Chapter 10
Ngayon mas pagtutuunan ko na ng pansin ang kompanya. Tutal nasaktan ko na si Marcus at sumuko naman din siya, hindi ko na siya iispin.
Ngayon na nakatali na ako kay Jaycee, I'll give him a chance. I'll be a good wife. I'll learn to live him, eventually.
Natulog ako ng ilang oras at nagising ng 10 o'clock. Naligo ako at nag ayos. Nag padala na din ako ng pagkain sa room para pag balik niya may food na.
Dumating si Jaycee around 11 AM.
Naabutan niya akong nanonood ng palabas sa T.V. Agad ko itong pinatay nang pumasok na siya.
"Hi, how's the meeting? Kumain ka na ba? I waited for you para sabay na tayo." I said while giving him a sweet smile. Tumayo ako sa sofa para umupo sa table.
"Actually, nakapag lunch na ako kasama ang client. Ikaw nalang muna ang kumain. Magpapahinga lang ako." tinanggal niya ang necktie at humiga sa bed.
Medyo na dissapoint ako. Hindi ganito ang inasahan ko na mangyari.
I sighed and just started eating. Nang tiningnan ko siya, nakatulog siya agad. Talagang napagod sa meeting.
Ganito ba talaga siya ka workaholic? He'll work until he pass out?
Pagkatapos kong kumain, napansin kong hindi niya pa tinanggal ang sapatos niya. Kaya tinanggal ko ito para mas comportable siyang matulog at kinuha ko ang comforter at kinumutan ko siya.
Kahit natutulog siya, nakaka intimidate padin siya tingnan.
Nanood nalang ako ng T.V para malibang ang sarili. Pinanood ko ang isang animated movie, and yes, I'm 24 and I enjoy watching these kind of movies. Bakit ba?
Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako sa panonood.
"Wake up, Leona. We have to go back to manila." I hered Jaycee's voice.
Nagulat ako kay nagising ako agad.
"What? Akala ko ba 2 days tayo dito?" I asked. Kinusot ko ang mga mata ko.
"Something came up. Ipagpaliban nalang muna natin ang sight seeing. I'm sorry. It's important." He said.
"No, it's okay." I said.
Inayos ko na ang mga gamit ko sa maleta. Si Jaycee naman ay nakatuon lang ang mata sa laptop. Seryosong may tinitipa.
Umalis na kami pagkatapos naming mag check out. Pinaandar niya ang sasakyan.
"I'm sorry if hindi tayo nakapasyal. There's an important client that wants a meeting." he said, his eyes still on the road.
"No, it's okay. May aasikasuhin din naman ako. I decided to work on dad's company. I'll focus on our company nalang, besides isa naman ito sa naging dahilan ng kasal natin diba?" I said.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela and I saw his jaw clenched. Maybe that was wrong to say. Stupid. I'm so insensitive to say that. Ugh.
Wala nang nag salita hanggang dumating na kami sa Manila.
My phone rang. Si Papa tumatawag.
"Hello Pa." I said.
["Hija, how's batangas? Naka pasyal ba kayo?"]
"Uhm, no Pa, nasa manila na kami right now, something came up so pinagpaliban muna namin ang pagpasyal." I explained.
["oh, kung ganon, doon na kayo sa bahay ninyo tutuloy ngayon? Maayos na lahat ng gamit doon, pinadala ko na rin yung iba mong gamit galing dito."] he said.
"oh, okay. Are you at home right now? I want to talk to you."
["Yes, okay. I'll wait."] he said then I ended the call.
"Uhm, sabi ni papa maayos na ang bahay. I drop mo nalang muna ako sa amin, kakausapin ko lang si papa." I said.
"yeah sure." he said coldly.
Nakokonsensya ako sa sinabi ko. Dapat hindi ko na yon sinabi. Napaka bobo ko, ugh.
"Are you mad because of what I said about us getting married just for business?" I said. "I'm sorry."
"I'm not mad but you're right." he simply said.
Tumahimik sandali.
He sighed.
Ang bobo ko talaga! Bakit ko pa kasi kailangan yung sabihin? Ugh
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...
![Married to a stranger [ Completed ✔ ]](https://img.wattpad.com/cover/240475910-64-k657719.jpg)