Chapter 4

859 24 14
                                    

Chapter 4

Nag usap sila tungkol sa business, samantalang ako tahimik lang at sumasagot lang sa mga tanong nila. Ganun din si Jaycee. Pansin ko ang pag titig niya sakin.

Nang nai-serve na ang pag kain, tahimik lang ako at si Jaycee na kumakain. Patuloy padin sila sa pag uusap tungkol sa business.

Nang natapos na kami lahat kumain, nag serve naman ang waiter ng wine. Tahimik kami lahat nang i serve ito. Pag alis ng waiter, binasag ni papa ang katahimikan.

"I think it's time to let you know Leona what your tita and tito agreed with us." ani papa.

Bumalik ako sa huwisyo dahil nabanggit ang pangalan ko kaya lumingon agad ako kay papa. A bit confused.

"Ano yon pa?" naghaharumentado ang puso ko.

I just took a sip of my wine.

"Nagpagkasunduan namin sa mga Villejo na ipakasal kayo dalawa ni Jaycee." ani papa na ikinagulat ko muntik pa akong mabilaukan.

"Ano? Pa, you didn't even consult me about this!"

Kaya pala simula palang nung nakita ko siya sa bar may kakaiba akong nararamdaman. Ito pala yon. Ugh.

"Kaya nga sinasabi sayo ngayon diba?" ani Jaycee. Isa pa to. Don't tell me he knows everything about this?

Great. Malamang alam nya kasi hindi siya nagulat.

"Pa, you know I have a boyfriend right?" tanong ko kay papa. Tahimik lang sila mama pati ang mga Villejo.

"I know, but you also know that I don't really like Marcus for you." reklamo ni papa.

"Well I like Marcus for me. I think that's enough reason for me to reject this!" sabi ko kay papa.

"Leona, gusto ko lang na masettle ka sa isang taong sigurado ang future mo." ani papa.

"Pa you can't just decide for me. I get that you have the right because your my father but I love Marcus. I can't accept this."

"Anak, this would be good for our business. The Villejo's are going to invest money for our business." si mama naman ngayon ang nag salita.

Kumukulo na ang dugo ko. So ipagpapalit nila ang kaligayahan ko just for our business?

"Mas mahalaga ang business kaysa kung ano ang mararamdaman ko kung ganon?" matabang na sagot ko kay mama.

"Hindi naman sa ganon anak. Isa pa, para din to sa ikabubuti mo. Jaycee has a stable job and income. You have a brighter future with him." napatingin ako kay Jaycee dahil sa sinabi ni mama.

Naka tingin lang si Jaycee ng diretso sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon nya.

"Ma, I can have a bright future with Marcus too. Alam mo yon. He also has a stable job."

"Oo, pero mas maganda ang future mo kung si Jaycee. At makakatulong pa siya sa kompanya." ani papa.

Nakaka irita na. Hindi ko na kaya manatili sa lugar nato kasama sila. I need to think. I need to process everything.

Anong akala nila? Pag sinabi nilang pakasalan ko si Jaycee, papayag agad ako?

Inaamin ko na gwapo siya at alam ko din na mayaman at succesful na siya pero hindi ko pa sya gano ka kilala!

Hindi enough ang looks at estado sa buhay para pakasalan ko siya. Hindi ko pa siya lubos na kilala.

Mahal ko din si Marcus, hindi ko siya hihiwalayan dahil nakakita ako ng mas gwapo at mas succesful.

"I'm sorry pa, pero hindi ko kayang paunlakan ang gusto mo. May mahal akong iba. Now if you'll excuse me." tumayo ako at ambang aalis nang nagsalita si Tita.

"Leona hija, sana pag isipan mo naman ang offer namin. Both companies will benifit from this and I also like you for my son." she smiled weakly.

Umalis na ako. Hindi ko na sinagot si tita.

This is my first time na umayaw sa gusto ni papa. Although close kami ng parents ko. And I know na kung anong gusto nila dapat ito masunod. Pero hindi ko sila papaunlakan this time. Nakasalalay ang future ko dito.

Desidido sila na ipakasal ako kay Jaycee pero hindi talaga ako makakapayag.

Nang nasa parking lot na ako para hanapin ang kotse ko, napansin ko ang isang pamilyar na kotse. Isang black BMW. This looks like Marcus' car. Imposible nasa Tagaytay pa yun para sa isang shoot.

Kung kanya man yon, isusurprise nya ba ako? Pero paano nya nalaman na nandito ako? Hindi ko naman binanggit sa kanya ang tungkol sa family dinner namin. Lalapitan ko na sana ang kotse para i check kung tama ba akong kay Marcus yon. Pero may narinig akong tumawa. Kaya mabilis akong nag tago sa tabi ng BMW.

"Thank you for tonight Marcus." ani ng babae.

Natatandaan ko tong babaeng to. Siya yung nakabangga ko sa CR kanina.

Nanatili ako sa pag tago at nakikinig sa pinag uusapan nila. Hindi ko masyadong nakita ang reaksyon ni Marcus kasi medyo madilim sa parteng yon.

"Of course, for you. I really enjoyed it." si Marcus naman ngayon ang nag salita.

Kumikirot ang dibdib ko sa nasaksihan. Is he cheating on me?

Nakinig pa ako before jumping into conclusions.

"I also enjoyed it. I really hope we can do this often. But I know your busy so it's okay." sabi nong babae.

I moved so that I can see much clearer of what they are doing. I saw Marcus smile at the girl. Nanggilid ang mga luha ko nang nakitang hinalikan siya ni Marcus sa labi.

Hindi ko na kaya. I have to do something.

Naghahalikan ang dalawa nang nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumabas sa pinagtataguan ko at hinila ang buhok ng ng malanding babaeng to.

"Ouch. Ano ba?" natigilan ang babae nang nakaharap na siya sa akin. Si Marcus naman ay namutla. Inawat niya kaming dalawa bago nag salita.

"Leona, let me explain." ani Marcus.

Napakawalang hiya nila. Hindi na nakayanan ng mga luha ko at sunod sunod na sila sa pagpatak.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon