38

287 9 0
                                    

Lea's POV


"Mommy mahal na mahal kita." Ayan ang paulit ulit na sinasabi ni Tricia kanina pa. Umiiyak sya habang tulog dahil siguro sa sobrang pagod kaya nangyayari yon sa kanya.


"Love's sundan na kaya natin si Tricia?" Tanong ni Aga sa akin.


"Siraulo kaba? Sa tingin mo makakabuo pa tayo?"


"Oo naman." Proud na sabi nya.


"Mommy wag mo kaming iwanan ni Daddy! Mommy wake up! Mommy I love you please don't leave me." Sigaw ni Tricia kaya naman bigla kaming napaakyat ni Aga sa kwarto nya.


"Baby wake up! Nananaginip ka." Tapik ko sa pisngi ni Tricia.


"Love bakit?" Tanong ni Aga kay Tricia.


"Mommy I saw you sa panaginip ko, may sakit ka daw, totoo ba?" Umiiyak na tanong ni Tricia.



"Me? May sakit? Anak walang sakit si Mommy tignan mo nga ang lakas lakas ko, tsaka paano naman ako magkakasakit grabe mag alaga ang Daddy mo." Sabi ko.


"Mommy I thought totoo yung panaginip ko dahil nandon kayo,parang totoo talaga sya mommy."


"Anak alam mo panaginip lang yan hindi mangyayari yon at malabong mangyari yon." Sabi ko.


"Alam mo anak gutom lang yan, tara sa kitchen nagluto ang Mommy mo ng paborito mong meryenda." Sabi ni Aga at nauna na silang bumaba sa kitchen.



Kaya siguro madalas syang nanaginip dahil sa trauma na nakuha nya doon sa nangyari sa amin two months ago. Hindi lang ito ang unang beses na napanaginipan nya kami,madaming beses ng nangyari ito.



"Babes come here!" Sigaw ni Aga kaya bumaba na ako at sinabayan ko na silang kumain.



"Mommy wag mo kaming iiwan ni Daddy ok?" Sabi ni Tricia.


"Oo naman, tsaka bakit ko kayo iiwanan kung buo na tayo hindi ba?"


"Yup tama ang Mommy mo anak tsaka gagawa pa kami ng kapatid mo, hindi ba babes?" Sabi ni Aga kaya tinignan ko lang sya ng masama.


"Really? OMG gumawa na kayo Mommy kala Tita Dawn muna ako." Sabi ni Tricia at tumayo sya at akmang kukuha ng mga gamit sa kwarto nya.


"Ikaw kung ano ano sinasabi mo sa anak mo mamaya maniwala yan." Sabi ko kay Aga.


"Babes seryoso ako." Sabi ni Aga at iniwanan ko sya sa dining area dahil susundan ko si Tricia.



"Anak wag kang maniwala sa Daddy mo binibiro ka lang nya."



"Edi totohanin nyo na po tutal malaki naman na po ako matutulungan ko na po kayong mag-alaga incase na dumating yung baby brother or sister ko." Nakangiting sabi ni Tricia.



"Manang mana ka talaga sa tatay mong siraulo." Mahinang sabi ko pero narinig din naman nya.


Tumabi sa akin si Tricia "Si Mommy talaga." 



"Anong si Mommy talaga? Alam mo anak sapat kana para sa amin ng Daddy mo."



"Pero Mommy mas masaya kung madami tayo dito sa bahay, ayaw mo na bang makakita ng batang nagtatakbuhan jan sa salas natin? Masaya kapag maingay at magulo ang bahay Mommy, tsaka gusto ko din pong maranasan mag-alaga ng kapatid."



"Ikaw kung ano ano yang sinasabi mo, nahahawa kana sa Tatay mo" Sabi ko habang tumatawa.



Biglang sumulpot si Aga "Babes pagbigyan mo na ang anak natin,gawa na tayong kapatid nya." 



"Gago ka talaga kahit kailan, magsama kayong mag-ama." Sabi ko at nag-walk out ako, narinig ko naman silang nagtawanan lang. Sinusubukan talaga ako ng dalawang yon pwes humanda sila sa ganti ko.



Kinuha ko yung susi ng kotse ko at nagpunta ako sa bahay namin dati nila Ate Dawn, akala ng dalawang yon maiisahan nila ako well mas mataba ang utak ko kesa sa kanilang mag-ama.



Tinawagan ko si Ate at sakto namang pauwi na daw sya at kapag nga naman sinuswerte ka mag-isa lang sya ngayon sa bahay dahil may trabaho si Richard.



Nakita ko namang tumatawag si Tricia sa phone ko kaya sinagot ko ito. "BAHALA KAYONG DALAWA NG DADDY MO! GOODBYE!" Sabi ko habang nakangiti.



Pagdating ko sa dati naming bahay ay pumasok agad ako at nilock ko ang mga pintuan. Nagtungo agad ako sa luma kong kwarto at binuksan ko ang aircon. Mabuti nalang at may ilang mga damit pa ako dito. 



Payapa akong makakatulog mamaya dahil wala akong katabing malikot.

The Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon