Chapter 27
Dumating ako sa café na pinag usapan namin kung saan magkikita. He was already there.
I sat in front of him. He smiled when he saw me. This is the first time we saw each other in 3 months. Dahil tumigil ako sa modelling, hindi ko na siya nakita ever since.
He looks pale and tired. What's wrong with him? The Marcus that I've known was confident and conscious about his looks, now he looks like someone who haven't slept in days and someone who doesn't care about his appearance. What happened to him?
I cleared my throat to speak.
"What do you want to talk about?" I said.
"It's about Kelly." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What about her?" I said.
"I am not the father of her child." he said.
"What are you talking about?" I'm confused. Dati, inangkin niyang siya ang ama, ngayon sasabihin niya sa akin na hindi siya ang ama? Ano to? Joke?
He handed me a brown envelop. Tinanggap ko ito at tiningnan kung ano ito. It was a DNA test result.
"Simula nang mawala ka at pinakasalan mo ang Jaycee na yon, nangamba akong hindi talaga ako ang ama ng bata. Inisip kong baka hindi lang ako ang maaaring nakasama ni Kelly sa kama." he said.
"So kaya mo pina DNA test? Paano mo naman siya napapayag?"
"She was so sure that I was the father kaya pumayag siya. Pero yan ang naging result. Negative, Leona. Ibig sabihin hindi ako ang ama."
"Ano naman ngayon? Anong kinalaman ko kung hindi ikaw ang ama?" I said.
"Pwede na kitang mabawi ulit. Kasi wala na akong pananagutan sa kanya." sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Nasisisraan ka na ba? Anong tingin mo sa akin? Isang gamit na pwede mong gamitin kung kailan mo gusto? Ngayong nalaman mo na hindi mo pala responsibilidad ang bata, babalik ka na sa akin? Ang kapal din ng mukha mo no?" I said.
Sa totoo lang naawa ako ni Kelly. Basta basta niya lang inichapwera si Kelly. Kawawa ang bata.
"Hindi ganoon Leona, mahal kita kaya babalikan talaga kita." Tumawa ako sa sinabi niya.
"Eto na naman tayo Marcus. Pa ulit ulit nalang eh. Ayan na naman yang 'mahal' na sinasabi mo. Pwede ba? Hindi ako tanga! Kahit na ikaw man ang ama o hindi, that will never change the fact that you cheated on me. That you brought another girl in bed just to satisfy your sexual needs. Hindi ko binigay sa'yo yung gusto mo diba? Kaya naghanap ka nang ibang makakapagbigay sa yo non. Mahal mo ba talaga ako kung ganon? " umiling ako.
Hindi ako naiiyak, hindi ko siya iiyakan. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay galit at poot, galit ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Naaawa ako kay Kelly. Paano na ngayon ang bata?
"I am sorry Leona, I made a mistake. Nagsisisi ako sa ginawa ko noon. Pero please naman oh. Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon na mapatunayan sayo na mahal talaga kita." he started crying.
When I saw him cry infront of me, I felt weak. I felt bad to see him cry. Maybe because hindi pa talaga ako nakaka move on sakanya? Ewan ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
Hinawakan niya ang kamay ko, still crying.
"Hindi ganon kadali yon Marcus. Nasaktan ako eh. Niloko mo ako." I said. Nagigilid na ang luha sa mga mata ko nang nalala ang ginawa niya sa akin.
"Papatunayan ko sayo na nagsisisi ako. Na mahal talaga kita."
Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang sabihin sa kanya na 'huwag'. Hindi ko alam kung bakit hindi ako pumrotesta sa kanyang gustong gagawin. Bakit hindi ko siya pinigilan na patunayan ang sarili niya.
Umuwi ako sa gabing yon na maraming iniisip. Akala ko pag kakausapin ko siya, hindi na ako mababagabag. Pero ang totoo, mas dumami ang iniisip ko.
Pagdating ko ay naabutan kong natutulog si Jaycee sa kama.
Naligo ako at nagbihis. Tumabi ako sa kanya sa kama at pinagmasdan siyang mahimbing na natutulog. Mahal ko si Jaycee pero bakit hindi ko pinigilan si Marcus sa gusto niyang gawin?
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. My mind is too clouded.
Niyakap ko si Jaycee to feel better. Napansin niya ako at yumakap ng mahigpit. Nagising ko yata siya.
I'm so confused right now and all I can manage to say is...
"I love you Jaycee. I really do."
He kissed my forehead.
"I love you too." he said.
Mahal ko naman talaga si Jaycee eh. Sadyang naguguluhan lang ako. Hindi pa na process ng utak ko ang nalamang impormasyon. Hindi ko pa alam kung ano dapat ang gagawin ko.
"What ever happens, I'm always here to support you. Okay baby?" he said.
Tumango lang ako. Pero those words gave me comfort. He was my comfort. I love him so much.
-------------------------------
• Kamiry Delvan •
Note:
Paternity Test while pregnant is possible. This is an advanced DNA test tht requires the blood sample from the mother and a simple cheeck swab from the possible father, that can be performed as early as seven weeks in to the pregnancy.
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...
![Married to a stranger [ Completed ✔ ]](https://img.wattpad.com/cover/240475910-64-k657719.jpg)