Chapter 5"Leona, Let me explain." ani Marcus.
Hinawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.
"Anong let me explain? Hindi pa ba sapat yung nakita ko?"
Hindi siya nakapag salita. Tahimik lang ang babae sa likod ko.
"Bitawan mo ako, nakakadiri ka. Nandidiri ako sayo. Sa buong pagkatao mo. Pano mo nagawa sa'kin to?" hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko sa pag agos.
"Leona please naman oh."
"Minahal kita Marcus. Pero ito? Ito lang ang matatanggap ko galing sayo?" pinagsasampal ko siya.
"Leona, I'm so sorry." nakita kong nangigilid na din ang kanyang luha.
Ang kapal din ng mukha nitong umiyak sa harap ko.
"Ikaw ang nangloko, pero may gana ka pang umiyak sa harap ko? Wala kang karapatan para umiyak kasi ako! Ako ang niloko mo! Magsama kayong dalawa mga walang hiya. " sigaw ko.
Gusto kong manakit. At ang naisipan kong saktan ay itong babaeng malandi sa likod ko.
"Ikaw? Bakit ka tahimik? Malandi ka! Ikaw yung sa CR kanina diba? Ano? Nasaan na ang tapang mo?" tinulak tulak ko siya. Nanatili siyang tahimik.
Hinawakan ni Marcus ang kamay ko para tigilan ang pag tulak.
"Wag mo siyang saktan! She's pregnant." sigaw ni Marcus.
Nanlaki ang mata ko. Him cheating was one thing. And now, she's pregnant? Mababaliw na ata ako.
Hindi na ako umiyak. Tanging galit lang ang nararamdaman ko ngayon.
PAK
Lumapat sa mukha nya ang palad ko. Kulang pa ang sampal para sa sakit na binigay at pinaramdam niy sakin.
"Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko kung ganon?" sigaw ko.
"Leona, I was going to tell you everything. Hindi lang talaga ako makahanap ng tyempo." ani Marcus.
"Well then mag sama kayong dalawa." tumakbo ako patungo sa kotse ko. Hindi ko na siya nilingon.
Mabilis ko nang pinaandar ito para maka uwi.
Paano niya nagawa sakin to? Ganyan na ba talaga siya kakati? Hindi na ba talaga siya makapag hintay kaya nangaliwa siya?
Kung mahal niya talaga ako kahit gaano pa katagal, maghihintay siya. Pero hindi. Nagpadala siya sa tempatsyon.
Umiyak ako magdamag pagdating ko sa bahay. I want to tell Camille everything. Pero naalala ko na nasa bar pala siya ngayon.
Nakatulog ako kakaiyak at kaka alala sa nangyari sa parking lot nung gabing yon.
Wala akong ganang lumabas kinaumagahan. Ayaw kong gumalaw. Gusto ko lang mag tulala mag damag.
Naisipan kong tumawag kay Camille, kaya dinial ko ang numero niya.
"Hello." halatang bagong gising pa ang babaeng to.
"San ka ngayon?" walang ganang tanong ko.
"Nasa bahay. My head hurts, parang ayokong mag trabaho muna. You?"
"Me too. Want to come over?" sabi ko
"Why? What's wrong? Okay. I'll be there."
Pinatay ko na ang tawag at nanatiling nkahiga sa kama.
Biglang pumasok sa isip ko ang offer ni Tita Anne. What if tanggapin ko ang offer nila?
Gusto kong maghiganti. Gusto kong makitang nasasaktan si Marcus.
Ipinaglaban ko pa ang pagmamahal ko sa kanya nung gabing yon tapos siya pala may kalandiang iba?
Hindi ako na naiiyak, galit ako sa kanya. Galit ako sa sarili ko. Bakit nya kailangan gawin yon? Maybe hindi talaga siya ang nag kulang. Baka ako talaga ang nagkulang kasi hindi ko nagawang ibigay sa kanya ang gusto niya. Na kung sana pumapayag ako everytime gusto niyang makipagtalik, baka hindi niya nagawa ito. Pero naiirita din ako sa kanya dahil bakit hindi niya nagawang maghintay? Bakit?
Madaming tanong ang pumasok sa isip ko, nang biglang pumasok si Camille dala dala ang isang tray ng pagkain.
"Hindi ka pa daw kumakain sabi ni Tita." sabi niya.
Umupo nalang ako galing sa pagkakahiga.
"Ano bang minumukmok mo dito?" panimula niya.
"I saw Marcus with another girl last night and said she was pregnant."
Napaawang ang bibig niya sa narinig.
"OH MY GOD!! seryoso?" hysterical na pagkakasabi niya.
"I thought matino siyang tao. Damn." hindi parin siya makapaniwala. Kahit nga ako eh hindi parin ako makapaniwala. Hindi pa nag sink in sa sarili ko lahat. Basta ang alam ko, he cheated.
"Naghanap siguro siya ng iba kasi hindi ko maibigay sa kanya yung gusto niya. Yung you know, V card ko." sabi ko.
"E kung ganon, walang hiya pala yon. Ano yun jinowa ka para makuha V card mo?" sabi niya.
"Ang mas masaklap, nagbunga pa yung kalandian nila. I mean walang kasalanan ang bata pero, nakaka irita lang." sabi ko.
"So anong plano mo?" ani Camille.
"Kagabi, nag offer si Papa na pakasalan ko si Jaycee, anak ng may ari ng Vcorps. Hindi ko tinanggap kagabi, syempre pinaglaban ko ang lintek na pagmamahal ko kay Marcus pero ito lang makukuha ko." i sighed. "kaya tatanggapin ko yon, para mag selos si Marcus." sabi ko.
"Baliw, may anak na nga sila diba? Pano mo pa mapapaselos? Kahit na mag selos pa yun, wala na rin siyang magagawa kasi may anak na nga diba?" sabi niya. "wag kang padalos dalos."
"Yun lang naisip ko eh. Hindi naman sa papaselosin ko lang, gusto ko ipakita sa kanya na hindi ako affected. Ayokong magmukhang talunan. Plus yung offer nayon is makakabenifit din ang kompanya." sabi ko.
Mag iinvest ang mga villejo sa companya namin kaya maari itong lumago. It's just like hitting two birds with one stone.
Gusto kong ipakita sa marcus na yun na hindi ako affected. Gusto kong ipakita sa kanya na masaya ako kahit wala siya. Magsama sila sa babae niya.
Hindi lang naman ako ang makakabenipisyo pag tinanggap ko ang offer. Ako, ang mga villejo at ang kompanya ang makikinabang nito.
"Sure ka na ba talaga? Kung ano mang desisyon piliin mo, andito lang ako ha? I'll support you." she said then hugged me tight.
Nag kwentuhan lang kami buong araw. Binanggit din niya na nag break sila ni Michael kaya siya nag bar kagabi para makalimot daw. Kilala ko tong babaeng to mag kakabalikan din to sila. Marupok 'to eh.
• Kamiry Delvan •
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...