita, samahan mo nalang po muna si Tita Dawn dito, tsaka hello paano mo po ako matutulungan kung yung kamay mo po ay may sugat, dito ka nalang po para naman makapagpahinga ka. Hindi na po ba masakit ang sugat mo sa kamay?"
"Okay dito nalang ako, masakit pa din sya pero kaya ko naman." Sabi ko.
"How about yung tummy po Tita? Nakita ko pong sinuntok ka ni Tito Aga."
"Masakit pa din sya, pero dahil malakas ako kaya ko namang dalhin ang sakit." Sabi ko habang tumatawa.
"Ang ingay nyo." Sabi ni Dawn na nakapikit pa din.
"Sige na Tita punta na ako sa kitchen." Nakangiting sabi ni Tricia.
"Ikaw ang sungit mo!" Sabi ko kay Ate Dawn.
"Ang ingay nyo kasi." Sabi nya.
"Bangon na anong oras na." Sabi ko.
"Anong oras na ba?" Tanong nya.
"9:00 am na po Ate!"
"Wala naman tayong work today eh kaya ayos lang na matulog muna ako." Sabi nya.
"Swimming tayo." Aya ko.
"Kayo nalang, matutulog nalang ako maghapon."
"Ang kj mo naman." Sabi ko.
Bumangon din naman si Ate dahil kinukulit ko sya na bumangon na, lumabas sya sa kwarto ko at pagbalik nya ay may dala syang envelope.
"Ano yan? New contract?" Tanong ko.
"No." Seryosong sabi nya.
"Eh ano nga yan?" Tanong ko ulit.
Nilock nya yung pinto at tumabi sya sa akin. "Pinaimbestigahan ko lang naman si Jodi." Sabi nya at binigay nya sa akin ito. "Buksan mo, bawat pahina ay nagsasabi ng totoo."
Binuksan ko ang envelope at tinignan ko isa isa yung laman, may mga pictures din ito ni Tricia at ng parents nya pati na din pictures ni Jodi.
"Anong meron?" Tanong ko
"Kaya ako nawala last night dahil dito, diba sinabi ko sayong tutulungan kitang mahanap ang anak mo. Nasa envelope na yan ang kasagutan Lei. Ayon sa imbestigador na binayaran ko, yang hawak mong litrato na kasama ni Tricia ay hindi nya tunay na magulang. Magkapatid ang dalawang yan na kasama ni Tricia sa litrato at kahit kailan ay hindi sila nagkaanak dahil magkapatid silang dalawa at pinsan lang ito ni Jodi hindi kapatid. Namatay yang dalawang yan sa isang car accident sa America."
"Pero bakit hawak nila si Tricia sa litrato? Akala ko ba namatay sa Quezon Province yung parents nya."
"Hindi ko alam kung bakit nila kasama si Tricia jan sa picture at ang akala natin sa Quezon naaksidente yung kasama ni Tricia jan sa picture, lahat ng kwento ni Tricia ay hindi totoo, hindi natin alam ang motibo ni Jodi para gawin nya ito kay Tricia."
"Bakit kailangan gawin ito ni Jodi?"
"Hindi natin alam, possible din na si Tricia ang anak mo." Sabi ni Dawn na ikinagulat ko.
"Hindi maaari." Sabi ko.
"Maaari Lea."
"Pero anong dahilan nya para itago nya sa akin si Tricia kung anak ko nga talaga ito." Sabi ko.
"May ginawa kaba dati kay Jodi?" Tanong ko.
"Wala akong ginagawa sa kanya, yung dati kong manager ang kakilala nya." Sabi ko.
"DNA Lei, DNA ang kasagutan para malaman natin ang totoo." Sabi ni Ate.
"Paano?" Tanong ko.
"Yung pinagkainan nya mamaya ako ang magliligpit, ayain mo sya sa garden mamaya or sa theater room basta ako ang magliligpit ng pinagkainan natin."
"I mean paano kung sya na nga? Matatanggap nya kaya yung ginawa ko sa kanya?" Tanong ko
"Maunawain na bata si Tricia at kung sya naman ang anak mo tutulungan kitang magpaliwanang sa kanya."
"Natatakot ako."
"Wag kang matakot Lei, kung anong mangyari tanggapin natin. Mauunawaan naman ni Tricia ang lahat dahil nasa wastong gulang na sya."
"Sana kung sya na yung..."
"Tita open the door!" Sigaw ni Tricia.
"Coming!" Sigaw ni Dawn kaya naman nilagay ko agad sa drawer ko yung envelope na naglalaman ng mga katibayan.
"Let's eat na po." Sabi ni Tricia habang nilalapag nya yung pagkain namin sa lapag.
Lumapit kami ni Dawn kay Tricia at sabay sabay kaming umupo sa sahig. "Next time maglalagay na ako dito ng table para hindi na tayo sa lapag kakain." Sabi ko.
"Tama ka jan Lei."
"Tricia after natin kumain punta tayo sa garden, tulungan mo akong magdilig." Sabi ko
"Sure Tita." Sagot nya.
Sana kung sya na talaga ang anak ko matanggap nya ako bilang ina nya. Wag nya sana akong ipagtabuyan.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...