"Babe hit that one" napatigil ako sa pagbaril at tiningnan syang nakaturo sa target
Andito kami ngayon sa arcade at nag lalaro hawak ang isang toy gun
"What did you say?" I am sure he called me 'babe'
"Hit that one" turo nya uli sa target.
"No. What did you call me?"
"Huh?"
"I heard it!" Yeah. I heard it. He called me 'babe' "I want to hear it again"
"Forget it baka nadulas lang ako" sambit ay muling bumaril sa target nya
Napangisi na lang ako at nag laro na din.
Tumigil ako sa pag lalaro ng mag vibrate ang phone ko kaya naman lumayo ako kay Marcus dahil maingay doon
"Hello po kuya Arnold?"
"Ma'am. Nag papasundo po ang mommy nyo ngayon. Babalik na lang po ako" sambit ni kuya Arnold
"Okay lang po. May mag hahatid naman po sa akin" nilingon ko si Marcus na busy sa pag lalaro.
'Ihahatid naman siguro nya ako'
"Sige po ma'am. Ingat po kayo pag uwi"
"Sige po. Salamat po" then I hang up the call
"Sino yun?" tanong agad ni Marcus ng makalapit ako sa kanya
"Driver namin. Nag paalam na susunduin lang daw muna si mommy" sagot ko naman sa kanya
"Sana sinabi mong wag ka ng balikan at ihahatid na lang kita"
Sabi na e. Ihahatid ako nyan
"Sabihin ko na lang mamaya" pag sisinungaling ko pero sa totoo lang ay nasabi ko naman talaga at tumango lang sya sa akin.
"Eto naman laruin natin" turo nya doon sa parang hockey pero kamay ang gagamitin "maalam ka ba?" He asked
"Hindi masyado. Pero kaya naman" sagot ko naman sa kanya at nagsimula na kaming maglaro
"Slow it down para di ka mahirapan" utos naman nya na syang ginawa ko
Unti unti ay nasasanay na ako so nabibilisan ko na ang pag tira ko doon sa parang coin na malaki
At mukhang napapansin din nya na kaya ko ng maglaro kaya nagiging competitive na kami pareho
"Lift up your finger baka matamaan" turo pa nya tsaka binalik sa akin ang coin at sinangga ko yun bago ibalik sa akin
"Aw" napabitaw ako ng tumama sa pinky finger ko yung parang coin
"Sorry sorry, sabi naman sayo itaas mo e" lumapit agad sya sa akin at hinawakan ang kamay ko
"Its okay. Hindi naman ganun kasakit" sagot ko sa kanya.
"Im sorry let me see" tsaka nya tiningnan ang daliri ko
"Hindi mo naman sinasadya. Okay lang"
"Ibang game na lang laruin natin" sambit nya bago bitawan ang kamay ko
"Why? Enjoy naman e"
"Basta wag na yan" tsaka nya hinawakan ang kamay ko at pinag intertwined ang daliri namin
Tumigil kami sa tapat ng isang just dance
"Want to try? Tagal na nating walang sayaw" tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Novela JuvenilSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected