16

225 8 0
                                    

Lea's POV

Pagkatapos nung nangyari kanina sa amin nila Aga at Tricia ay nagdecide akong umuwi na. Nakakapagod din palang maghabol sa taong ayaw naman talaga sa akin. Sana pala hindi nalang ako nagpunta sa office ni Jodi noon edi sana ayos pa kami ngayon ni Tricia.



Buti nalang nandito si Dawn palagi akong may kasama sa bahay at hindi na ako nag-iisa.  Magmula ng magkaayos kami ni Dawn ay dito na sya sa bahay namin tumutuloy.



"Anong nangyari sainyo kanina Lei? Nagkausap naba kayo ni Tricia?" Tanong ni Dawn sa akin.





Inilapag ko yung bag ko sa sofa at tumabi ako kay Dawn. "Hindi kami nakapag-usap, galit na galit talaga sya sa akin at magkasama sila ni Aga."





"What? Bakit sila magkasama? Anong connection nilang dalawa?"



"Dahil magkakilala silang dalawa, sinundo ni Aga si Tricia sa school at naunahan nya ako kay Tricia." Sabi ko.



"Lei maiba tayo, nasaan nga pala ang parents ni Tricia?" Tanong ni Dawn.




"Patay na yung parents nya, ang kwento sa akin ni Tricia noong dinalaw namin ang parents nya dati, naaksidente daw sila noon at sya lang daw ang nakaligtas."




"Yung aksidenteng nangyari ba sa kanila yun ba yung sa Quezon? Yung madaming sasakyan ang nagkarambola?" Tanong ni Dawn.




"Hindi ko alam kung yun nga yung sinasabi mo, pero sa Quezon din daw sila naaksidente." Sabi ko.





"Okay."




"Bakit mo naman naitanong?" Tanong ko kay Dawn.


"Wala lang, gusto mo bang tulungan kitang magkausap kayo ni Tricia?" Nakangiting sabi ni Dawn.


"Paano?" 





"Kilala ko sya at nameet ko na sya nung nakaraan."




"What?"




"Wag ng madaming tanong Lei, basta tutulungan kita. Gusto mo bukas na bukas magkita kayong dalawa." Sabi ni Dawn at iniwanan na nya ako.




Minsan talaga napaka misteryo ni Dawn, may mga bagay na nagagawa nyang posible kahit imposible. Sana talaga matulungan nya ako na makausap si Tricia.



Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig ko si Dawn na may kausap sa kwarto nya. "Okay, Basta yung bilin ko sayo sundan mo lang ng sundan at alamin mo kung anong pangalan ng mga magulang nya, wag na wag nyong sasaktan yan naiintindihan mo ba ako?"Hindi ko na tinapos yung pakikinig kay Dawn basta naglakad nalang ako papunta sa kwarto ko.Napaka weird talaga ni Dawn kahit kailan. Sa pagkakaalam ko artista sya at hindi imbestigador. 


Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagpunta ako sa cabinet ko para kunin yung maliit na box na naglalaman ng ultrasound ng baby ko, ito lang yung tanging meron ako na naiwan ng anak ko. Halos araw araw ko itong tinititigan.


"Anak pasensya kana kung kinailangan ni Mommy na ipamigay ka, sana kapag nagkita tayo mapatawad mo ako sa ginawa ko sayo. Mahal na mahal kita anak. Sana magkita na tayo." Sabi ko sa ltratong hawak ko.



"Girl umiiyak kana naman?" Tanong ni Dawn na hindi ko namalayang nakapasok na sa kwarto ko.


"Gusto ko na sanang makasama ang anak ko."


"Magkikita din kayo sa tamang panahon Lei, basta tutulungan kitang mahanap ang anak mo."

"Thank you Dawn." Sabi ko.


"Lei ano nga pala ang ipapangalan mo dapat sa anak mo?"


"Amarra sana yung ipapangalan ko sa kanya." Nakangiting sabi ko.





"Paano kapag nagkita ulit kayo ng anak mo? Sasabihin mo ba kay Aga?"


"Oo sasabihin ko dahil ama sya ng anak ko at may karapatan sya."



"Paano kung bumuo na si Aga at Regine ng pamilya tapos nakita mo na yung anak mo, ipapakilala mo pa din ba kay Aga yung anak nyo?" Tanong ni Dawn.


Tumalikod ako kay Dawn at sinabing "Hindi ko alam, bahala na."



"Basta nandito lang ako at lagi mo hang tatandaan, hindi kita iiwanan kahit na anong mangyari."


"Thank you Dawn, kahit gaano pang karami ang  kapalpakan na nagawa ko sa buhay ko nanjan kapa din." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.



"Kahit anong kapalpakan pa yan sasamahn kitang itama lahat ng nagawa mong mali, magpahinga kana, may pupuntahan lang ako. Painit mo nalang yung niluto ko na pagkain. Bago magdilim nandito na ako."


"Saan ka pupunta?" Tanong ko.



"Basta. Uuwi din ako mamaya. May aasikasuhin lang ako."


"Okay, ingat ka." Sabi ko at lumabas na sya ng kwarto ko.




Sana nga makasama ko na yung anak ko.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon