Chapter 3

889 27 5
                                    

Chapter 3

It's tuesday and maaga akong pumasok sa trabaho para ma process ko ng maaga ang mga paperworks kasi may family dinner kami.

Marcus is on Tagaytay para sa shoot ng isang magazine. He said he'll be there for 2 days.

Nag text ako to check up on him.

Me:

[Morning Babe, how's tagaytay?]

Marcus:

[It's fine. I have a hectic sched today. Baka hindi kita ma update. I'll be busy.]

Me:

[It's okay. Just don't forget to eat]

Marcus:

[Yes babe. You too. Take care. Love you]

Me:

[You also take care. Love you too.]

I put down my phone to start my paper works, pagkatapos diretso na ako sa restaurant para sa family dinner.

I was almost done with my paperworks when I got a call from Camille.

"Hello"

"Hey, what's up? Wanna party tonight?" ani Camille.

She never party during weekdays. Anong problema neto?

"Bakit? It's tuesday." sabi ko.

"Alam ko, duh. May calendar din sa amin Leona." ani Camille

Pilosopo amp. Kung wala lang talaga ako sa office ngayon baka masigawan ko to. Anong problema nito?

"sige na isama mo si Marcus." pamimilit niya.

"Ano bang problema mo? Nasa tagaytay si Marcus. Besides, may family dinner kami tonight." paliwanag ko.

"Oh, okay. Well then, iba nalang iinvite ko." malungkot na sabi niya.

"Bakit ba? May problema ba? You want to talk or something?" nag aalala na ako. Parang timang tong babaeng to.

"Wala. I just want to have fun." liar.

"Anong have fun? Kailan ka pa nag ha-have fun tuwing weekdays."

Mas busy pa tong babaeng to kaysa saken eh. May gana pang mag have fun sa weekdays? Trip nito mag saya tuwing weekends lang naman.

"Cge na. Ibaba ko na to tapusin mo na yang trabaho mo. Talk to you soon."

"teka-" pinatay na ng bruha ang tawag. Langya. Pag nakita ko pagmumukha nito, naku.

Alam kong may problema yun eh. Kaso I'm occupied right now. Kakausapin ko nalang yun bukas.

Natapos ko na ang paperworks kasi wala nang umabala sakin.

Dumiretso na ako sa restaurant. Pagka dating ko, nandun na sila papa and mama. Umupo ako sa tabi ni papa.

"We invited Mr. And Mrs. Villejo anak para makilala mo yung anak nila." ani mama.

Wow ha. Kala ko family dinner pero may ininvite pa pala silang hindi family, kaloka. Hindi pa naman ako nakapag ayos.

Suot ko lang yung office attire ko which is white polo paired with a black pencil skirt. Hindi 'to pwede. Kailangan ko mag ayos ng konti. Nakakahiya naman kina tita at tito kung ganito ang set up ko tonight.

"Pa, CR lang ako." paalam ko kay papa.

Pagdating ko sa cr, nag retouch ako gamit ang pressed powder at nag lagay ng konting blush and lip tint. I don't wear heavy make up kaya ayos na to.  Para lang naman hindi ako haggard mamaya.

Lumabas ako ng cr at saktong paglabas ko ay ang pagpasok ng isang matangkad na babae at nagkabanggaan kami.

"oh gosh, I'm sorry." sabi ko.

"Ano ba. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan. Ugh." she rolled her eyes.

Kapal. Nag sorry na nga ako eh.

"I didn't mean to bump into you miss, sorry." I gave her a weak smile.

"whatever, tumabi ka nga." ngayon ako naman binangga niya, intentionally this time. Sarap sampalin. Kaso ayoko mag eskandalo tonight. Nakakahiya.

Hindi maalis sa utak ko ang nangyari sa cr. Kung nandito pa si Camille, kanina pa yon nag eskandalo.

Natigilan ako sa iniisip ko nang pagkaupo ko sa table namin ay bumungad sa harap ko ang isang pamilyar na mukha.

Bigla kong naalala ang nangyari sa bar. Nag flash back sa akin ang ginawa nyang pag tanggol sa akin nung binastos ako.

"Good thing you're here na anak. Natagalan ka yata sa CR?" tanong ni papa. Umiwas naman ako ng tingin sa kaharap ko ngayon at tiningnan si papa.

"uhm. May nangyari lang po sa CR kanina." I gave them an assuring smile.

I just looked at the table para hindi tumama ang paningin namin. Ba't ba ako nahihiya? Arghhh Bakit siya nandito? Don't tell me... Hinarap ko si tita.

"hija, Leona. Ito nga pala ang anak namin si Jaycee. He's the eldest, yung kapatid niya naman nasa states pa at susunod lang din yon. May inaasikaso pa." ani tita.

Nanatili ang tingin ko kay tita, hindi ako makapaniwala. Lupit talaga ng tadhana. Pero wait. Bakit ako affected? Pinapakilala lang naman diba? Bakit may something akong na fefeel?

Natigilan ako sa iniisip ko dahil nag salita siya. Oh my gosh.

"Hi, nice to meet you." naglahad siya ng kamay at ngumiti.

Agad ko namang tinanggap ang kamay nya.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya ka gwapo. May dimple din siya. Huyyy Leona may boyfriend ka na.. Wag kang lalandi.

"Hi, I'm Leona. Nice to meet you too." I tried my best not to look awkward.

Natatandaan nya kaya ako? Natatandaan nya kaya yung nagyari sa bar?

Bakit ko naman iniisip yon? Wala lang yon. Huy may Marcus ka na.

Pero kasi naalala ko yung nangyari hindi maalis sa utak ko. It's been a month since that happened, hindi arin nagbagao ang kanyang mala adonis na kagwapuhan. Pero para may iba talaga akong nararamdaman.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon