Chapter 2
Mabilis lumipas ang araw, it's already friday and I got a text from Camille.
Camille :
[Punta tayo BGC tonight. Bring Marcus]
Me:
[I'm down. See you there]
Since afternoon pa bukas ang rehearsals ko para sa iang fashionshow, I'm gonna have fun tonight.
I texted Marcus.
Me:
[Hey. Party daw tonight. BGC. You down?]
Marcus:
[Sure. I'll pick you up.]
Me:
[Wag na. Pahatid nalang ako sa driver.]
Marcus:
[Ok. see you there.]
Nagpahatid ako sa driver ko. And sinabihan ko na ang guards na wag na pumasok sa loob, wala naman sigurong papatay sakin sa loob.
Pagdating ko, nasa couch na sila Camille. Nag simula na din silangq uminom. Hindi ako mahilig sa alcoholic drinks kaya nag order nalang ako ng cocktail.
" Leona, Let's dance. " anyaya ni Camille.
" Okay, be right back babe. " I winked at Marcus. He just smiled playfully at me.
Hindi umangal ang dalawang kasama namin. Yan yung nagustuhan ko sa kanila eh. Kahit papaano, nakakapag enjoy padin kami. Hindi kasi sila ganon ka possesive.
Pumunta na kami sa dance floor at nag simulang sumayaw sa nakakabinging music. Everybody's hyped up. Lalo na pag drop ng beat, nagkakagulo na ang lahat.
Habang nag sasayaw, may naramdaman akong kamay na humahawak sa bewang ko. Buong akala ko si Marcus yon. Kaya nung nilingon ko ang nasa likod, laking gulat ko nang ibang lalaki ang nakita ko.
Patuloy padin ang pag sayaw niya, habang ako naman ay natigilan. Tinulak ko siya, pero masyado siyang malakas. Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero hindi siya nagpatinag at nag patuloy lang siya sa pag sayaw.
" Bitawan mo nga ako. Sino ka ba? I have a boyfriend. " sigaw ko sa lalaki.
" Just dance with me. " he said. Mukhang lasing na siya.
Hinanap ng mga mata ko si Camille pero hindi ko siya makita sa alon ng mga taong nagsasayawan sa dancefloor.
Tatawagin ko na sana si Marcus nang may isa nanamang lalaki ang marahas na hinawakan ang kamay ng lalaking kanina pa nakahawak sa baywang ko, at tinulak ito papalayo. Dahil sa lakas nga pagkakatulak, natumba ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
" Diba sabi niya bitawan mo siya." sabi ng lalaki. With a husky and manly voice.
Magsusuntukan na sana ang dalawa pero dumating ang bouncers at inawat sila. Ako naman ay nanatiling tulala at naguguluhan kung sino tong lalaking nasa harap ko ngayon.
May something sa kanya na hindi ko maintindihan. Sino to? Bakit nya ako nililigtas?
I was about to talk when he turned around and I saw his features. Nalaglag ang panga ko sa nakita.
Hindi ako makapaniwala, bumungad ang isang mala Adonis na mukha. Napaka gwapo at kisig niya. Matangkad siya at halatang mayaman.
Nakatupi ang sleeves ng puting polo niya hanggang siko, he's wearing a slacks mukhang galing pa siya sa trabaho.
Hindi ko na namalayan na matagal na pala akong naka titig sa kanya. Natauhan nalang ako nang mag salita siya.
" Are you okay miss? " nag aala lang tanong niya.
" y- yes, I'm okay. Thanks! " I gave him a smile.
Hinilot ko ang sintido ko. Ano ba yan Leona, may boyfriend ka na. Back off. Para kang sira. May Marcus kana, okay?
" I have to go. " paalam ko sa lalaki.
Hindi ko na hinintay ang sagot ng lalaki, dumiretso na ako sa couch at nilagok ang cocktail na inorder ko.
Kinabahan ako sa nangyari pero mas nabo-bother ako sa lalaki kanina. Sobrang gwapo niya. Shunga ka Leaona, may boyfriend ka na.Bumalik nalang ako sa realidad nang nag salita sa Marcus.
" Babe, you okay? Bigla ka nalang nawala sa paningin ko." sabi niya na may bahid ng pag aalala.
" o-okay lang ako babe. " ngumiti nalang ako para hindi na siya mag tanong.
" you sure? You look bothered. " naka kunot noo niyang tanong.
I kissed his cheek. " I'm okay. Napagod lang ako kakasayaw. " I gave him a reassuring smile. " By the way. Where's Camille? Nagkahiwalay kami sa dancefloor. " napagtanto kong wala din siya dito sa couch.
" Nag CR lang saglit. " ani Michael. Tumango naman ako. So ako lang pala ang nakakita sa lalaking yon? Ako lang ang nakaka alam sa nangyari kanina bukod sa mga nakakita sa dancefloor?
Yun yung nasa isip ko buong gabi. Hindi ko nalang pinapahalata pero binabagabag talaga ako sa lalaking yon. Parang may something.
Umuwi kami nung medyo tipsy na si Camille. Pumasok na sila Camille sa kotse ni Michael at ako naman ay ihahatid ni Marcus.
Natulog nalang ako buong byahe para makalimot sa nangyari.
The next morning, hindi pa din nawala sa isip ko ang lalaki na nagligtas sa akin kagabi. Hindi ko padin makalimutan ang kanyang mukha at ang kanayang baritonong boses.
Napagpasyahan kong ikwento yun kay Camille.
" Ganon ba talaga ka gwapo? Kasi hindi mo makalimutan? " tanong niya.
" I mean, oo, gwapo siya pero hindi sa itsura ako nabagabag eh. May na fefeel ako sa kanyang something. "
" Hoy, Leona Del Rosario may boyfriend ka na. Si Marcus Garcia. Isang taon na kayo. Baka nakalimutan mo. " pabiro niya akong binatukan.
" Aray. Hindi romantic feeling. Iba. Basta may na fefeel ako sa kanya. " sabi ko. Naguguluhan padin.
Pinagkibit balikat ko nalamang iyon. Wala na akong kinalaman sa kanya, hindi ko naman din siya nakita simula nong gabing yon.
• Kamiry Delvan •
BINABASA MO ANG
Married to a stranger [ Completed ✔ ]
RomanceI imagined my wedding to be magical and romantic. I always day dream about my wedding in the future. I imagine myself walking in the aisle wearing the prettiest gown with everyone's eyes on me. How my groom would look like wearing his tuxido. Ano k...