Tricia's POV
Day off nila Tita Jodi at Tito Ian kaya naisipan nila na lumabas kaming lahat kasama ang mga bodyguards. Wala akong Idea kung saan kami pupunta at wala din akong balak tanungin sila Tita kung saan ba talaga kami pupunta, gusto ko sanang tumakas pero hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala din akong alam kung saan ang terminal papuntang Manila.
Kung nasa akin lang talaga ang cellphone ko natawagan ko na sana si Tito Aga at nagpasundo na ako. Kinuha kasi ni Tita Jodi ang phone ko, swerte nalang kung ibibigay sa akin yon ngayon ni Tita Jodi pero mukhang malabo yon.
Buong byahe ay nakapikit lang ako dahil gusto kong magpahinga, hindi dahil pagod ang katawan kundi pagod ako emotionally and mentally. Magmula ng lumipat kami dito sa Batangas madaming beses na akong hindi nakakatulog ng maayos, swerte nalang kung makabuo ako ng 8 hours na tulog. Gustong gusto ko ng bumalik sa Manila pero ayaw na nila Tita Jodi.
Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko sa Manila, wala akong balita sa kanila dahil wala din naman akong phone.
Napaka daming gumugulo sa isip ko dumagdag pa yung narinig ko noong nakaraan kay Tita Jodi, si Tita Lea daw ang pinaghihinalaan nila na may pakana ng lahat, yung mga bantang natatanggap namin ay si Tita Lea daw ang nag-uutos pero wala pa silang pruweba.
Hindi naman ako naniniwalang magagawa ni Tita Lea yon dahil alam kong may kabutihan pa din syang natitira sa puso nya at alam kong malinis ang intensyon nya at hindi nya kayang pumatay ng tao.
"Mommy saan po pala tayo pupunta?" Tanong ni Althea kay Tita Jodi.
"Sa beach, diba gusto nyong magswimming tsaka para makapag bakasyon naman sila Kuya guard natin." Sabi ni Tita.
So sa beach pala kami pupunta, akala ko babalik na kami sa Manila hindi pa pala.
"Mommy kailan po pala tayo babalik sa Manila?" Tanong ulit ni Althea.
"Baby hindi ko pa alam eh, bakit may naiwanan kabang gamit? ipapakuha ko nalang."
"Wala naman po Mommy, miss ko na po kasi yung mga friends ko." Sabi ni Althea at sumingit na din ako sa usapan nila.
"Ako din po Tita, gusto ko na pong bumalik sa Manila. Ang hirap mag-adjust dito."
"Kapag nahuli na yung utak sa panggugulo sa atin tsaka lang tayo makakabalik sa Manila." Sabi ni Tita.
"Wala pa po bang lead?" Tanong ko.
"Wala pa."
Nakakainis talaga, kung sino man yung may pakana ng lahat sisipain ko sya kapag nagkita kaming dalawa at sisiguraduhin nyang pagbabayaran nya yung kalokohang ginagawa nya sa amin.
After 2 hours ay nakarating na din kami sa beach na nirentahan nila Tita Jodi, kami lang ang tao dito pero sa kabilang resort ay may mga tao. Pwede daw kaming mag-lakad lakad dito pero sabi ni Tito Ian siguraduhin daw namin na may kasama kaming isa or dalawang bodyguard.
Akala ko ligtas na ako kapag nandito na kami sa resort, akala ko makakapaglakad lakad na ako ng walang nakabuntot sa akin nagkamali pala ako.
Inilagay ko yung mga gamit ko sa kwarto at humiga ako sandali. Ilang minuto din akong nakahiga hanggang sa pumasok na si Tita Jodi sa kwarto at iniabot ang dalawang paper bag. "Tita ano po ito?" Tanong ko.
"Buksan mo." Nakangiting sabi nya.
Binuksan ko naman agad yung isang malaking paper bag at nagulat ako sa laman nito. "Tita bakit mo po ako binilihan ng ganito?"
"Alam ko kasing matagal mo ng gustong bumili ng ganyang camera pero hindi ka makabili dahil mas inuuna mo yung mga dapat bilhin para sa school."
Niyakap ko si Tita Jodi ng mahigpit at sinabing. "Thank you Tita, sobra sobra na po ang naitulong nyo sa akin, Hindi ko po alam kung paano ko ito masususklian."
"Sundin mo lang yung mga bilin ko sayo ayos na ako don."
"Yes Tita." Sagot ko.
Umalis na din si Tita Jodi sa kwarto at ako naman ay binuksan ko yung pangalawang paper bag na naglalaman pala ng apat na swimsuits, napaka dami naman nitong binili sa akin ni Tita, itinabi ko nalang ang mga ito at kinuha ko ulit yung binili sa akin ni Tita na Fujifilm X-T4 Camera. Matagal ko ng gustong bilhin to pero hindi ko ito mabili dahil inuuna ko yung mga gagamitin ko sa school.
Habang kinakalikot ko yung camera ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo ako sa dalampasigan para picturan ang magagandang view. Habng nagpipicture ako ay hindi ko namalayang wala pala akong kasamang bodyguard kaya naisipan ko na din na maglakad lakad.
Madami akong nakikitang family na magkakasama kaya naman pinipicturan ko ang mga ito ng palihim. Siguro kung nabubuhay ang Mama at Papa ko kasing saya din nila kami, siguro sila ang kasama ko ngayon at hindi sila Tita Jodi at Tito Ian.
Naglakad lakad nalang ulit ako at nakarating ako sa dulo ng isla kung saan konti lang ang tao, umupo muna ako sa ilalim ng puno para magphinga at damhin ang simoy at hampas ng alon.

BINABASA MO ANG
The Day I Met You
Fiksi PenggemarTatalikuran ni Lea ang kanyang Pag-ibig kay Aga para lamang sa kanyang ambisyon. Isasantabi ni Lea ang pagiging ina nya sa sarili nyang anak para lamang sa kanyang kagustuhang maging isang sikat na singer. Ngunit sa oras na mawala ang kanyang kasika...