Chapter 37
Kinabukasan ay binisita ako ni Camille sa bahay. Nagdala siya ng malaking box ng pizza from yellow cab.
Ang thoughtful talaga ng bespren ko.
"Akala ko hindi ka pupunta kasi busy ka?" nagtatampo kong sabi.
"Wag kang OA, nag overtime ako kagabi para konti nalang ang ta- trabahuin ko ngayon." she said.
Awwww. Lab na lab ko talaga tong bruhang to.
Matagal na kaming magkakilala ni Camille kaya siya lang ang malapit sa akin kahit na malaki ang social circle ko, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.
"So, ano? Okay na talaga kayo ni Jaycee?" she asked while taking a huge bite from her pizza. Takaw.
"Oo naman. I won't let anything break us." I said.
"Asus. Grabe talaga pag inlab eh no?"
I just smiled at her.
And what the freak??? May nakita akong singsing sa daliri niya. What's the meaning of this???
Hinila ko ang kamay niya kaya nahulog ang pizza na hawak nito.
"Hoy ano to? Engaged ka na!?" nanlaki ang mata ko nang makitang wedding ring nga ang suot niya.
"Uhm. Hindi ko pa sana sasabihin sayo. Kaso... Heheh surprise. Engaged na ako." She laughed shyly.
"Ang daya mo. Bakit ngayon ko lang nalaman? Dapat ako yung unang naka alam. Akala ko ba mag bespren tayo? Eh, hanggang kailan mo pa pala ililihim to? Isa pa yang si Michael. Bubugbugin ko yon pag nagkita kami. Hindi man lang ako sinabihan tungkol sa plano niya??" I pouted.
Maghanda yang si Michael pag nagkita kami. Ipapabugbog ko yon o ako mismo ang bubugbog sa kanya. Humanda siya.
Hindi man lang ako sinama o sinabihan sa plano niya? This was supposed to be the best moment of her life pero hindi ako part non?
Wait. Ang selfish ko namn kung ganon.. Tama Leona, kumalma ka. Silang dalawa ang ikakasal hindi ka kasama.
Pero, gusto ko sanang makita yung reaksyon niya sa proposal. Huhu.
I feel like I've lost a very huge moment of my life.
I'm happy for her. Eto na, her moment has come.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Lumapit siya at niyakap ako.
"Sorry, wala ka sa moment na yon. Pero nasurprise din ako kay Michael no. It happened during our family dinner, 2 days ago. Don't worry, pagsasabihan ko yon si Michael." Tumawa siya.
Syempre okay lang sa akin pero nanghihinayang parin ako.
"Patingin nga." hinila ko ang kamay niya.
"Totoo ba to?" tanong ko.
I examined the ring she was wearing it was a simple diamond ring. Bagay na bagay sa kanyang feminine fingers.
Tumango siya. I smiled at her. She's so lucky. Kasi ikakasal siyang masaya at buongbuo ang desisyon. Kasi alam niyang mahal siya ng taong papaksalan siya.
Hindi ko na pinahalata sa kanya ang inggit. Oo, naiinggit ako sa kanya.
Pero okay lang kasi ang importante, natutunan naming mahalin ni Jaycee ang isa't isa.
Umuwi rin si Camille after namin kumain at mag kwentuhan. Ikinuwento niya sa akin kung paano nag propose si Michael. Nakakakilig grabe.
Ang sweet lang. Hindi kasi ko nakaranas nun. Pero okay lang, kontento na ako dahil alam kong mahal ako ni Jaycee.
Nagulat ako nang maagang umuwi si Jaycee. Kumunot ang noo kong nakita siya habang ako naman ay nanunood ng movie sa sala.
"You're early." I said and continued watching the movie.
"I told you, I'm gonna watch over you." He said. Nagsimula siyang maglakad paakyat sa hagdan.
"I'm not a kid anymore!" I shouted before he got in the room. I'm sure he heared me.
I just focused on the movie. Nagutom ako kaya pumunta ako sa kusina para maghanap ng pwedeng kainin.
Binuksan ko ang isang maliit na cabinet at bumungad sa akin ang iba't ibang mga cookies at biscuits.
May nakita akong chips ahoy kaya kinuha ko ito at nag handa ako ng juice para sa sarili.
Babalik na sana ako sa sala nang bumungad sa harap ko si Jaycee na naka t shirt at shorts nalang.
I raised my brows when I saw his reaction. He was crossing his arms.
"What?" I said, confused.
"Where's mine?"
"Oh, you want some?" binaba ko ang tray para kumuha ng kanya. Pero hinawakan niya ang palapulsuan ko at umakap siya galing sa likod.
"Nevermind, I don't want you to get tired. Just wait here, I'll prepare my own food." He said then kissed my cheek.
Hinintay ko siya habang kumuha siya ng kanyang sariling pagkain, nag handa din siya ng juice. Nilagay niya ito sa try ko at dinala sa sala.
Pumwesto kami sa sofa at namili ng ibang movie since tapos na ito pagdating namin galing sa kusina.
Wala kaming nagustuhang panoorin, kaya nag kwentuhan nalang kami. Mas magandang mag kwentuhan nalang kami para mas mag karoon kami ng bond sa isa't isa.
"So what did you do while I was at work? You're not tiring yourself right?" he said.
"No. Camille visited me and guess what, she's engaged!" tumili ako. I am just so happy and excited for her.
"That's a great news. When will be the wedding?" he said.
"They don't have the exact date yet. Alam mo excited ako para sa kanya." I smiled. "Alam mo ba, napakadami niyang napagdaanang heartbreak bago niya makilala si Michael. Speaking of Michael, uupakan ko pa yon!" I said while pouting and a crossed arm.
"Why?" he chuckled. He's probably amused because I'm acting like a kid.
"Hindi niya ako sinabihan na may plano pala siyang ganon. Sana kasama ako sa plano and sa surprise para naman makita ko ang reaction ni Camille." I pouted.
He laughed at my reaction. Sinapak ko naman ang braso niya. He pinched my cheek, which made me smile.
"But it's okay. He propsed on their family dinner, so wala parin akong magagawa." I just laughed.
We just laughed at each other's jokes and stories. I can't believe that despite of my heartbreak and the incident which almost took my life, I'm here, alive and happy with the person I love. I couldn't ask for more.
• Kamiry Delvan •
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...
![Married to a stranger [ Completed ✔ ]](https://img.wattpad.com/cover/240475910-64-k657719.jpg)