Chapter 35

673 14 0
                                    

Chapter 35

Leona's POV

Mabuti nalang talaga at nakaligtas ako sa insidenteng yon. This is basically my second life.

Nang magising ako, ay si Jaycee ang una kong nakita. He forgave me. After 2 weeks of waiting for him, finally.

I slowly opened my eyes and felt an excruciating pain coming from my wound.

Nawawala na siguro ang bisa ng anesthesia kaya nakakaramdam na ako ng sakit.

Minulat ko ang mata ko at nakita si Camille.

"Camille. Shuta ang sakit ng sugat ko. Pakitawag ang doctor please." Napakasakit talaga. Pati ang ulo ko. I felt like my head's going to explode. Arrrghhhh.

"Ha?! Teka lang. Chill ka lang." sabi niya tapos umalis para tawagin ang doctor.

"Shuta, anong chill? Ang sakiiiiit." iniinda ko ang saket. Hindi ko maintindihan pero napakasakit talaga. Parang may humuhiwa sa sugat ko. Arrgghhhh.. Napapikit nalang ako sa sakit. Kinuyom ko ang mga kamao ko. Parang mamamatay ako sa sakit ng ulo at ng sugat ko.

Ilang minuto pa ay dumating ang isang nurse.

"Miss, can you rate the pain from 1-10." sabi ng nurse.

"9" sabi ko.

Tumago siya. "Okay. I'll inject you some pain relievers. Wait lang po maam ha."

She injected me the pain reliever. Medyo nawawala na ang sakit ng sugat ko. Mabuti nalang. Para akong mamamatay sa sakit.

Nakatulog ako nang tuluyang nawala ang sakit. Ang sarap ng tulog ko grabe.

Nagising ako at nakita si Jaycee na nag papahinga sa upuan. Nakapikit ang mata niya at nakasandal ang ulo sa backrest ng upuan habang naka crossed ang arms.

"Jaycee" I called his name.

Minulat niya ang mata at nagulat dahil nakitang gising ako.

Dali dali siyang lumapit sa akin para daluhan ako.

"Do you need anything, baby?" he said.

"Ang O.A mo. Anong oras na? Ilang oras akong natulog?" I asked.

"It's still 1 AM. Almost 24 hours karing natulog." sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. For real? Ganon ka tagal akong nakatulog?

"Are you hungry? There's food or if you want, I can buy you anything you like." he said.

Tumango ako. "Kahit ano nalang na meron."

Lumapit siya sa maliit na cabinet at kinuha ang isang tupperware. Inilagay ito sa isang plato at lumapit sa akin.

He insisted to feed me kahit na hindi naman ako baldado, sugatan lang. We were both silent inside the room.

Pagkatapos kong kumain ay inayos na niya ang pinagkainan ko. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya ito.

He looks so tired. Babalik na sana siya sa upuan pero umusog ako ng konti at tinapik ang espasyo sa higaan. "Tabihan mo ako." I smiled.

"What? We'll not fit." I rolled my eyes. "Kaya nga umusog ako diba? Para magkasya?" I said,  smiling.

Tumabi din siya. Inayos niya ang kumot para hindi kami lamigin. Hinimas ko ang buhok niya. I missed him so much.

"I miss bieng on the same bed with you." I said and gave him a smile.

He cupped my face and gave me a soft kiss on my lips.

"I missed you too. I hope that you're sure about your love towards me now." he said.

"Hmmm. I don't know yet." I acted confused. Kumunot ang noo niya. "Just kidding." I smiled. "Of course I love you stupid."

"Well then, I love you too." he said and smiled.

"Matulog kana, halatang puyat ka. Sobra ka naman makapag alaga." I said.

"Of course, I'm your husband, and you took care of me even if we had a fight so now, I'm going to take care of you." He said.

How I miss these moments with him.

I just caressed his hair until he fell asleep. I just stared at him while he was sleeping peacefully.

Kinabukasan ay binisita ako ni mama at papa. Naging busy kasi sila sa pag fo-follow up sa imbistagasyon tungkol sa nangyaring ambush. Pina imbestiga nila ito at nalamang ang kontra partido nga ang nag utos na paulanan kami ng bala.

Inayos ni papa ang issue at inayos niya ang mga dapat ayusin sa business. Inasikaso din niya ang mga kasama naming guards na nabawian ng buhay at ang mga nasugatan.

Niyakap ako ni mama pagdaging nila.

"Anak, kamusta ka na? Sorry ngayon lang kami naka bisita sayo."

"Okay lang ako ma. I'm getting better everyday." I smiled at her.

"Mabuti naman kung ganoon, kailan ka daw makakauwi? May sinabi na ba ang doktor?" ani papa.

"I still have a check up tommorrow, so maybe sa makalawa makakalabas na ako."

Tumango naman si papa.

"By the way, pa, how's Tito Emman?" I asked, it's been a while since I last heard about him.

"He's doing fine, hija. Kagaya mo, nagpapagaling din siya." Papa said. Nakahinga ako ng maluwag.

"Mabuti naman kung ganon, have you visited him ?"

"Yes, we visited him yesterday, may kinuha kaming impormasyon sa kanya kahapon." ani papa.

Tumango nalang ako at nag usap kami tungkol sa ibang bagay. I'm happy. Okay na kami ni Jaycee, ligtas ako at si tito Emman. I couldn't ask for more.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon