34

312 9 0
                                    

Dawn's POV

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa hospital rinig na rinig ko ang pag iyak ni Lea dahil hindi na nagreresponse si Tricia.

"Dawn bilisan mo baka maubusan ng dugo si Tricia."

Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan at halos 25 minutes din bago kami nakarating sa hospital. Inasikaso agad nila  si Lea at Tricia habang ako naman ay nagpunta sa CR para maghilamos.

Habang naghihilamos ako naririnig kong nagkakagulo yung mga nurse sa loob at nakita kong nirerevive nila si Tricia habang si Lea naman ay nagwawala na sa loob ng emergency room kaya pumasok agad ako, napaka daming dugo ang umaagos sa tyan ni Lea pero hindi nya ito iniinda. Pinahiga ko muna si Lea sa kama dahil dadalhin sya sa operating room para tanggalin yung bala sa tyan nya.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa Doctor.

"Maam kailangan ng pasyente na masalinan ng dugo  dahil madami pong nawala sa kanya, wala na po kaming stock ng dugo dito at hindi din po sila match ng Nanay nya." Sabi ng doctor.



"Paano nangyari na hindi sila match ni Lea eh mag inan silang dalawa." Inis na sabi ko.

"May mga cases po talaga na ganon, Ma'am kailangan na po natin syang masalinan nasaan po ba ang tatay ng pasyente? Possible po kasing silang dalawa ang match." 

Lumapit ako kay Lea at sinabing "Kailangan ng anak mo ng dugo Lea! Tatawagan ko si Aga."  Pero pinigilan nya ako.



"Wag!"

"Nahihibang kana ba Lea? Mamatay na ang anak mo pero yung pride mo pa din ang pinaiiral mo! Akala ko ba ayaw mong mawala si Tricia sayo pero bakit parang pinagkakaitan mo sya ulit ng isa pang buhay. Bahala ka basta tatawagan ko si Aga para mailigtas ang pamangkin ko!"

Nagpunta ako sa garden ng hospital para tawagan si Aga mabuti nalang at agad nyag sinagot yung tawag ko.

"Napatawag ka?" Tanong nya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.



"Ako ang nagtatanong tapos sasagutin mo din ako ng tanong." Sarcastic na sabi nya.



"Pwede ba Aga wala akong balak na makipaglokohan sayo, kailangan kita."



"Woah the last time I check galit na galit ka sa akin, halos ayaw mo na nga akong makita diba tapos ngayon kailangan mo ako?" Tumatawang sabi nya.



"Tang*na naman Aga hindi ako nakikipagbiruan sayo kaya pwede ba umayos ka ng pagsagot." Inis na sabi ko.



"Okay! okay! relax ka muna. Ano bang sasabihin mo?"





"Kailangan namin ng tulong mo, kailangan ni Tricia ang dugo mo kaya kung pwede lang pumunta ka dito ngayon sa St. Lukes kung gusto mo pang makita si Tricia ng buhay."



"What? why me?"





"Tanga kaba talaga? Hindi mo ba talaga nagegets yung sinasabi ko? Anak mo si Tricia! pumunta kana dito!" Sabi ko at binabaan ko sya ng telepono.

Bumalik ako sa ER at hanggang ngayon ay nirerevive pa din si Tricia, si Lea naman ay ipinasok na sa operating room. After 10 minutes ay dumating na din si Aga at nasalinan din naman agad ng dugo si Tricia. Dinala na din sya sa operating room at kaming dalawa naman ni Aga ay nasa waiting area.

"Bakit nyo itinago sa akin na anak ko pala si Tricia?" Tanong ni Aga.



"Nito ko lang din nalaman na may anak pala si Lea, noong una nagalit ako dahil ipinamigay nya yung anak nyo, last week nagpaDNA test kami at kanina lang dumating yung result."



"Bakit nagawa sa akin ni Lea ito?" Umiiyak na tanong ni Aga. Matagl ko ng gustong magkaanak pero tinago nya lang sa akin ang lahat ng katotohanan."



"Natakot lang si Lea kaya siguro nya nagawa yon, Alam kong hindi ginusto ni Lea ang lahat sana mapatawad mo sya sa nagawa nya dahil ang anak mong si Tricia ay napatawad na nya si Lea."



"Kaya pala unang kita ko palang kay Tricia magaan na agad ang loob ko, kaya pala ganon kasi anak ko pala sya."



"Aga sana kapag naging maayos na ang lahat sikapin nyong dalawa ni Lea na mabigyan si Tricia ng bagong buhay, bigyan nyo sya ng isang masayang pamilya dahil alam kong matagal na ni Tricia gustong magkaroon ulit ng magulang, sana wag nyong sayangin yung pagkakataon na ibinigay sainyo ngayon, suitin nyo yung bawat araw na buo kayo at mahalin nyo ang isa't isa."



Iniwanan ko si Aga sa waiting room at lumabas na ako sa hospital, pagbabayarin ko muna si Jodi sa lahat ng ginawa nya sa pamilya ko, sisiguraduhin kong hindi sya makakatakas.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon