Tricia's POV
Hindi ko alam kung bakit minsan ay hindi na nakakauwi si Daddy dito sa bahay dati naman every week nauwi sya at kung minsan ay nakakasama ko sya ng isa o tatlong beses sa loob ng isang linggo. Sila Tita Dawn ay laging problemado hindi ko alam kung anong rason kung bakit sila ganon lahat. Madalas na din nila akong iwanan sa bahay nila Mommy dati.
Nalulungkot ako dahil lumipas lang ang birthday ko ng walang nakakaalala, first time ko sana na makakasama sila Mommy at Daddy na magsecelebrate ng birthday ko kaso lang wala sila dito noon para masamahan ako, lumabas lang ako noon at nagsimba dahil wala naman akong kasama sa bahay at wala din namang mangyayari kung mag-iinarte lang ako sa bahay.
Paulit ulit kong tinatanong sila Tita Dawn kung anong problema pero hindi nila ako masagot, lagi nilang sinasabi na stress lang sila kaya madalas maiinit ang ulo nila.
Gulong gulo na talaga ako sa nangyayari dahil feeling ko may alam silang lahat kung nasaan si Mommy dahil nahuli ko si Daddy na may kausap sa phone dati at si Mommy lang naman ang tinatawag nyang babes noon pa man.Makailang ulit ko na din narinig na may kausap si Tita Dawn sa phone at alam kong si Mommy yon dahil tinawag nya itong Lei.
Gusto kong alamin kung anong meron pero natatakot ako, natatakot akong malaman yung totoo dahil baka masaktan lang ako. Gustong gusto kong sundan si daddy noon pero hindi ko magawa dahil wala naman akong kakayahan na sumunod kung saan man sya magpunta.
Araw araw akong nagdadasal na sana nasa maayos na kalagayan ang Mommy ko, na sana isang araw umuwi sya dito, na sana makasama ko na sya habang buhay pero hanggang sana nalang ako palagi.
Walang mangyayari kung maghihintay lang ako dito sa bahay kailangan ko na din sigurong kumilos para malaman yung totoong nangyayari.
"Tricia anak?"
"Dad? You're here na po pala, kumain kana po ba? Gusto mo po bang ipagluto kita?" Tanong ko.
"Wag na anak aalis din ako mayamaya." Sabi ni Daddy.
Hindi ko alam pero ramdam ko yung bigat ng puso no Daddy, alam kong may mali pero hindi ko matuklasan kung saan nanggagaling yung kamalian or problemang iyon.
Umakyat si Daddy sa kwarto nila ni Mommy at naiwanan ako dito sa salas mag-isa. Iniisip ko pa din kung ano bang hindi ko alam sa nangyayari ngayon. Ang laki ng ipinayat ni Daddy at ibang iba na ang itsura nya.
Sumunod ako sa kwarto kung saan pumasok si Daddy at naabutan ko syang nag-aayos ng gamit.
"Dad aalis ka po ulit?" Tanong ko.
"Oo anak kailangan ko kasing magtrabaho, tignan mo itong itsura ko diba nagbago na? May bago kasi akong role." Nakangiting sabi ni Dad pero kahit nakangiti sya kita ko naman sa mukha nya yung sakit na nararamdaman nya.
"Dad kailan po ulit kita nakakasama ng matagal?" Tanong ko.
"Pasensya na anak hindi ako makakuha ng tyempo eh wala akong bakanteng oras."
"Dad trabaho po ba talaga ang ginagawa nyo?" Naluluhang tanong ko. "Kasi Daddy parang may mali na, hindi nyo man po sabihin pero nararamdaman ko naman po ito. Ano po bang nangyayari? Gulong gulo na po kasi ako."
"Wa--wala, walang ibang nangyayari anak." Nakangiting sabi ni Dad. "Wag kang umiyak jan sige ka papangit ko." Biro nya kaya pinunasan ko yung luha ko.
"Pwede po bang umabsent ka nalang sa trabaho mo? Kahit isang araw lang Daddy." Sabi ko.
"Pasensya na anak pero hindi ko magagawa yon, sige na mauna na ako kailangan ko ng bumalik sa location namin. Maglock ka ng mga pinto tawagan mo lang ang Tita Dawn mo kapag may problema ok?" Sabi ni Dad at lumabas na sya ng kwarto.
Hinabol ko sya at sinabing "May alam ka po ba kung nasaan si Mommy? Please Dad tell me the truth."
"Hindi ko alam kung nasaan ang Mommy mo Tricia, sige na mauna na ako."
"Ingat po." Sabi ko at tuluyan ng umalis si Daddy.
Pag alis ni Daddy ay sakto namang dumating yung kotseng nirentahan ko, nagpabook ako kanina sa grab dahil desidido na ako na malaman king ano ba talagang nangyayari.
"Kuya sundan mo po yanh black na fortuner, wag na wag mo pong iwawala ang paningin mo jan sa kotseng yan." Sabi ko.
Nagulat nalang ako ng makarating kami sa isang apartment, hindi muna ako bumaba sa kotse dahil hinintay kong makapasok si Daddy dito at laking gulat ko ng biglang lumabas si Tita Dawn at Tito Richard sa apartment na yon.
Anong meron sa apartment na yon at nandon sila?
Nakita ko namang umalis na sila Tito at Tita tapos si Daddy naman ay pumasok na sa loob. Ano bang tinatago nila sa akin?
"Kuya ito po ang bayad ko, maraming salamat po." Sabi ko at bumaba na ako ng kotse.
Tumakbo ako sa may likod kotse ni Daddy at nagtago ako doon ng ilang minuto dahil nakikiramdam ako sa kung anong meron sa loob ng apartment.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na katukin ang pintuan ng apartment.
"Tri--tricia what are you doing here?" Gulat na tanong ni Daddy.
"Dad bakit ka nandito? Akala ko ba may work ka? Sinong kasama mo jan? Nakita ko sila Tito Chard at Tita Dawn dito, anong meron sa loob ng apartment na yan?" Sunod sunod na tanong ko.
"Babes sila Ate Dawn ba yang kausap mo?" Tanong ng isang babaeng parang nanghihina na ang boses.
"Si---si Mommy ba yon?" Utal na sabi ko kaya nagpumilit na akong pumasok sa loob.
Laking gulat ko ng makita kong nakaratay si Mommy sa kama at namumutla.
"M--ommy?" Umiiyak na sabi ko, hindi ko alam kung bakit hinang hina ako ng makita kong ganito si Mommy.
"Anak, I'm so sorry." Umiiyak na sabi ni Mommy.
"Shhh Mommy wag kang magsalita ok mapapagod ka lang." Sabi ko.
Bakit? Bakit kay Mommy pa nangyari ito?
"Mahal na mahal kita Mommy, magpagaling." Sabi ko ay niyakap ko sya ng mahigpit.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
FanfictionTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...