SIMULA

1.8K 26 2
                                    

Simula

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. It's still 6 in the morning. Gusto ko pang magkulong sa kwarto at matulog pero kumakatok na ang isang kasambahay kaya tumayo ako at naligo.

It took me 30 minutes inside the bathroom. Hinahanda ko ang sarili ko sa mga mangyayari ngayong araw. Nagmuni muni ako kung tama ba talaga ang naging desisyon ko.

Paglabas ko sa bathroom, nasa loob na ang make up artist na kakatapos lang mag set up ng mga gagamitin ko today, pati ang damit na susuotin ko ay naka handa na sa kama. Isang white off-shoulder long gown. Handa na rin ang photographer para sa photoshoots.

" Hello miss Leona, are you ready? " sabi ng isang make up artist.

" yeah, sure " walang ganang sagot ko. Habang nilalagyan ako ng make up, nag ring ang phone ko and I saw my bestfriend's name, Camille on the screen. Agad ko namang sinagot.

" Leoooooonaaaaaa! " tili nya. Nilayo ko ang phone ko sa tenga dahil sa lakas ng kanyang tili, feeling ko masisira ang eardrums ko.

" Hey, where are you? " tanong ko, kasi dapat nandito na siya kanina pa. Nalate nanamn siguro to ng gising. Tsk.

" sorry, I woke up late. I'm on my way. I'm with Michael. Nagpunta pa kami sa starbucks thinking that you wanted iced coffee?" she really knows me well.

" yes please. Hurry, I really need you here. " sagot ko.

" Yeah, don't worry..." " Michael can you drive faster? " utas nya sa boyfriend nya. " Gusto mo bang madisgrasya tayo kung ganon?" sagot naman ni Michael. Aba! Nag away pa ang dalawa, sarap pag umpugin.

" cge na, papatayin ko na to. Bilisan nyo. " I rolled my eyes. Nakaka inggit kasi ngayon masaya sya kasama ang taong mahal nya samantalang ako, eto ikakasal sa taong hindi ko masyadong kilala.

Today is my wedding day and dapat masaya ako, but the thought that I am going to get married to someone whom I've just known for the past month, is scary. I'm terrified. Kung pwede lang sana mag back out. Pero alam ko hindi na pwede. Desisyon ko to kaya kailangan ko tong panindigan. Besides makikinabang din ang companya nito.

I have to remember, I am also doing this for myself. I want revenge. I want him to see na may better option ako.

" Okay your make up is done maam. " masayang sabi ng make up artist.

I opened my eyes and saw my reflection in the mirror. The make up was simple yet elegant. The make up artist just used a cool toned brown eyeshadow ang she used silver eyeshadow glimmer in the inner corner to make my eyes pop. Nagustuhan ko naman yung make up kasi bagay siya sa hooded eylids ko.

Natapos akong namake - upan 8:30 ng umaga, since ang kasal ay magsisimula ng alas dyes, pinasuot na sa akin ang susuotin ko para maka pag photoshoot at pagkatapos diretso na sa venue ng kasal. Gaganapin ang kasal sa malaking simbahan dito sa lugar.

At last, dumating na si Camille kasama ang nobyo. She hugged me tight while Michael just smiled at me so I just smiled back at him.

" Girl, you look amazing. Ang ganda ng make up mo, bagay na bagay. " ani Camille.

" Thanks. " tipid lang akong ngumisi.

" Got a call from the organizers, that we should go. " Bumaling kami sa pinto nang nagsalita si mama. Pumasok sya sa loob to check if I am ready.

" Ready ka na ba anak? "

Natagalan ako sa pag sagot. Kasi hanggang ngayong nagdadalawang isip parin ako.

" Oh well, there's no turning back. Let's go, you can't be late to your own wedding. Papahanda ko na kay kuya Jun ang kotse sa baba. " she smiled at lumabas.

Tiningnan ko ulit ang sarili kong repleksyon. At sa likod nakita ko ang bestfriend ko na nakangiti pero bakas parin ang pag aalala.

" Leona, everything's gonna be okay. Just give each other time. Baka naman magustuhan nyo rin ang isa't isa. We'll never know. " she hugged me from the side and kissed my cheek.

" I hope so. Let's go. Para matapos na."

Malapit lang ang simbahan dito sa bahay. Mabuti nalang din, kasi nag aalala ako na baka mahulas ang make up ko sa byahe, pawisin pa naman ako. And thanks to my bestfriend, may tiga paypay ako sa loob ng car, kahit pa may aircon. Ganyan ako kapawisin.

May ilang minuto pa bago magsimula ang seremonyas ng kasal kaya nag cellphone muna ako at nag check sa mga social media accounts ko. Marami ang nag message sakin para bumati pero hindi ko na ni replyan, hindi ko alam kung marereplyan ko ba lahat sa dami.

Lumipas ang oras, kaya pinalabas na ako ng organizer sa kotse para makapag handa at rumampa sa aisle.

I am a social butterfly kaya madaming dumalo na mga kakilala ko. Ang iba ay mga kasosyo ni papa sa business. Ang ibang mga mukha naman na hindi ako famillar ay paniguradong bisita ito ng mga Villejo's.

The reason why there's still a lot of guests in my wedding kahit hindi naman talaga kami nag mamahalan ay dahil gusto ni papa na maramdaman ko pa rin na espesyal ang araw na to. I doubt that. Pero ako rin mismo ang nagsabi na gusto ko tong isapubliko.

Binuksan na ang pintuan ng simbahan para makapasok ako, at sa tabi ko si papa.

" I hope you are happy, sweetheart. This is also for you not just for the company, remember that. " bulong ni papa nang nag simula kami sa paglakad. Tipid lang akong ngumisi.

Sa paglakad namin papunta sa harap ay may mga naririnig akong mga puri galing sa mga kakilala ko. Hindi ko na masyadong pinagtuunan sila nang pansin. Ang tanging nasa isip ko ay kung tama ba ang desisyon kong sumang ayon sa kasal na to?

Matagal ko nang pinangarap na maglakad sa aisle kasama si papa. Palagi kong ini imagine noon na pumasok sa simbahan suot ang pinakamagandang gown at ang mga mata ng mga tao ay nasa akin. I want them to witness my special day. Gusto kong masaksihan nila ang pagmamahalan namin sa taong nakalaan para sa akin.

Pero eto ako ngayon, suot ang magandang gown, kasama si papa na naglalakad sa aisle at lahat ng tao ay nakatuon ang mga mata sa akin. Pero hindi naman ako masya. Sa totoo lang natatakot ako.

Siguro dahil alam ko na ang naghihintay sa akin, ay hindi ang taong mahal ko, because the man waiting for me ahead is a total stranger.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon