Chapter 32

608 17 0
                                    

Chapter 32

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para gawan siya ng lunch. Ngayon, ito lang ang naisip kong pwede kong gawin para sa kanya.

Pinagbutihan ko ang pagluluto at nagpatulong kay manang esing.

Ganon padin ang ginawa ko, nag handa ng lunch box at note.

"I know what I did was unforgivable, but I'll prove to you how much I love you."

I just laughed at myself. Ngayon alam ko na akung ano ang naramdaman ni Marcus noon. Ang hirap pala, lalo na't hindi mo alam kung tatanggapin ka pa ba niya.

Think positive Leona. Magiging okay din kayo. Not now, but soon. Just be patient. Ganon talaga nasaktan mo eh, kaya daat kang mag sakripisyo. Mahal mo diba?

Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Ngayon, mas maaga akong pumunta sa office niya, pero wala siya kaya inilagay ko nalang ito sa kanyang desk.

Umalis akong nakangiti. Kailangan kong maging matatag. I have to look at the bright side.

Nagluluto ako ng lunch niya everyday for almost 2 weeks now. At hinahatid ko ito ng maaga as usual.

Hindi ko nga alam kung kinakain niya ba ito o ano. Ang alam ko naman ay hindi niya ito tinatapon, kaya okay na yun.

As usual, ginagawa ko ang lunch niya tuwing umaga, pero ngayon dahil maraming mga kliyente, ay hindi ko ito mahahatid sa kanya. Ipapahatid ko nalang ito sa driver namin mamaya.

Malapit na ang eleksyon, kaya maraming mga nag dedemand ng guards for their safety.

Papunta na sana ako sa trabaho nang ayaw umandar ng kotse ko. Medyo luma na kasi ito kaya madalas ganito talaga.

Nagpahatid nalang ako sa driver namin at ibinilin sa kanya na ihatid ang lunch ni Jaycee. Hindi alam nila mama at papa pati nila tita na nag aaway kami ngayon ni Jaycee.

Pagdating ko sa building namin ay dumiretso na ako sa conference hall para sa early meeting namin with a client.

Pagkatapos ay inasikaso ang kanyang mga demands. I managed the financial team as usual and did some paperworks.

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho nang pinatawag ako ni papa sa kanyang office.

Tinapos ko ang trabaho ko at pumunta na sa kanyang office.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang office at nakita ko si Mr. Emman Monzanto, ang dad ni Mathew. Isa siya sa mga kliyente namin at malapit na kakilala ni papa.

"Anak, can you do me a favor and go to MFC for a client?" He asked.

"Sure. Kaso pa, sira ang sasakyan ko, at ang driver naman ay may pinagawa ako." I said.

"Sumakay ka nalang sa amin hija, pupunta din kami doon." ani Mr. Emman.

"Mabuti pa nga anak." ani papa.

"Cge po, I'll get my stuff." I said.

"We'll just meet you in the parking lot hija." ani Mr. Emman.

Bumalik ako sa office ko para makuha ang mga gamit. Sumakay ako sa elevator pababa sa parking lot.

Nakita ko ang white van nila kaya pumasok ako dito.

"Salamat ko sa pagpapasakay Tito." I said nang nakasakay na ako.

"No problem hija, ano ka ba." He said.

Nagkwentuhan kami sa loob ng van nila.

Natigilan nalang kami nang biglang nag brake ang driver dahil may humarang na isang puting van sa amin. May lumabas na armadong mga lalaking nakatakip ng mukha. Pinaputok nila ang mga baril nila sa harap ng van, yumuko kami para hindi matamaan. Ang mga guards na kasama namin ay naglabas nadin ng kanilang mga baril.

Tiningnan ko ang driver at ang nakaupo sa shotgun seat. Patay na sila. Nanginginig na ako at naiiyak. Kinakabahan na ako.

"Tito, let's go, it's too dangerous." I said. Patuloy na nagpapaputok ang mga guards na kasama namin. Nagpaputok din ang mga kalaban kaya napapa yuko din kami.

"Hija, I called your dad, they're on thier way to help." He said.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanatili akong naka yuko para hindi matamaan ng bala.

All I could think to do is call Jaycee.

I dialed his number pero walang sumagot. I dialed it again, but to no avail. Ilang ulit ko itong tinawagan pero walang sumagot. I decided to leave him a text.

Me:

[We're getting ambushed.]

Nang ma send ko ang text ay namatay ang cellphone ko, hindi ko pala ito na charge kagabi. Shoot.

Nilingon ko ang mga guards, 3 nalang ang nanatiling buhay at walang sugat. The rest of them are dead or sevearly wounded. Lumapit ako sa isang guard na natamaan sa bandang tiyan. Kinuha ko ang panyo ko at itinakip ko sa kanyang sugat.

"Tito, bakit ang tagal nila?" I asked him. Nang lumingon ako kay nakita kong wla nang malay si Tito Emman at duguan.

"Tito!" I shouted.

"Ma'am yumuko lang po kayo, baka matamaan ka!" sabi ng isang guard na kanina pa nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban.

Malapit na silang maubusan ng bala. Hindi pa rin natatapos sa pagpapaputok ang mga armadong lalaki sa labas.

Umiiyak na ako dahil sa walang malay na katawan ni Tito. Ilang minuto pa nang nakaramdam ako ng masakit sa tagiliran ko.

Tiningnan ko ito at nakitang umaagos ang dugo. Hinawakan ko ito nakaramdam ang matinding sakit.

Naramdaman ko ang pagkahilo, saka ko nakita sa labas ang mga tauhan namin na nakikipag barilan sa mga armadong mga lalaki. Then everything turned black.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon