Chapter 1
Maaga akong pinapunta ni papa sa kanyang office.
Binuksan ko ang pinto nito at nakita ko si papa na nakaupo sa kanyang swivel chair, at si mama naman ay nakatayo sa tabi niya.
Sinarado ko ang pinto, nang humarap ako ay tumambad sa akin ang hindi pamilyar na mga mukha. Hindi ko pa sila nakita buong buhay ko.
" Oh, andito na pala ang aking anak. Halika. " nakangiting sabi ni papa. Anong meron?
Lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi, pero hindi maalis ang paningin ko sa mga nakaupo sa sofa at nakaharap sa amin. Tumayo ako sa left side ni papa, si mama naman sa right. Isang awkward na ngiti lamang ang naipakita ko sa kanila.
" Mr. And Mrs. Villejo, ito si Leona Del Rosario ang nag iisa kong anak. " ani papa. " Anak, eto naman si Mr. and Mrs. Villejo, matalik kong mga kaibigan. Sila ang nagmamay ari ng VCorps Law firm. Isa silang pamilya ng mga abogado. Siguro hindi mo sila kilala dahil kakabalik lang nila galing US and they are going to settle here permanently para mas matuonan ng pansin ang kanilang law firm." pakilala ni dad. Okaayyyyyy....
I don't want to be rude kaya binati ko sila.
" Hello po, nice to meet you. " bati ko. Lumapit ako para makipag kamay sa kanila.
" Ang ganda pala ng anak mo Leo. " ngumisi siya sa akin. " Ilang taon ka na hija? " tanong niya.
" 24 po Mrs. Villejo "
" Call me Tita Anne, masyadong pormal naman ang Mrs. Villejo. " nakangisi niyang tugon.
" Cge po tita Anne. Hehe " awkward kong sagot.
" Anong natapos mo Leona hija? " wow. Ano to job interview?
" Accountancy po " explain ko.
" Ahh.. Magandang course. Makakatulong ka pa sa business nyo." ani tita anne.
" opo " sagot ko.
Ang business namin ay D.R security, we provide safety to our clients. Ang madalas clients namin ay mga politicians, business tycoons, at kung sino sino pang mahahalaga at mayayamang tao. They can rent or hire thier own bodyguard or agent. Nakikipag transact din si dad iba't ibang legal businesses na may kinalaman sa mga firearms.
In short, my papa's business is dangerous. Ang headquarters namin ay bantay sarado, at walang kung sino sino ang makakapasok basta-basta.
Siguro andito sila ngayon para mag hire ng guards? For thier law firm or what? I don't know. Hindi ko nalang masyadong inisip yon.
Nag ta- trabaho ako sa isang malaking bangko dito sa manila during weekdays and nagmomodel naman sa weekends.
Today is saturday so meron akong gig.
" Papa, may photoshoot pa po ako today, may I go? Baka ma late po ako. " palaam ko kay papa.
" Sure, we also have some things to discuss with them privately din. Ingat ka. " ani papa. Hinalikan ko sila ni mama.
" Tita, I'm sorry but I have to excuse myself. "
" sure no problem. " ani tita.
Malaya akong nakakapunta sa mga lugar na gusto ko, but of course may mga naka aligid na mga guards sa paligid for my safety. Kasi kahit hindi ako doon sa companya ni papa nag tatrabaho, mabuti na ang sigurado.
I made it in time sa shoot. Mabuti nalang.
" Babe, You ready? " Si Marcus, boyfriend ko. He's a photographer. Dahil din sa kanya mas nagustuhan ko ang pag momodel.
" Yeah. " I smiled and gave him a kiss on the cheek.
The photoshoot is about a clothing line, ang mga suot ko are mainly dresses.
The shoot took about 2 hours and papalit palit ako ng damit.
" Great. Let's call it a day. " sabi ng manager. " Let's wrap up. Good Job guys. "
Dumiretso na ako sa dressing room para makapag bihis ng mas komportableng damit. Pagkatapos kong mag bihis, naabutan ko si Marcus na naka upo sa sofa, naghihintay. He smiled when he saw me.
" Got some plans for today? What do you want to do? " tanong nya.
" Kain muna tayo. " suhestyon ko.
Nag text ako sa driver ko na sasabay ako ni Marcus. Pumunta kami sa isang restaurant at doon nag lunch.
Nakilala ko si Marcus sa una kong gig sa isang fashionshow 3 years ago. Isa sya sa mga photographer sa event na yon. And we've been dating for a year now. He's nice, mayaman, gwapo, and magaling na photographer. He is the man I always dreamed of.
" So, anong plano natin today? May gagawin ka ba after lunch? "
" Wala naman. Gusto ko lang sana mag relax. Napagod ako sa shoot kanina. " Sagot ko.
" what about sa condo nalang tayo? Dun na tayo maghapon?" nakangising suhestyon niya.
" Magpapahinga lang okay? " sabi ko.
" oo naman. Bakit ano pa bang nasa sa isip mo? Ikaw talaga masyadong green. " humalakhal siya.
" hoy ikaw lang green dito. Wala naman akong sinabi. " I smirked at him.
One year na kaming mag on pero hindi pa namin nagagawa ang you know... Hindi pa ako handa. Mananatili akong birhen hanggang sa araw ng kasal ko. Yes, I'm an old fashioned woman. So what?
All I know is I'm happy with what I have right now.
• Kamiry Delvan •
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...