Chapter 4

56 8 0
                                        

Antok na antok akong bumaba papunta sa kusina dahil may pasok pa ako. Nakapikit akong naglalakad

"Para kang tanga Zeyha" dinig kong sambit ni kuya ng dumaan sya sa tabi ko

"Para kang tanga Zeyha" pang gagaya ni Ayden kay kuya

"Ano ba Ayden" sambit naman ni kuya

"Ano ba Ayden" gaya din ni Ayden sa kanya

"Parang timang Ayden"

"Parang timang Ayden"

"Kanina ka pa nang gagaya"

"Kanina ka pa nang gagaya"

Dinig ko ang pag tatalo nila kuya pero di ko yun pinansin at naupo na sa chair

"Zeyha!" nagulat ako ng tawagin ako ni dad kaya naman nagising ako "natutulog ka sa harap ng hapag" dagdag nya

"Sorry dad" paumanhin ko tsaka kinusot ang mata

"Puyat pa more" asar ni kuya sa akin

"Puyat pa more" pang gagaya na naman ni Ayden sa kanya

"Tamo to. Natuto lang mag tagalog"

"Tamo to. Natuto lang mag tagalog" natawa naman ako sa pang aasar ni Ayden kay kuya

"Mommy oh si Ayden" sumbong ni kuya

"Mommy oh si Ayden" juskopoooo

Hindi na tinigilan ni Ayden si kuya kaya nanahimik na lang sya at kumain

Nang matapos na akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto para maligo

Pag baba ko naman ay naandon na si kuya na nakangiti habang nakangiti

"Parang timang ka kuya. Pangiti ngiti ka dyan" sambit ko tsaka nya ako nilingon

"Bakit ba? Bawal ba? Natatawa kasi ako kay Shaira e" oooh si ate Shaira naman pala

"Harot. Inaasar mo naman lagi. Tara na" aya ko sa kanya at sumunod na din sya palabas


"Straight class daw ngayon" sambit ng isa sa blockmate ko

Napabagsak na lang ang ulo ko sa table ko. I hate straight class in mondaaaaay. Wala na ngang break may afternoon class pa.

Gusto ko pa matulog. Bakit kasi straight class paaaa

Ayaw ko na mag aral. Charot! Baka masampal ako ng nanay ko at palayasin ako ng tatay ko

"Huy girl may prof na" napaangat ako ng ulo ng tapikin ako ni Hannah

"S-sorry po miss" sambit ko at naupo ng ayos

Lutang ang utak ko sa buong klase at ang tanging iniisip ko ay paano ako makakatulog ng dilat ang mata.

"Girl ano ba bakit tulala ka?" bulong ni Hannah na iniiwasang marinig sya ng prof

"Antok pa ako" sambit ko sa kanya

"Matatapos na din ang class. Umayos ka nga" sambit nya at maya maya nga ay natapos na din ang class at mabilis na nag labasan ang blockmate ko


"Hindi ako kakain" sambit ko kay Hannah at tumigil sa tapat ng office ng kuya ko

"Bakit?" tanong naman nya

"Kailangan ko ng tulog" sagot ko at binuksan ang office ni kuya

"Gaga kailangan mo din kumain" sambit nya naman

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon