*play a song: speechless by dan+shay*
"So I will dedicate this song for the girl right there" turo niya sa akin "I always do wait for her. First is 10 years? When she is in New York. Six months? When I'm courting her. And three months? When she is in coma" nakangiting sambit niya bago lumingon sa akin "this is for you"
"Taray may pakanta si mayor!" asar naman agad ni Hannah sa akin at inirapan ko lang siya.
Pinakinggan ko siyang kumanta habang nilalaro ang drums. Hindi ko alam na kumakanta din siya. At mas namangha pa ako dahil naisasabay niya ang kanyang kanta sa bawat hampas niya ng drumstick.
Nagawa niya ang mga bagay na iyon habang ang kanyang mga mata ay para bang nakapako na sa akin.
"I think that you could read my mind, cause when you look at me with those eyes. I'm speechless, staring at you standing there in that dress, what is doing to me ain't a secret, cause watching you is all I can do"
Kinanta niya ang mga linyang iyon na mah ngiti sa labi at tila kumikinang ang kanyang mga mata.
This guy! He's driving me crazy like... ugh mas madami pa pala akong madidiscover sa kanya.
Pinanuod ko lang siya hanggang sa matapos niya ang buong kanta, ang iba ay kinilig at iba ay pumalakpak dahil sa mangha sa ginawa niya.
"I am willing to wait for you anytime. I missed you a lot. So I decided to this thing as way of saying how much I really do missed you and ofcourse... I love you" he said with a smile on his lips
Dinig ko din naman ang kantyawan ng soccer team at ang kilig ng ibang students. May mga galit pa din dahil nga sa may gusto sila kay Marcus, pero hindi ko na iyon pinansin as mas pinag tuunan ko ng pansin ang lalakeng dadahan dahang papalapit sa akin na may hawak na boque of tulips.
"I love you" sambit ko lang tsaka niya inabot sa akin ang boque at niyakap ako ng mahigpit...
"I love you, like you're already my weakness babe" dinig kong sambit niya habang nakayakap sa akin.
Dahan dahan siyang kumalas sa yakap at nilapat ang kanyang labi sa aking noo.
Napapikit na lang ako at ngumiti dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayon. Para bang walang ibang estudyanteng nakapaligid sa amin. Para bang kami lang ang tao sa mundo. Parang kaya naming mabuhay na kami lang ang tao sa isang planeta.
What the heck... what did Marcus did to me. No... what my love for him did to me...
"And I'm speechless, standing you there in that dress..." kanta kanta si kuya ngayon habang nasa hapag kami dahil naopen ni daddy yung ginawa ni Marcus sa school kanina
"I love that song kuya" sabat naman ni Ayden
"Tanong mo ate mo. Baka love na din niya yung kanta na yun haha" asar niya sa akin
"Sus kuya, di mo lang dinala dito si ate Shai e" bawi ko naman
"Pumunta yun sayo nung na coma ka" sagot niya sa akin
"Daya naman. Kailan mo ulit papapuntahin dito yun?"
"I think on Holloween, andito siya. Pupunta yata siya sa Halloween party ng CFU e"
"Really?" excited na tanong ko at tumango siya sa akin
"Kumain na kayong dalawa, kanina pa kayo nag dadaldalan sa harap ng pagkain" saway ni dad sa amin kaya naman kumain na din kami ni kuya.
Pag katapos namin kumain ay pumunta si dad sa office room niya si mommy naman ay nag stay sa kitchen habang kaming mag kakapatid ay nag stay sa sala
"Kuya what happen ba sa school?" tanong ni Ayden kay kuya "may naririnig din ako e pero di ko alam kung anong meron"
Ah yeah. Sa CFU na din pumapasok si Ayden. Graduate na siya sa elementary e.
"Gusto mo talaga malaman?" tanong sa kanya ni kuya
"Yeah. Gusto kong malaman" sagot naman agad ni Ayden
"Fine. Wait" sambit ni kuya tsaka tumakbo paakyat.
Napakanuot noo na lang ako tsaka umiling at nag bukas ng t.v
"Here!" pasigaw na sambit ni kuya at nilingon ko siya habang pababa siya sa hagdan na nakataas pa ang kamay na may hawak na cellphone
"What's in there?" takang tanong ni Ayden
Well, kahit ako nag tataka. Anong meron sa cellphone niya?
"Wait. May ipapawatch ako sayo" sagot ni kuya sa kanya tsaka naupo sa couch at kinalikot saglit ang phone tsaka namab tumabi agad si Ayden sa kanya
"So I will dedicate this song for the girl right there" napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Marcus mula sa phone ni kuya.
"What the... hoy kuya bakit meron ko niyan?" pinapanuod nila yung video nung kinantahan ako ni Marcus sa school
"Eh bakit ba. Andun kaya ako syempre gusto ko kuhaan ng video para may pang asar ako kay Marcus" natatawang sambit pa niya habang hawak ang cellphone niya na hanggang ngayon ay nag peplay pa din yung video
"Ang dami mong alam kuya"
"Syempre, matalino ako e" mayabang na sambit niya naman sa akin
"Ah ang yabang" irap ko sa kanya
"Ang corny pala ni kuya Marcus haha" tumatawang sambit naman ni Ayden
"Corny ka diyan. Baka bukas bukas gawin mo din yan sa babae ha!" sagot ko naman sa kanya
"Well, It won't happen. Baka sila pa ang kumanta para sa akin" mayabang na sagot niya
"Manang mana ka kay kuya mag yabang noh"
"Hoy hindi ah. Wala pa sa kalingkingan ko yan si Ayden" sabat naman ni kuya
"What's kalingkingan kuya?"
"Eto oh" ginulo ni kuya yung tirik buhok ni Ayden
"Aaaaah! Kuyaaaaa!" sigaw ni Ayden "ang hirap kaya nitong itaas tapos guguluhin mo lang?" inis na sambit niya habang inaayos ang kanyang buhok para tumaas uli
"Ano bang buhok yan? Pang tuhog sa butiki?" tatawa tawang sambit ni kuya
"Eh bakit ako inaasar mo ngayon? Diba si ate ang inaasar natin?" turo pa niya sa akin
"Abaaa! Nananahimik na ako dito ha!" pag iwas ko agad sa asaran
"Wews nanahimik? Speechless? By dan+shay?" Asar pa din ni kuya
"Talino ah. Naisip mo pa yun?" irap na sagot ko sa kanya
Tumango siya habang tumatawa "Oo, ako pa ba"
Ganoon kami ng ilang oras sa sala na puro asaran lang, nakailang saway pa si mom at dad dahil sa ingay namin.
Pero sa totoo lang, namiss ko din silang dalawa. Namiss ko ang asaran naming tatlo at ang pag saway lagi sa amin.
Akala ko hindi ko na ulit magagawa ito noong panahong nabaril ako. Akala ko hindi na mauulit ito.
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected
