Chapter 18
As usual umuwi akong pagod.
Nilagay ko sa garahe ang kotse ko, pagbaba ko, napansin kong may isang white isuzu alterra.
Kaninong kotse ito?
Pumasok ako at nadatnan si Kate na nakaupo sa sala habang naonood ng T.V.
Lumingon siya sa kinatatayuan ko at ngumisi.
Anong ginagawa niya dito?
" Hi Leona, I'm sorry I didn't get to tell you I'd come. I just have to ask Jaycee something. He's not here yet so I'll wait. "
" Oh. Hindi ba pwedeng I text or itawag mo sa kanya? " I said.
" It's something important and private eh. " she said.
" Oh okay. Aakyat na muna ako. " I said.
Aakyat na sana ako nang dumating si Jaycee. Liningon ko siya.
" Oh. Kate, what brings you here? " ani Jaycee.
" I'm just here to ask you something private. " ani Kate.
Umakyat ako sa hagdan para maka punta sa kwarto nang tinawag ako ni Jayce. Akala ko naman invisible ako. Mabuti naman at naoansin niya rin ako.
" Baby. I'm sorry medyo naging busy ako this last few days. " sabi ni Jaycee kaya hinarap ko siya and forced myself to smile.
" It's okay. I'm busy myself. Can I go? I'm exhausted. " I said lazily.
Then I walked away and went straight to my room.
I'm trying to understand that they're always together because of the case and nothing more, but I just can't help myself but feel jealous and insecure.
Naligo ako at nag bihis pagkatapos ay ginawa ang skincare routine. Bumaba ako para kumain.
" Manang, sila Jaycee po? Kumain na po ba? " tanong ko kay manang.
" Hindi pa maam eh. Tawagin ko nalang po. " ani manang.
" Ay wag na manang, ako nalang po. " sabi ko.
Umakyat ako para tawagin sila.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang natigilan ako sa narinig ko.
" Thank you so much for helping me with this Jaycee. You haven't changed a bit. I just hope your feelings for me haven't. " ani Kate.
What? Nanigas ako sa narinig ko. May past sila? Gusto kong makita ang reaction ni Jaycee sa sinabi ni Kate. Gusto kong buksan ang pintuan.
Pinakinggan kong mabuti ang pinagusapan nila.
" I just wish that I saw what a great guy you were. Now I'm suffering because of my choices. " she continued.
Hindi ako makahinga. Sumasakit ang dibdib ko. Hinintay kong sumagot si Jaycee.
" I love you. And I hope that I still have a place in your heart. Tell me that you love me just as how you feel years ago. That it's not too late. "
Hindi ko nakayanan at umalis na ako sa pinto. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Gusto kong malaman kung ano sila dati, bakit yon ang sinabi ni Kate?
Ex ba niya si Kate? Anong nangyari sa kanila? Ito ba yung sinasabi niyang private na paguusapan nila?I asked myself so many questions.
Nagtataka ako kung bakit ganito ang reaksyon ko. Siguro nga tama si Camille, may nararamdaman na ako kay Jaycee. Hindi ko na itatanggi pa.
Pero kung meron man akong nararamdaman sa kanya ngayon at may past sila ni Kate, siguradong talo na ako sa laban.
May memories sila together eh. May pinagdaanan sila, samantalang ako? Ilang buwan palang kaming magkakilala at pinakasalan niya ako dahil sa business. Hindi ko nga alam kung mahal niya ba ako o totoo ba yung sinabi niyang gusto niya kaming dalawang mag work. Malay mo sinabi niya lang yun kasi gusto niya lang maging gentlemen o gusto niya lang na gawin ang part niya as a husband.
I have so much on my mind, I just found myself standing in manila bay while looking at the bright full moon. The cold wind is blowing my hair.
Ngayon ko lang napagtanto nga naka pajama na pala ako, buti nalang at wala na masyadong tao.
I just took my time to relax and clear my mind. I closed my eyes and took a deep breath.
I am so tired and I don't feel like going home. Kung uuwi ako makikita ko si Jaycee at matutulog kami sa iisang kama. I don't want to confront him about it. Natatakot akong malaman ang totoo. Duwag na kung duwag.
Hindi ko alam anong oras na kasi naiwan ko ang phone ko. Ayokong matulog dito sa sasakyan, baka kung ano pang mangyari sa akin.
Kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa condo ni Camille.
Nagulat ako nang nakita ko ang oras sa sasakyan. It's passed midnight!
Baka tulog na si Camille. Aysshh.. Saan na ako ngayon? Sigurado akong pinag hahanap na din ako nila Jaycee.
I have no choice but to go home and just make up excuses.
Kinakabahan ako habang nag mamaneho pauwi sa bahay.
Nakadating din ako sa subdivison kung saan ang bahay namin. Malayo palang tanaw ko sa labas ng bahay namin ang mga pamikyar na kotse.
Oh no. What the heck? Ilang oras lang ako nawala tapos ito na ang dadatnan ko? Nag emote lang ako saglit at ganito na ang maabutan ko.
Kinabahan ako. Nang mapark ko ang sasakyan, napagtanto kong kotse to ni papa at ... Camille?
Ok Leona. Handa ka na bang mag explain? Hinanda ko din ang sarili ko para sa sermon ni mama.
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...