"Bakit hindi ka umiimik Marcus? Aren't you excited? Are you mad on what I did to your dear Azeyha?"
"B-bakit mo ginawa yun?" hindi pa din ako makapaniwala na siya! Na kaya niyang gawin yun.
Hindi ko inaasahan ito!
"Dahil sagabal siya sa mga plano ko!" nag taas na siya ng boses sa akin
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko
"Dahil hindi kita makuha Marcus! Hindi kita makuha" turo niya sa akin
"Pero bakit ba gusto mo akong makuha?"
"Para makapag higanti!" galit na sambit niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko siya maintindihan. Anong pag higanti?
"Hahahaha talagang wala kang alam Marcus? Pwes ipapaalam ko sayo!" sambit niya tsaka nag lakad lakad sa harap ko
"Ako si Elixene Lirio Tenorio ang nag iisang anak ni Benjamin Tenorio, ang kaibigan ni Joaquin Fuego at Lucas Castro na pinag tabuyan nila. Ang tatay nyo ang dahilan kung bakit nag hirap kami ng tatay ko. Nangako ang tatay nyo sa tatay ko na mag kakasama silang mag papatayo ng paaralan pero pinag tabuyan nila ang tatay ko kaya nahirapan kaming magkaroon ng pera!"
"Pero ginawa nila yun dahil iba ang pakay ng tatay mo!" oo alam ko na. Nasabi sa akin noon ni dad
"Kung ano man ang pakay ng tatay ko ay para sa amin yun! Para mabuhay kami"
"Pero ang gusto niya ay ibubulsa ang pera na ibabayad ng mga students!" paliwanag ko sa kanya
"Shut up Marcus! Hindi ko kailangan malaman yun! Matapos nilang ipag tabuyan ang tatay ko ni hindi nila kami tinulungan!nag aral ako sa public school. Pinag sabay ko ang pag aaral ko sa pag tatrabaho. Nag triple kayod din ang tatay ko hanggang maipatayo na namin ang Eastern Ville College" sambit niya na ikinagulat ko
"diba hindi mo alam na sa amin ang EVC, tsk. Sa amin yun! Naipatayo yun ng tatay ko bago siya namatay! Ng magkapera na ako ng sapat ay pumasok ako sa CFU at pinilit kong mapalapit sayo, hindi dahil gusto kita. Kundi dahil gusto kong mag higanti sa pamilya nyo at ikaw ang gusto kong unahin. Pero dahil sa punyetang Azeyha na yan hinding hindi kita makuha kaya naisip ko na unahin na ang sagabal. Kaso nga lang di ko inaasahan na makakapalag siya kila Jay. May lakas din pala ang punyeta! Kaya naisip ko na dalihin ang nararamdaman niya" muli siyang ngumisi at tumingin sa mga mata ko
Hinantay ko pa ang pag sasalita niya.
"Pinag utos ko na saktan si Hannah at mag iwan ng note para palabasin na tungkol sa politiko ang insidenteng iyon. Tsk di ako makapaniwala na pina imbestigahan agad ni congressman Fajardo yun hahaha" tawang sambit niya "kaso naisip ko na kulang kaya naman pinapatay ko na siya, kaso nga lang mukhang may lahing pusa yang girlfriend mo! Hindi pa natuluyan!"
Nag init ako sa sinabi niyang iyon kaya naman nag lakad ako papalapit sa kanya.
"Succesful naman ang school na pinatayo nyo pero bakit gusto mo pang makapag higanti?" pinilit kong wag mag labas ng kahit na anong emosyon
"Hindi ganun kadali yun Marcus! Sa tuwing pumapasok ako sa CFU ay iniisip ko na sana buhay pa ang tatay ko at hindi Castro-Fuego University ang pangalan ng school na iyon! Mahirap Marcus! Pinipilit kong huwag magalit pero sa tuwing maaalala ko ang pag hihirap namin ng tatay ko ay lumalabas ang galit ko"
"Please Elixene. Itigil mo na to" sambit ko at nagulat ako ng tutukan niya ako ng baril.
"Manahimik ka! Isusunod kita sa pinakamamahal mong girlfriend!" sambit pa niya
Napataas ako ng kamay dahil sa pag tutok niya sa akin ng baril
"Ang hirap na makitang naka pangalan lang sa inyo ang school na yun" pag tutukoy niya sa CFU na may bahid na lungkot sa mga mata
"I'm sorry" yun na lang ang nasambit ko
"Anong magagawa ng sorry mo?"
"I'm sorry Elixene. Pero sana itigil mo na ito"
Nanatiling nakatutok sa akin ang baril na hawak ni Elixene at nakita kong tumingin siya sa kanyang gilid kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para agawin sa kanya ang baril
Lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan ang baril pero nakipag laban siya para hindi ko maagaw iyon sa kanya
At dahil lalaki ako ay nagawa ko pa ding makuha ang baril at lumayo ako sa kanya
"Elixene, let us do it in a right way. Pag usapan natin ng maayos ang lahat"
"Right way huh?" natatawang sambit niya at nagulat ako ng may mag labasang iba pang mga lalaki mula sa kung saang sulok ng lugar na ito
Napalunok ako ng makita sila. Hindi lalagpas sa labing lima ngunit hindi din bababa sa sampu.
Kaya kong makipaglaban pero hindi ko masasabing kaya kong lumaban mag isa sa ganito kadami.
"Ito ang right way para sa akin Marcus" sambit ni Elixene tsaka naupo sa hagdan at nanuod sa mga susunod na pang yayari
Isa isa namang lumapit sa akin ang mga lalaking iyon at ako naman ay sinubukan na mag bigay depensa sa sarili ko
Nakaya kong malaban ang naunang lima ngunit nanghihina ako dahil kulang din ako sa tulog.
Napaimpit ako ng naramdaman ko ang paghampas ng kahoy sa akin pero hindi ko ininda ang sakit at nagawa ko pang labanan ang tatlo pang sumunod.
Nakakaramdam ako ng sakit at pagod ngunit pinipilit ko ding mag karoon ng lakas. May dugo na din ang kamao ko ganun na din sa mukha ko at alam kong puro pasa na ang katawan ko.
Ngunit napabagsak na lang ako sa lupa ng makailang hampas sa akin ng dalawang kahoy. Sa binti, sa braso, sa likod, sa dibdib at kahit sa ulo ay hindi nila pinalagpas na bigyan ng malakas na hataw gamit ang malalaking kahoy na hawak nila.
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa katawan ng hampas na iyon at halos manlabo na ang mga paningin ko.
Nakita ko pang lumapit si Elixene kahit nakadapa na ako ngayon sa lupa. Kinuha niya ang isang kahoy tsaka hinampas sa akin
Nanlalambot na ako pero pinilit kong huwag ipikit ang mga mata ko pero kusa iyong bumabagsak.
"I'm sorry Marcus. But you need to be with your girlfriend, yun naman ang gusto mo diba? Then sabay kayong mamatay" iyon ang huling sambit na narinig ko kay Elixene bago ako nawalan ng malaya
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Fiksyen RemajaSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected
