Chapter 30
Pagkatapos kong pumunta sa condo ni Camille, umuwi ako sa bahay para makausap si Jaycee. I'll tell him everything.
Pero nang umuwi ako ay wala siya. Hindi siya umuwi. I understand, he was too hurt. Nasaktan siya dahil akala niya I cheated. Natatakot ako lalo dahil paano nalang kaya kung malaman niya na ang totoo? Mas masasaktan siya. Baka nga iwan niya ako.
My mind was a mess. I am scared of what would happen next. I'm scared that he won't accept my explanations. Kahit alam kong deserve ko ang kung ano man ang maging reaksyon niya, hindi ko parin mapigilan ang sarili kong matakot.
Naligo ako at nagbihis, bumaba ako para mag dinner. Umupo ako sa madalas kong upuan pag kumakain. When I saw Jaycee's empty chair, masakit. He never misses a dinner with me. Humarap naman ako sa sink, the memory of him cooking made me miss him so much.
I miss him. I want to hug him. I want to make everthing straight.
I ate alone, and it sucks. I've never felt this lonely. Ito na yung sinasabi nilang hindi mo malalaman ang worth ng isang tao hanggang sa mawala siya. I love him so much that it kills me knowing he's not here and he's mad at me.
Umakyat ako sa kwarto pagkatapos kong kumain at humiga sa kama dahil sobrang pagod ko. Then I felt lonely again knowing that he'll not sleep with me tonight. It all got into me. I cried. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko diniretso si Marcus. I cried myself to sleep.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock, hindi padin siya umuuwi. Naligo ako, naghanda para sa work at kumain. Mag isa na naman akong kumain. Mag isa akong pumunta sa work. Usually, hinahatid niya ako.
Pagdating ko sa building, nakita ko si Marcus naghihintay sa usual parking spot ko. Akala ko ba nagkakaintindihan na kami.
Bumaba ako sa kotse at hinarap siya. Gusto kong umalis na siya. Gusto kong iwan na niya ako para makalimutan ko na siya.
Padabog kong sinarado ang pinto ng sasakyan ko.
"Ano ba Marcus? Pwede pa tantanan mo na ako? Nag away kami ni Jaycee dahil sa ginawa mo. Hindi padin siya umuuwi hanggang ngayon, kaya please tama na. Gusto kong maging masaya kami ng asawa ko. Nahihirapan din ako. Mahal kita, pero talagang mas mahal ko si Jaycee, kaya siya ang pipiliin ko." sabi ko at akmang lalakad, pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Leona, I get it. Sorry. I came here to say goodbye. I'm leaving." he said. I stopped. "I'm sorry for what I did to you. Kung hindi ako nangaliwa, edi sana masaya padin tayo hanggang ngayon." he said. Hinarap ko siya para makapag usap kami ng maayos. "Pero nasaktan kita, kaya deserve ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Aalis ako para mas gumaling sa photography, mag aaral ako. Siguro naman makaka move on na ako pag hindi na kita nakikita, ikaw rin makaka move on ka na. At magiging masaya na kayo ni Jaycee. Mahal kita kaya hahayaan kita doon sa taong makakapagpa saya sayo. Salamat nga pala sa isang taon na nagkasama tayo. Hinding hindi ko iyon makakalimutan." he said.
Hindi ako nakapag salita. He hugged me.
"I'm really sorry. Sana maging magkaibigan padin tayo pag balik ko." he smiled.
"Thank you. Take good care of yourself. Alam kong makakahanap kadin ng deserving para sayo." I said
Umalis siya pagkatapos. Naiwan ako sa parking lot, mag isa.
Gumaan ang loob ko dahil alam kong okay na kami ni Marcus. Si Jaycee naman ang kakausapin ko.
Pumasok ako sa building at dumiretso sa office para masimulan ang mga trabaho. Nakapag trabaho ako ng maayos dahil kahit papaano, nabawasan ang iniisip ko.
Nang medyo cleared na ang nga gagawin, I texted Jaycee.
Me :
[Jaycee, I'm sorry. I'll explain to you everything. I'll tell you the truth.]
I waited for his reply pero wala akong natanggap.
It's lunch time, at dahil wala si Jaycee, mag isa akong kumain. Mas lalo ko lang siyang na miss. Palagi kasi niya akong pinupuntahan dito para sabay kaming mag lunch.
Pagkatapos kong mag lunch, tinawagan ko si Jaycee, pero walang sumagot. He's really ignoring me huh?
Well, I deserve that naman. Then I just have to wait until he's ready to talk to me.
• Kamiry Delvan •
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...