Chapter 39

669 16 0
                                    

Chapter 39

Bukas ay kasal na ni Camille and I am so freakin' nervous. Hindi ko alam pero ang dating excited ay napalitan ng kaba. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Ngayon ay ang Bachelor's party ni Michael, at syempre hindi din kami magpapatalo. Meron din kaming party kasama ang nga malalapit naming kaibigan noong college.

Nakatanggap ako ng tawag galing kay Camille hours before the party.

"Hey, hey, hey. Ready ka na ba? Excited na ako. Si Jaycee makakasama ba?" she said.

"Hindi daw. May tatapusin daw siyang trabaho sa office." I said, dissapointed.

"Aww. Sayang naman. It's okay. Let's just have fun. It's my last day as a single biatch haha." She shouted. Ang wild talaga ng babaeng to. I just rolled my eyes at pinatay ang tawag.

Nagsimula na akong maglagay ng konting make up para sa party.

The party will be held at a hotel. Nagpa reserve kami ng room doon. Doon din gaganapin ang Bachelor party ni Michael, but of course on a different room.

Nagpahatid ako sa driver namin sa hotel at nagkita kami ni Camille doon dala ang kanyang kotse. Nagdala siya ng sariling kotse para daw mahatid ako sa bahay. She insisted, kahit pwede naman tawagan ko nalang ang driver namin kung tapos na ang party.

Sabay kaming sumakay sa elevator para pumunta sa room namin.

Pagpasok namin ay nandoon na ang ibang mga kaibigan namin para sa party at nakahanda na ang mga drinks at mga pagkain. The whole room was dark at nag nagbibigay kulay lang ay isang disco light. Para kaming nasa bar.

"Hoy, wag ka masyadong uminom ah. Ihahatid mo pa ako." I warned Camille.

Wala naman sa plano ko ang uminom ng marami since hindi naman talaga ako mahilig sa alak at ayaw kong umuwing lasing. Baka mag away pa kami ni Jaycee or whatever.

We partied and had fun. Our friends drank the night away. There were men to entertain us. Pero syempre hindi ako pumatol. May Jaycee na ako. Haha

I drank a few glass of vodka and beer pero I'm still sober. I looked at Camille and she still looks decent, so It's okay.

Nagtawanan kami dahil sa games at nagsayawan din.

I looked at the clock and noticed it's almost past midnight. So I have to go home. Uuwi kami ni Camille samantalang ang ibang kaibigan namin ay nag book nalang ng room sa hotel na ito.

Bumaba na kami nang ma sure na okay na silang lahat at naipalinis na ang room.

Sumakay kami sa kotse ni Camille.

"Are you sure you're not drunk?" I asked while I put on my seatbelt.

"Oo nga. Ang konti lang ng ininom ko no. At ayokong ma hang over sa kasal ko. Ano ka ba." she said.

Sabagay, mataas ang alcohol tolerance nitong babaeng to kaya, okay lang.

Pinaandar niya ang sasakyan.

"Mag mall muna tayo. Para mahimasmasan ako sa alak." She said.

"May bukas pa bang mall sa oras na to?" Kumunot ang noo ko.

"Oo, meron yan."

Pumunta kami sa isang mall. Laking gukat kong bukas pa nga ito. Pumasok kami sa isang cafe at nag order ng coffee para sa aming dalawa.

Pumwesto kami sa isang upuan at nag simula sa pagkwentuhan at napag usapan namin ang mangyayaring kasal bukas. Ang kasal nila ay isang beach wedding at mag sisimula ang ceremony during sunset. Napaka romantic.

Nagpatuloy kami sa pagkwentuhan nang nahagip sa paningin ko si Jaycee.  May kasama siyang babae. Nag uusap sila ng masinsinan. What the freak? Akala ko ba may trabaho?

Napansin ni Camille na nakatingin ako sa may likod niya kaya lumingon siya para i check kung anong meron.

Nakatulala lang ako. Is he cheating on me? Kung kailan okay na kami, eto naman ang mangyayari?

Tumayo si Camille kaya napatayo rin ako. Susugod sana siya kina Jaycee, na hindi pa kami napapansin hanggang ngayon. Pero hinawakan ko ang palapulsuhan niya kaya napatigil ako.

"Teka lang. Baka may magandang rason kung bakit may kasama siya." sabi ko habang hawak ang kamay niya.

Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak.

"Sige nga Leona, sabihin mo sakin, anong magandang rason kung bakit may kasama siyang babae, dis oras ng gabi at alam niyang wala ka sa bahay ngayon?" Galit na sabi niya.

Hindi ako nakapag salita.

Tinalikuran niya ako at pumunta sa table nila.

Nanatili lang akong nakatayo sa malapit sa table namin. Pinagmasdan ko sila na nag uusap sa table nila.

Hindi ko marinig ang pinag usapan nila kasi malayo ang table namin sa kanilang table at mukhang kalma lang itong kinausap ni Camille, which was wierd kasi alam kong ibang klase ang bibig ni Camille, pero ngayon, kalamado niyang pinagsabihan ng kung ano I Jaycee. Nagtataka ako.

Bumalik si Camille at hinila ako palabas sa café.

Pareho kaming pumasok sa loob ng kotse niya at tahimik na umuwi. Walang nag salita sa aming dalawa.

Hanggang sa nakarating kami sa bahay namin ay tahimik parin kami.

Hindi matanggal sa isipan ko na may kasamang ibang babae si Jaycee. Hindi ko kilala kung sino at hindi niya man lang ako hinabol nang hinila ako ni Camille.

Anong meron? Bakit ngayon pa na akala ko okay na ang lahat?

Hindi ko na napigilan ang luha ko at tumulo sa ito isa isa. I cried myself to sleep. I am so bothered with what happened that night.

• Kamiry Delvan •

Married to a stranger [ Completed ✔ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon