Chapter 21

703 21 0
                                    

Chapter 21

Umuwi ako nang natapos kaming mag usap ni Kate. She said she'll work again kaya hindi na sila madalas magkasama ni Jaycee.

Pero ngayon na alam ko na ang nangyari sa kanila at may ideya na ako sa nararamdaman ni Jaycee, I don't mind if they see each other kasi alam ko kung gaano sila ka lapit in the first place. I can't just ruin their friendship dahil nagseselos ako. Hindi ko din ipagdadamot si Jaycee. I still haven't confirmed from him yet kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya sa akin. Pero kahit papaano, I feel at ease.

Nakauwi ako alas 2 ng tanghali.

Nagbihis agad ako ng pambahay aymt nagpahinga dahil medyo mabigat padin ang pakiramdam ko. Dahil siguro ito kagabi. Sinisipon pa ako.

Mabilis akong dinalaw ng antok lalo na't wala nang bumabagabag sa akin.

Masarap ang tulog ko. Pero naalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig. Nangiginig ang buong katawan ko sa sobrang lamig. Walang tao sa loob ng kwarto kaya tumayo ako para patayin ang aircon, pero nang tumayo ako ay agad akong napaupo sa kama dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

Makalipas ang ilang segundo, nang hindi na ako masyadong nahihilo, ay tumayo ako para patayin ang aircon.

Humiga ulit ako at nakatulog.

Nagising ako nang naramdamang may humahawi sa buhok ko. Idinilat ko ang mga mata at nakitang nakatingin si Jaycee sa akin.

He touched my face, but when he felt how hot I was, he panicked and I saw how worried he was. I just closed my eyes so that I won't see his reaction, kinikilig ako. Ang landi, nilalagnat ka na nga Leona.

"You have a fever." he touched my forehead using the back of his hand.

"Obvious naman diba?" nakapikit kong sabi.

Inayos niya ang comforter at naramdaman kong pumasok siya sa walk in closet.

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang lumabas sa walk in closet na ngayon ay naka sweatpants nalang at naka white shirt.

May kinuha siya sa cabinet at nakita kong isa itong thermometer. Lumapit siya saakin at umupo sa kama.

He checked the thermometer.

"39" sabi niya. "Kanina pa ba masama ang pakiramdam mo?" he asked.

I am too weak to answer. I just closed my eyes kasi nahihilo ako.

Gumalaw ang kama sa pagtayo niya.

"I'll make you something to eat. Stay here and rest." he commanded. Then left me inside the room.

Nakatulog nanaman ako. Jaycee woke me up so I opened my eyes slowly and saw him with a tray in his hand. Nilapag niya ito sa maliit na table katabi ng bed.

Umupo siya sa kama. He gestured to feed me.

"I - I can do it." I said. Pero inilayo niya ang kutsara para hindi ko ito makuha. Instead he wants me to open my mouth.

I have no choice but to open my mouth. Dahan dahan akong kumain. Tahimik lang kami sa kwarto. He looks serious. Matapos ang ilang subo, nabusog na ako.

Inayos niya ang comforter ko at tunayo siya at inilabas ang tray. Bumalik siya na may dalang paperbag at tubig.

Kinuha niya ang isang gamot sa loob ng paper bag.

Inilahad niya sa akin ang gamot at isang basong tubig.

"Drink this then go back to sleep." he said.

Ininom ko ang gamot, at humiga para matulog ulit.

"I'll stay here. I won't leave you. Babantayan kita.1" He said with finality and sat down the chair.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Naalimpungatan nalang ako nang nakaramdam ako ng matinding lamig. Nanginginig ako sa lamig.

I heared Jaycee curse. Hindi ko parin binuksan ang mga mata ko. Ilang sandali ay may naramdaman akong mainit na nakapalupot sa bewang ko at sa mga hita ko. I didn't know what they were but it made me feel better.

Hindi na ako masyadong nilamig kaya mabilis akong nakatulog.

Nang nagising ako ay naaninag ko ng liwanag galing sa labas. Umaga na. Ramdam ko din ang pawis sa noo ko at sa likod ko.

Nagulat ako nang nakita ko si Jaycee na naka palupot ang kanyang nga kamay sa bewang ko at ang kanyang paa kaay nakapatong sa mga paa ko.

Nanlaki ang mg mata ko. Naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko. Lalagnatin uli ata ako.

So that means, he was the one who provided me warmth last night.

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa bewang ko. Umupo ako at pinunasan ang pawis sa noo ko. I feel much better. Hindi na ako nahihilo.

Tiningnan ko si Jaycee. Mahimbing pa ang tulog niya. Napuyat siguro siya kagabi kakabantay sa akin.

Hinawi ko ang buhok niya. He still looks so intimidating even when he's asleep.

I just smiled when I remember what Kate told me.

"He said he loves you and respects you as his wife.... He loves you so much Leona. I know, because I was there when he almost got crazy finding you in the middle of the night. He said he won't go back home until he finds you. He fell for you so bad."

I noticed Jaycee open his eyes.

"How are you feeling? Do you feel okay?" umupo siya at hinawakan ang noo ko.

"I'm feeling much better." I smiled.

I want to stay this way. I want to live this moment. I admit that I am falling for this stranger in front of me.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon