Chpater 5

49 8 0
                                        

Another week has passed. Hindi ko masyadong nakakasama si Marcus dahil busy sya sa school works. Naiintindihan ko naman yun

"San ka kuya?" tanong ko ng makababa ako sa sala at nakita kong paalis si kuya

"Dyan dyan lang" sagot nya at agad lumabas ng bahay

Dyan dyan lang pero pormang porma, amoy na amoy pa ang perfume tapos nag mamadali lumabas. Hmmm. I smell something...

Naisipan kong sundan si kuya kaya naman hinanap ko agad ang driver namin. Buti na lang at nakaligo na ako.

"Kuya Arnold, sundan po natin si kuya" sambit ko agad ng makita ko sya. Sure akong makikita ko agad iyon.

"Eh maam baka galitan ako noon kapag nalaman nyang sinusundan natin sya" nag aalinlangang sagot nya sa akin

"Hindi po yun. Ako pong bahala" paniniguro ko naman at buti na lang ay pinag drive nya ako

Nang makalabas kami sa village ay nilingon ko ang tigkabilang gate pero hindi ko makita ang sasakyan ni kuya kaya bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa guard house

"May lumabas po ba ditong kulay blue na sasakyan?" tanong ko sa guard

"Ay opo ma'am, kani kanina lang po"

"Saan po sya lumiko?"

"Dyan po" tsaka nya tinuro ang kaliwang way

"Sige po thankyou po" pasalamat ko at bumalik sa sasakyan

"Dito daw po" turo ko sa kaliwa ng makapasok ako sasakyan

Nag drive lang si kuya Arnold ng makita kong traffic at ng makadating kami kung saan ang traffic ay tumigil ang sasakyan

Bumaba naman ako sa sasakyan at nag bakasakaling makita ko ang sasakyan ni kuya at di naman ako nabigo

Pumasok uli ako sasakyan "there he is" turo ko sa sasakyan ni kuya na may tatlo pang kotse sa pagitan namin.

Umusad na ang traffic at sinabi ko sa driver na wag masyado ikalapit sa sasakyan ni kuya at yun naman ang ginawa nya

Sinundan naman namin ang sasakyan hanggang makarating sa mall at nag park na sya

Ang layo naman ng dyan dyan lang ni kuya. Naka abot na sa mall.

Inantay kong makalayo si kuya bago ako bumaba ng sasakyan.

"Ma'am aantayin ko pa po ba kayo?" binuksan ng driver ng window

"Opo" sagot ko tsaka umalis agad

Hinanap agad ng mata ko si kuya at buti na lang ay nakita ko sya kahit malayo sya sa akin.

Nag lakad lang sya hanggang makadating sa isang resto

Napatakip ako ng bibig ng makita ko kung kanino yumakap si kuya

'Oh my god this can't be'

Tumayo sila at lumabas ng resto kaya naman tumalikod ako at nilingon ko ang way nila

Nakita ko naman na humawak si kuya sa waist ni age Shai. Di ko alam na may ganyang way si kuya kapag sila lang ang magkasama.

Pumasok sila sa isang store kaya naman sumunod ako doon at nag ikot ikot din.

Napatigil ako sa stall na madaming cap kaya naisip ko na bumili na noon para hindi ako madaling makita nila kuya.

Ng makapag bayad na sila kuya sa counter ay nag bayad na din ako bago lumabas at sinuot ang cap

Nakita ko silang naupo sa isang bench sa loob ng mall kaya naman umakyat ako sa hagdan para madali silang makita.

"Ah" nagulat ako ng may humampas sa cap ko

"Yare ka sa kuya mo" nilingon ko agad ang nag salita

"Why?" tanong ko naman sa kanya

"Sunod ka daw ng sunod sa kanya" sambit nya kaya naman binalik ko ang tingin ko kung saan nakaupo sila kuya ay wala na sila

So alam nya na sumusunod ako sa kanila.

"Hayaan mo na nga sila, tayo na lang ang mag date." nilingon ko naman ng mag salita pa si Marcus

"Eh gusto ko malaman kung sila na" pag mamaktol ko

"Ang liit mong tsismosa" nag pout naman ako ng sabihin nya iyon

Naramdaman ko ang pagtitig nya at pag lapit sa akin kaya naman tiningnan ko sya habang nakapout

"Isa pa talagang gawin mo yang pout na yan" napakagat ako ng labi para mapigilan ang ngiti ko dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

Ang harot ko ba? Hahahaha

"Tsk. Tara na nga" sambit nya at lumayo na sya sa akin at inayos ang cap ko bago hawakan ang mga kamay ko "wag mo na sila intindihin ha. Yung satin ang intindihin mo" dagdag pa nya bago nagsimulang mag lakad

Napatingin ako sa mag ka intertwined naming mga kamay. At dahil mabagal akong maglakad ay hinila nya ako at inalis ang pagkakahawak sa kamay ko bago sya umakbay sa akin at ngumiti.

Habang nag lalakad kami ay nakaramdam ako ng gutom. Great! Ngayon ko lang naalala umalis ako sa bahay ng walang kain. Napaka galing mo Azeyha!

"Pwede bang..." tumigil si Marcus sa pag lalakad at tumingin sa akin "kumain muna?"

"Di ka pa ba kumakain?" tanong nya naman at tinaasan ako ng kilay

"Hindi pa" sagot ko lang sa kanya

"Sabi ko sayo wag na wag kang makakalimot sa pagkain e" he said but in a spft voice.

"Eh kasi ano..." hindi ko alam kung sasabihin ko bang dahil sinundan ko si kuya oh ano. Pero bahala na

"Kasi ano?" pag hihintay nya sa sasabihin kong kasunod

"Kasi sinundan ko si kuya"

"Oh tamo, hindi ka na nakakain para lang masundan mo at malaman mo kung saan pupunta ang kuya mo" di na ako nag salita at nag pout na lang.

Hinawakan nya ang cap ko at inangat yun at nagulat ako ng bigla nyang halikan ang pisngi ko bago nag lakad papunta sa isang resto

Hindi ko naman mapigilan ng ngiti at humabol na sa kanya

"Maupo ka na, ako na an---"

"Ako na ang oorder" sambit ko bago pa nya matapos ang sasabihin nya dahil alam kong madami na naman ang order nyang pagkain

"Ako na" sagot naman nya

"Ako na nga" pag pilit ko naman at tumalikod pero hinila nya ang braso ko para mapaharap uli sa kanya

"Ako na nga lang" pag uulit pa nya

"Isa" pinandilitan ko sya para bitawan ang braso ko

"Ako na lang ang piliin mo" sambit nya  at dahan dahan binitawan ang braso ko

"Extra sweet ka today noh" sambit ko na lang tsaka sya tinalikuran at nilabas ang kanina ko pang pinipigilang ngiti

Aaaah Marcus. Hulog na. Hulog na talaga..

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon