10

314 9 5
                                    

Lea's POV

Nagrequest sa akin kanina si Tricia na baka kung pwede daw ay kantahan ko sya kaya naman kinantahan ko sya ng isa sa mga paborito kong lullaby song, ito ay walang iba kundi ang Sa Ugoy ng Duyan. Habang kinakanta ko ito ay humiga si Tricia sa lap ko at nakatulog na ito.



Pinagmamasdan ko ngayon si Tricia habang sya ay tulog pa, napakaganda nyang bata. Siguro ay maganda ang kanyang Mama at gwapo ang kanyang Papa kaya maganda ang kinalabasan ni Tricia.


Siguro kasing laki na ni Tricia ang anak ko ngayon, paano kaya kung hindi ko sya ipinamigay? masaya kaya kami ngayon?




Habang nakatingin ako kay Tricia nagulat nalang ako kasi bigla syang dumilat. "Sorry Tita nakatulog na po ako sa lap mo." Sabi nya.



"It's ok Tricia, mukhang kulang ka talaga sa tulog" Sabi ko.




Bumangon si Tricia at inayos nya ang buhok nya. Habang inaayos nya ang kanyang buhok nakatitig lang ako sa kanya. Ano kayang pakiramdam na may inaalagaan na anak?



"Tita bakit ka tulala?" Tanong ni Tricia.



"May naalala lang ako." Sabi ko sabay ngiti.



"Si Tito Aga po ba?" Tanong nya.




Ngumiti ako at sinabing "Hindi."



"Eh kung ganon bakit ka po nakatulala sa akin?"


"Nagagandahan lang kasi ako sayo." Sabi ko.




"Nako si Tita talaga binobola pa ako. Uwi nalang tayo Tita mukhang pagod kana din po kasi." Sabi nya.


"Daan muna tayo sandali sa mall, kumain muna tayo." Sabi ko.


"Sige po." Sabi ni Tricia.


Nagpaalam na kami sa mga magulang ni Tricia at sabay kaming naglakad papunta sa kotse ko.


Habang nagdadrive ako ay tingin ng tingin sa akin si Tricia kaya tinanong ko sya. "Why? May dumi ba ako sa mukha?"




"Wala naman po."



"I know may gusto kang sabihin." Sabi ko.



"Wala po."


"Sabihin mo na di naman ako magagalit eh." Sabi ko.


"Sure ka Tita?" 




"Yes. Go na sabihin mo na."



"After kitang mabangga sa mall, nagresearch ako kasi sabi ni Tito Aga artist ka daw at madami akong nabasa na tungkol sayo Tita. Isa ka pala sa pinaka magaling na kumanta at may ilang mga movies kana din na nagawa.But..."



"Ituloy mo." Sabi ko.




"May mga article akong nabasa Tita and ang sabi doon nabuntis ka po. Is that true?" Tanong ni Tricia na ikinagulat ko. Akala ko nabura na yung article na yon.



"Anong article naman yan?" Tumatawang sabi ko.



"I forgot na Tita, totoo po ba yon?"


"Hindi yon totoo." Sabi ko.



"Okay po." Sabi ni Tricia.




The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon