MARCUS'S POV
Napahawak na lang ako sa aking ulo ng maramdaman ko ang sakit noon ng sinubukan kong bumangon.
Nakita ko ang maliwanag na ilaw at nilibot ang paningin ko at nahagip noon si mommy na natutulog sa gilid ng kama ko.
I tried to wake her up "Ma?" marahan kong siyang tinapik at nagising din naman siya
"Anak? Acxel? Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong niya
"I'm okay now. But, what happen?"
"Austine told me everything. Nakita ka na niyang walang malay kaya dinala ka na nila agad dito sa ospital. Almost two days ka ng tulog"
"Ahmm si Azeyha ma? Did she already wake up?" I'm still thinking of her, kasi baka kung anong ginawa sa kanya ni Elixene. I don't know what happen nung mawalan ako ng malay
"Hindi pa siya nagigising anak. Kahapon ay may pumasok na nag panggap na nurse sa room niya at tinagkalan siya ng oxygen"
"What?" agad akong napaupo ng marinig iyon kahit pa nahihirapan ako. "Can I see her?"
"Kaya mo ba?" tanong niya
"Yes ma. Kaya ko"
Tinulungan ako ni mommy na makatayo at pumunta na kami sa room ni Azeyha. Naandon din sila tito at kinamusta muna nila ako bago naupo sa gilid ng kama.
Nakita ko si Azeyha na hindi pa din nagigising kaya naman nalungkot ako agad. Hindi ko alam kung kailan ba siya magigising.
Pinabalik na din naman agad ako sa room ko para makapag pahinga. Dumating na din si Migs at Maureen kaya naman nakauwi na din si mommy para makapag pahinga
"Kamusta na kuya?" humalik si Maureen sa pisnge ko
"Feeling better"
"Buti na lang narinig ni Drake na may kausap si Jay sa phone" sambit ni Migs "but, who is Lirio?"
Lirio? Ah yeah. Hindi niya alam na si Lirio ay Elixene
"That's Elixene. I didn't know that siya si Lirio na anak ni tito Benj" sagot ko
"Tito Benj? Yung dating friend ni dad na naikwento sa atin?"
"Yeah. Siya nga. At gusto niyang mag higanti dahil akala niya ay pinag tabuyan siya nila dad" naiiling na sagot ko sa kanya
"Grabe naman yun. Pero hindi sila nahabol ng mga pulis. Hanggang ngayon ay pinag hahanap pa sila"
"Kuya kumain ka muna" alok naman ni Maureen sa akin kaya naman kumain na din ako.
Gabi na din kaya naman natulog na si Maureen
"Hindi ba kayo papasok bukas?" I asked Migs dahil ang alam ko ay monday na bukas
"Hindi" sagot naman niya at tumango lang ako.
Maya maya ay nakatulog na din si Migs at ako ay hindi pa dahil kagigising gising ko lang din naman.
I decided to open my phone and browse. Nabasa ko din ang ibang message sa akin at nakita ko din sa article ng school namin tungkol sa pagkabaril ni Zeyha pati din yung nang yari sa akin.
Ng mapagod ang mata ko sa kakaharap sa cellphone ko ay natulog na din naman ako.
"Bro kamusta na?" salubong ni Drake sa akin ng makapasok ako sa room
After kong ma-admit ng ilang araw sa ospital ay nakapasok na din uli ako. But still, Zeyha is in coma.
"Ayos na bro. Salamat pala at sinundan nyo agad kami doon" sambit ko at naupo ako sa tabi niya
"Buti na lang kamo at narinig ko noon si Jay. Tsk. Di ko inaasahan na magagawa yun ni Jay. Alam kong kaya ni Jay manakit pero hindi ko inaasahan na pati sayo magagawa niya" baka sa boses niya ang pag kadismaya niya sa nagawa ni Jay "Pati si Elixene. Naikwento sa akin ni Austine ang tungkol sa kanya"
"Kahit ako, di ko inasahan na siya si Lirio na anak ni tito Benj. Tsk"
"Naikwento nga sa akin ni Austine ang tungkol sa mga tatay nyo, pero kamusta na ba si Azeyha?" pag tatanong naman niya
"Hindi pa din nagigising" walang ganang sagot ko sa kanya
Maya maya ay dumating na si Austine sa room kasunod ang prof at kinamusta lang niya ako bago kami nakinig na kami sa class.
Pag katapos ng class ay nag lunch muna kami ni Austine bago pumunta sa hospital. Sinabay na din namin si Hannah dahil gusto na niya ulit bisitahin ang best friend niya.
"Hi nay Erlyn" salubong sa kanya ni Austine
"Kamusta ang eskwela?" tanong niya
"Mabuti naman po" sagot ni Austine ng naka ngiti at ngumiti lang din kami ni Hannah sa kanya
"Kuya Marcus where's ate Mau and kuya Migs?" Ayden asked me
"Si Migs may training pa" sambit ko tsaka tumingin kay Hannah na biglang nailang "si Mau ay nasa bahay lang."
Oo nasa bahay lang si Maureen dahil tapos na ang school year niya since high school pa lang naman siya.
Sana lahat diba wala ng pasok hahaha
Nag kwentuhan lang kami doon ng dumating na din si Migs bitbit ang duffel bag niya at naka t-shirt at jersey shorts na lang. Naka white socks din tsaka naka suot ang kanyang adidas slides.
Di niya pa inasahan na andun si Hannah kaya naman ng pag pasok niya sa loob ay natahimik lang siya.
Tsk. Bagal umamin nitong kapatid kong ito. Pag ito nauhan pa, ewan na lang. Hindi gumaya sa kuya niya na nag lakas loob umamin edi sana girlfriend na din niya ngayon yang si Hannah.
"Hi" sabay sabay naming nilingon ang nag salita sa pinto "kuya Migs! Sabi ko sunduin mo muna ako bago ka pumunta dito" sambit ni Maureen at nag lakad palapit sa amin
"Hi Mau" bati ni Hannah sa kanya
"Ate Hannah" excited na sambit niya tsaka niyakap si Hannah
"Dito muna kayo, bibili lang ako ng makakain" paalam ni nay Erlyn tsaka tumayo
"Samahan na po kita" sambit ni Ayden
"Weh? Baka madami ka lang ipapabiling pag kain" asar sa kanya ni Austine
"Ano naman?" masungit na sambit niya habang nakanguso bago lumabas sa kwarto kaya naman napatawa kami ng mahina.
Sumunod na din naman sa kanya si nay Erlyn at hanggang ngayon ay tumatawa pa din si Migs at Austine
Nabaling agad ako sa gilid ko ng naramdaman ko ang pag galaw ng kamay ni Azeyha na hawak hawak ko.
"She moved" biglang imik ko at nilingon agad nila ako.
"What?" tanong ni Austine
"She moved! Naramdaman ko. Gumalaw ang kamay niya!" I feel excited. Umaasa ako na magigising na siya
"Call the doctor" utos ni Austine kaya naman tumakbo agad si Migs palabas ng kwarto.
Napatayo na din si Maureen at Hannah. Lumapit din si Austine sa tabi ng kapatid niya habang ako ay hindi binibitawan ang mga kamay niya.
"It is normal to a coma patient to suddenly move, when they heard noises" napa bagsak ang balikat ko ng marinig ko iyon mula sa doktor
Nag paalam na ang doktor na babalik na siya sa duty niya kaya naman lumabas na uli siya ng kwarto ni Azeyha. Napabuntong hininga lang ako tsaka naupo sa tabi ng bed ni Azeyha at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya
"Bro, magigising din siya" tapik sa balikat ko ni Austine
Tumingin lang ako sa kanya tsaka siya binigyan ng pilit na ngiti bago ibalik ang paningin kay Azeyha
I'm waiting babe...
----------
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Roman pour AdolescentsSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected