Chapter 9

848 25 0
                                        

Chapter 9

Napuyat ako sa dami ng inisip ko.

"Hey, wake up. We have to go." I heared a husky voice.

"Hmmm?" kulang ako ng tulog jusko.

"Wake up already." tinapik nya ang pisngi ko.

Ayoko pang bumangon, inaantok pa ako.

I heard him whisper a curse. Then I remembered, I'm with Jaycee right now. Shoot. Mabilis akong bumangon at tumakbo sa cr dahil sa kahihiyan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. I hate my morning face. And he saw my freaking morning face. Nakakahiya. Ugh.

Mabilis akong naligo at nag ayos.
Nag suot lang ako ng jeans and black tank top, nag jacket nlng ako para hindi ako lamigin. Pagkalabas ko sa banyo, nadatnan ko siyang tapos nang magbihis at may kausap sa cellphone.

"You done? Let's go. Mag drive thru nalang tayo for breakfast. I have a meeting at 7." sabi niya sabay hila sa kanyang maleta.

It's still 5:40 in the morning. Nag check out kami then sumakay sa kanyang white trail blazer.

Kinuha niya ang mga maleta namin at nilagay sa trunk. Ako naman ay pumasok na sa front seat.

Pumasok siya at pinaandar ang kotse. Tahimik lang ang byahe, sobrang tahimik.

He's my husband so it's okay to have a little conversation, right?

Ano ba ang itatanong ko sa kanya? Hindi ako marunong mag start ng conversation, the heck.

Magsasalita na sana ako, kaso naunahan niya naman ako. Palagi nalang, pag magsasalita ako, nauunahan niya ako palagi.

"So how was your sleep?" he said.

"Medyo puyat. Pero okay lang. How about you? Were you comfortable on that sofa?"

"It's okay. So what do you want to do after my meeting?" he asked.

"I don't know. I haven't thought about that. Hindi pa ako nakapsyal sa Batangas actually." My eyes are just on the road para hindi naman awkward.

"What about we go sight seeing?" suhestyon niya.

"Saan naman?"

"You'll see." he smiled. He looks more handsome when he smile. Palagi kasi siyang naka simangot. Although gwapo din naman siya pag nakasimangot. Ay ewan.

"Oh. I'll look forward to it then." I gave him a sweet smile.

Hindi na yun nasundan ng ibang topic. Tahimik na buong byahe. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa mga nadadaanan namin. I didn't have the guts to open up another topic.

We arrived at Batangas, dumaan lang kami sa isang fast food restaurant  para makapag breakfast.

"While I'm on my meeting, stay in our hotel room. Ayokong umalis ka na mag isa. Hintayin mo nalang na bumalik ako. After lunch tayo mag sa-sight seeing."  he said.

"okay." yun lang nagawa kong sabihin. Mabuti nalang para makapag pahinga na rin ako. Kulang talaga ako sa tulog.

Nag check in kami sa isang hotel. Kinuha nya ang isang presidential suite para sa aming dalawa.

Nilagay niya lang sa loob ang kanyang luggage co'z it's almost 7.

"So uh. I'll leave you here for the mean time. I'll be back. Bye. Call me if you need anything." he said.

"Okay bye. Take care." I smiled, he then left me alone in the room.

Pagka alis niya, agad kong tinawagan si Camille. Kagabi ko pa talaga siya dapat tatawagan pero natatakot akong baka marinig ako ni Jaycee.

I dialed her number. Sinagot niya naman agad.

["Hey, how's the newly wed couple? May aasahan na ba kaming baby Villejo?"] tumawa siya.

"Baliw. Awkward pa nga eh tapos magkakanak agad?"

["Ayy oo nga pala. Nakalimutan ko. Mahal mo pa pala si Marcus."] pagbibiro niya.

"Speaking of Marcus, may chicka ako."

Kinwento ko ang mga nangyari na may kinalaman kay Marcus.

"Mille, sana hindi ako nagpadalos dalos, ang tanga ko. Hindi ako nag isip ng plan B." sabi ko kay Camille.

["Diba nga pinagsabihan kita noon. Sinuportahan kita kasi akala ko may plan B ka or whatever. Pero ngayon sasabihin mo sa'kin na nag sisisi ka? Alam mo, sarap mong sabunutan."]

"Hindi ko naman kasi naisipiang susuko agad si Marcus, eh. Akala ko lalaban siya"

["Anong lalaban? Nabuntis niya nga yung babae diba? Ano pang laban niya? Eh, nakatali na siya sa babae. Pati ikaw nakatali ka na kay Jaycee."] ani Camille. Tama siya. Ughhh. Bakit kasi hindi ko 'to pinag isipan ng mabuti eh.

"Ugh. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Ano kaya kung nag file ako ng Divorce?"

["Oh, ayan ka na naman. Hindi ka talaga ang nag iisip. Ano ang iisipin ng pamilya mo pati ang mga Villejo? Na talagang ginagamit mo lang si Jaycee para mapaselos si Marcus? Kakatapos lang ng kasal nyo pero mag di-divorce agad? At akala ko ba ginagawa mo din to para sa kompanya nyo?"]

"oo, para din to sa kompanya. Ewan ko. Nagsisisi tuloy ako." sabi ko.

["Baka naman kasi hindi talaga para sa kompanya yan. Ginagawa mo lang excuse ang kompanya pero ang totoo, para naman talaga sa paghihiganti ang rason na tinaggap mo ang offer?"] ani Camille.

"Hindi naman sa ganon -" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

["Oh, ayan naman pala. Para din naman pala sa kompanya yan. Ngayon na nagtagumpay ka na saktan si Marcus, ang isipin mo naman na kaya mo pinakasalan si Jaycee ay dahil sa kompanya. Ganon lang kasimple. Hindi ka dapat magsisi kasi your plan worked diba?"] ani Camille.

Napaisip ako sa sinabi ni Camille. Tama siya. Dapat masaya ako dahil nasaktan ko si Marcus, ngayon ang kompanya naman ang iisipin ko.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon