Chapter 36

39 8 0
                                    

"Congratulation to our graduates this school year" isang malakas na palakpakan ng mga estudyante sa loob ng gymnasium bilang pag bati sa mga nag tapos ngayong taon

Ilang buwan na ang nakalipas at graduate na sila kuya, hindi ko na makakasama sa school na ito si kuya pati si Marcus dahil graduate na sila

Tiningnan ko si Marcus na tumatakbong lumapit sa akin at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin

"Congratulations babe, I'm so proud of you" sambit ko habang nakayakap pa din siya sa akin

"I will miss you" dinig kong sambit niya kahit mahina iyon

Kumalas naman ako sa yakap tsaka siya tiningnan sa mata "Why? Eh mag kikita pa naman tayo. Hindi nga lang dito sa school"

"Kasi babe..."

"Acxel? Let's go. May dinner pa tayo" tawag ni tito Lucas kaya sabay kaming napalingon ni Marcus

"Susunod na po kami" sambit ni Marcus tsaka hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papalapit sa family naming dalawa.

Tiningnan ko ang mahigpit na pag hawak niya sa kamay ko tsaka siya tiningnan sa likod.

Why do I feel that he want to tell something? Why do I feel na anytime ay malalayo siya sa akin. Shh. Stop overthinking Azeyha!

"The celebration are waiting for you, two gentlemen" sambit ni dad kay kuya at Marcus

"We should go na, baka mag traffic pa tayo" sambit naman ni tita Alice

Sumakay na kami sa kanya kanyang sasakyan at kila dad na ako sumabay habang si Marcus naman ay sumabay kay Miguel.

Ilang minuto din ay nakarating na kami sa Resto na pina reserve nila dad for the celebration.

Pag kababa ko sa saksakyan ay nakita ko din si Marcus na mukang naalis na ang suot niyang toga dahil naka formal attire na siya. Nakita ko din na pumasok na din siya sa loob ng resto kasama si Miguel at Hannah.

Oo, andito si Hannah. Miguel Invited her, and sila na din. Well lahat naman andito. Si ate Shai, Mau, Ayden, Hannah and everyone. Maliban sa mga lolo's and lola's namin. Si tito Lucio kasi, which is yung lolo ni Marcus ay nasa La Union. Sila mommyla naman ay nasa US.

Pag kapasok namin doon ay hindi pa naman nakakaupo ang lahat.

"I'll tell you something, after this dinner" nagulat ako ng humawak si Marcus sa bewan ko tsaka kami sabay na lumapit sa table at pinag hila pa niya ako ng chair bago siya naupo sa tabi ko

Hindi na ako nakapag salita sa sinabi ni Marcus kanina dahil nag salita na din si dad to congratulate kuya and Marcus.

I keep on looking at Marcus but he is avoiding my gaze. Why do I feel something strange.

Umiling na lang ako tsaka nag simulang kumain ng iserve na sa amin ang mga food.

"Ngayon graduate na kayong dalawa at bukas ng gabi ay aalis na kayo papuntang UK, Austine at Marcus. One year na din nating napag usapan yun" napatigil ako sa pag kain ng marinig ko ang sinabi ni tito Lucas

UK? Bukas ng gabi na agad? What the... tapos one year na nilang napag usap? Napaangat ako ng tingin tsaka nilingon si Marcus na walang emosyon pero nakabagsak ang balikat.

Nilingon ko din si kuya at kita ko ang mukha niyang nag aalala sa akin. Pag lingon ko kay tito Lucas ay naka tingin siya kay Marcus na parang nag iintay ng isasagot sa kanya ng kaniyang anak

"Hon, Zeyha didn't know yet about it" dinig kong bulong ni tita Alice

Napainom na lang ako ng tubig tsaka pumikit at muling nag patuloy sa pagkain kahit pa sobrang awkward ng katahimikan.

"Kumain ka na" pilit na ngiting sambit ko kay Marcus ng maramdaman ko ang pag titig niya sa akin

"Sorry Azeyha. I thought you know about it" sambit ni tito Lucas

"No need to apologize po tito" nakangiting sagot ko sa kanya

I knew it. Kaya pala sabi niya he will miss me? Tapos ang tiyaga niyang every weekend ay may date kami. I knew it!

Patuloy na din naman silang kumain at mas napabilis ko pa ang pag kain ko. Gusto ko man umalis ay di ko magawa dahil ayaw kong masira ang celebration ni kuya tsaka ni Marcus.

Nanatili akong tahimik habang ang iba ay nag uusap. Hindi naman na naopen ang topic tungkol sa pag alis nila Marcus. Pero iyon pa din ang nasa isip ko.

Pag lingon ko kay Marcus ay tahimik lang siyang naka tingin sa akin tsaka ko siya nginitian at umiwas uli ng tingin tsaka nilaro ang table napkin na nasa harap ko

"That is the thing I want to tell you, pero nasabi na ni dad e" pinangunahan na ni Marcus ang katahimikan naming dalawa

"One week na lang pala ano aalis na kayo ni kuya. Why don't you rest this weekend?" sambit ko ng iniiwasan siya ng tingin

"I wan't to spend more time with you this weekend"

"We already made a lot of memories you will keep. Remember what you told me noong unang akit mo sa akin sa Quezon?" pag bigay ko ng pekeng ngiti sa kanya.

"Babe?" pag tawag niya sa akin.

"Have some rest Marcus. Okay?"

Narinig ko pa ang paghinga niya ng malalim pero hindi na ulit siya nag salita. Nanatili kaming tahimik pareho at walang gustong kumino hanggang sa mag sipag uwian na kami.

Maski sila kuya ay hindi ko iniimikan at mukhang gusto din naman nilang akong makausap pero parang nag aalangan sila.

Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko at naligo tsaka ginawa pa ang mga palagiang ginagawa ko bago mahiga sa kama.

Nag browse lang ako sa cellphone ko at wala ng ibang ginawa.

Nag babakasakali akong mag message si Marcus pero wala. Mukhang walang balak mag sorry itong si Marcus kaya naman nainis ako tsaka nag off ng cellphone bago tumingin sa kisame ng kwarto ko.

Umiiral ang pag uugali ko ngayon dahil pumapasok sa isip ko na huwag siyang pansinin bukas kung saka sakaling mapupunta siya dito at makipag usap siya sa akin.

Gusto ko lang naman marinig ang sorry niya. Pero wala e. Ni hindi nga niya agad sinabi sa akin ang tungkol sa pag alis niya  Naiinis ako dahil maliit na bagay lamang iyon at eto ako pinaiiral ang makitid kong utak...

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon