Chapter 29

579 12 0
                                    

Chapter 29

Bumalik ako sa building at sumakay ng elevator pabalik sa loob ng office. Marcus was still there waiting for me. He smiled when he saw enter the room.

"Leona, pinipili mo na ba ako --" Hindi nya natapos ang kanyang sinabi dahil lumapat ang kamay ko sa pisngi niya.

Natigilan siya sa ginawa ko nanlaki ang mga mata niya. Habang ako ay galit na galit at hindi tumitigil ang pag tulo ng mga luha.

"Marcus tigilan mo na ako. Please, sinasabi ko na to sayo ng harap harapan. Hindi ko to masabi sayo noon dahil naaawa ako sa 'yo kasi kahit papaano, may pinagsamahan tayo. Mahal kita Marcus pero..." I sobbed. "Mas mahal ko si Jaycee." nawala ang gulat na expresyon niya at napalitan ito ng galit.

Umiiyak padin ako sa harap niya. "Please, layuan mo na ako. Kasi mahal ko si Jaycee. I love my husband. I want to give Jaycee my everything. I'll admit that I haven't moved on from you yet so please leave me so that I can. Just let me be happy with Jaycee. If you really love me, you'll let me be with the person I love." I said and wioed my tears.

Lumabas siya sa office na bigo. I hope he'll leave me and Jaycee alone. I hope  both of us will move on.

Akala ko kasi naka move on na ako kay Marcus pero hindi pa pala. I want to move on. Gusto kong mahalin si Jaycee na wala akong tinatago sa kanya.

I made up my mind, I'll tell him the truth. I'll accept whatever his reaction will be because I deserve that.

I drove to Jaycee's office, nagbabakasakaling nandoon siya. Pero pagdating ko doon ay wala siya. I drove to our house pero wala din siya doon. I texted Tita Anne, pero wala din siyang alam.

I don't know where to find him. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho. Nilibot ko na ang pwedeng puntahan ni Jaycee pero wala siya.

Shall I give him time to think? Pero gusto kong magkausap kami ng maayos para matapos na to lahat.

Then I thought about Kate. Malapit sila kaya pwedeng magkasama sila ngayon.

I quickly dialed Kate's number.

["Hello"] ani Kate.

"Kasama mo ba si Jaycee ngayon?" I asked.

["Why? You want to hurt him again? Just leave him alone. He's too hurt to see you."] she said.

"Please, I want to talk to him" nagmakaawa ako. Nagsimulang tumulo ang mg luha ko.

["Is that Leona? Don't talk to her. I don't want to see her anymore."] narinig ko ang boses ni Jaycee sa kabilang linya.

["Did you hear that? You know what Leona, I trusted you for Jaycee but this? You cheated on him? I should've taken him when I had the chance."] sasagot na sana ko pero pinatay na niya ang tawag, hindi ko na rin siya macontact. She probbably turned off her phone.

Kung sana lang hindi ako naging duwag, edi sana hindi magagalit si Jaycee. Edi sana hindi magkakaganito ang lahat.

I dialed Camille's number. Sinagot niya naman ito agad.

"Hey." she said.

I started crying when I heared her voice.

["Uy, anong problema mo?"] she said.

Nagpatuloy ako sa pag iyak.

["San ka? Pupuntahan kita."]

"Can we go to your place?" I said.

["Okay, I'll see you there."]pinatay niya ang tawag. Nagmaneho ako agad papunta sa condo niya.

Atleast I still have a friend to rely on.

Dumating ako sa kanyang condo at dumeretso sa kanyang unit. I have a spare key kaya nakapasok ako agad. Kumuha ako ng beer from her ref. at nagsimula sa pag inom.

Dumating siya ilang minuto ang lumipas. I was at her balcony drinking my second can of beer.

Lumingon ako sa kanya at nakita sa mukha niya ang pag aalala. She then hugged me tight that made me cry. I hugged her back at binaon ko sa leeg niya ang mukha ko. Hindi ko pa kaya mag explain. Iniyak ko muna lahat.

She didn't let go of me until I finished crying. Ako ang unang kumalas  sa yakap.

Pinaupo niya ako sa sofa niya at hinarap ako.

"Why are you crying? What happened?" she asked seriously.

I have never cried like this before maybe that's why she's freaking out.

"Jaycee saw Marcus kissing me at my office. Marcus was drunk." I started.

Ikinwento ko ang nangyari at pati na rin ang tungkol kay Marcus na hindi siya ang ama ng bata na dinadala ni Kelly.

Kinamot niya ang ulo niya.

"You know what, it's kind of your fault. Kung sana sinabi mo kay Marcus na ayaw mo na talaga kasi mahal mo si Jaycee, hindi na siya maghahabol pa sayo."

"Nahihirapan kasi ako. Kasi nga diba may pinagsamahan din kami kahit papaano."

"Kahit na. Mahal mo ba talaga si Jaycee o ano?"

Oo, mahal ko si Jaycee. Pero sa ngayon, naguguluhan pa ako kung may nararamdaman pa ba ako kay Marcus o wala na. Ayyy ewan.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon