Chapter 6

799 25 0
                                    

Chapter 6

Buo na ang desisyon ko. Gusto kong saktan si Marcus. Ayaw kong ako lang ang masaktan.

Isa ang rason na umayaw ako sa offer ay dahil sa kanya, kaya ngayon na wala na siya, edi pwede na. Diba?

Galit at poot lang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong maghiganti. Gusto kong makita niya na hindi lang siya ang masaya. Na okay lang ako kahit wala siya.

Gumising ako ng maaga para maabutan ko pa sa breakfast sila papa. Tatanggapin ko na ang offer.

"Good morning anak, ang aga mo ngayon gumising ah." ani mama.

Umupo ako para makakain at makausap sila papa.

Nagbabasa ng dyaryo si papa ng kumuha ako ng bacon para magsimula ng kumain. Nagdadalwang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila to ngayon.

Binaba ni papa ang dyaryo at nagsimulang magsalita.

"Anak, I am so sorry last night. Hindi namin inisip na ganon ang magiging reaksyon mo. Dapat kinunsulta ka namin. Pero kasi malaking chance ito na mas lalago ang kompanya. Magiging asset natin ang mga Villejo at isa pa magiging asset din tayo ng mga Villejo sa kanilang law firm. Kaya sana pag isipan mong mabuti ang offer ng Tita Anne mo." ani papa.

Tumigil ako sa pagkain. Huminga ako ng malalim bago nag salita. Kailangan ko tong gawin. Gusto kong masaktan din si Marcus. Ayokong ako lang ang nasasaktan at ayokong mangmukhang kawawa.

"Pa, napag isip isp ko na maganda ang offer. Both companies will benifit and ako naman ay may secure na future with Jaycee, so I see no harm. " nagpatuloy ako sa pagkain.

"Talaga anak? I'm so happy." nilapitan ako ni mama at niyakap.

Mabuti nalang at hindi nila ako tinanong tungol kay Marcus. Ayokong malaman nila ang katarantaduhan niya.

"Good. Then we'll set up a meeting for your upcoming wedding." masayang sabi ni papa.

At totoo, nag arrange agad sila ng meeting ng sumunod na araw.

Nagkita kami sa isang sikat sa restaurant. Nandoon na ang mga Villejo. Napansin ko ang isang lalaking halos kapareha ang mga features ni Jaycee. Eto siguro ang kapatid niya. Magkamukha sila kaso nga lang mas malaki ang katawan at mas matangkad si Jaycee. Halatang approachable siya, samantalang si Jaycee naman ay intimidating and serious.

Pareho silang naka suit. Nakangisi akong binati nung kapatid ni Jaycee.

"Hi leona, I've heared so much about you. I'm Jayvee. Nice to meet you." ani Jayvee.

"Hello. Nice to meet you too." sabi ko na nakangiti. Feeling ko mas magiging close ako kay Jayvee.

"Shall we start this meeting? I still have a lot of work after this." ani Jaycee. Sungit. Masama ang tingin niya sa akin. I just scoofed at him.

"I am so happy when your father said that you accepted the offer. Thank you for giving Jaycee a chance hija." sabi ni Tita na may malaking ngisi sa mukha.

"It's nothing tita. Napag isipan ko po kasi na magandang pagkakataon to para lumago ang kompanya and I also thought about giving Jaycee a chance." I said. Partly lied. I don't care about Jaycee right now.

Gusto kong ipakita sa Marcus na yon na hindi ako kawawa. May anak na siya? Pwes ako may asawa na din. Kala nya ha. Naiinis talaga ako pag naalala ko ang nangyari sa gabing yon.

"I can't thank you enough hija. So do you have a date in mind ?"

"I haven't thought about the date po." tiningnan ko si Jaycee. "How about you Jaycee? Kailan mo gusto? Your opinion matters here. Tayo namang dalawa ang ikakasal hindi ba?" sabi ko kay Jaycee. Pano ba kasi tahimik lang siyang nakikinig. Akala mo naman ako lang ang ikakasal dito.

"I want the preparations to begin immediately so that we can have the wedding as early as posible. I am busy, so once this is all done, I don't have anything to think about anymore and I can focus on work." ani Jaycee in a serious voice.

Napaka workaholic pala nitong taong to. Pero tama naman siya pag matapos agad ang wedding, wala na kaming ibang iintindihin.

"Oh, is it okay with you Leona?" tanong ni tita. Tahimik lang sila mama at papa pati si tito at Jayvee na nakikinig.

"Sure, no problem." I smiled.

Nagpatuloy sila sa pag discuss tungkol sa mangyayaring kasal. Samantalang ako at si Jaycee naman ay tahimik at magsasalita lang kung tatanungin.

Nag hire din sila ng organizer para hindi kami masyadong mahirapan.

The whole meeting was smooth. So the wedding preparations started samantalang abala naman kami ni Jaycee sa mga trabaho. Ang organizer na ang bahala sa mga paghahanda.

Tinatanong lang kami tungkol sa mga small details na gusto namin para sa kasal. Nagkikita lang kami ni Jaycee tuwing nay meeting tungkol sa kasal at sa pagsusukat ng gown at suit na susuotin.

This was supposed to be a happy moment, but I felt nothing. Pero dahil alam kong ginagawa ko to para sa paghihiganti ko at para sa mga kompanya, kinakaya ko nalang.

Nagpatuloy ako sa modelling kahit na nagkikita kami ni Marcus sa nga shoots. Palagi niya akong nilalapitan para makipag usap pero hindi ko siya pinapansin.

Natapos ang preparations in just one month. I sent all of my friends invitations to attend the wedding.

Sa isang shoot kung saan si Marcus ang isa sa mga photographer, binigay ko sa kanya personally ang invitation.

"Are you kidding me?" galit na sabi ni Marcus.

"Do I look like I'm joking Marcus? I'm looking forward for you to come. It's my special day after all." I gave him a sarcastic smile. I trued to act tough in front of him. Aalis na sana ako pero hinigit niya ang kamay ko.

"Ang bilis naman yata Leona! Isang buwan palang tayong wala, ngayon ikakasal ka na?" ani Marcus.

"Ikaw nga eh, kahit tayo pa may anak ka na pala sa ibang babae." binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

Ano gulat ka no? Kulang pa yan Marcus. Hindi pa ako tapos.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon