Chapter 20

38 8 0
                                    

Unknown

"Boss naandito na si Jay" hinarap ko sa kanya ang swivel chair sa kanya at nakita ko ang nakangising si Jay papalapit sa akin

"Mabuti at nagawa mong makalabas sa kulungan" nakinging sambit ko sa kanya

"Tsk. Hindi ko inaasahan na kakayan kayanin ako nung girlfriend ni Marcus!" inis na sagot niya bago naupo sa harap ko.

"Well, sa totoo lang hindi lang siya basta girlfriend ni Marcus kaya gusto ko siyang makuha at pahirapan" sagot ko at kinuha ang baril na nasa lamesa ko

"Anong ibig mong sabihin?" nag tatakang tanong ni Jay

"Isa lang naman siya sa anak ni Joaquin Fuego" sagot ko naman habang pinag lalaruan ang baril na hawak ko.

"So ano ng plano mo?"

"Simula ng dumating ang Azeyha na yan ay nag kanda loko loko na ang lahat ng plano ko. Isa lang ang solusyon sa problema ko" nakangising sambit ko at tumayo sa kinauupuan ko.

"Michael!" tawag ko sa isa sa tauhan ko

"Yes boss?"

"Ligpitin mo ang sagabal sa plano" inabot ko sa kanya ang hawak kong baril at mukhang nagulat siya kaya pinandilatan ko siya at kinuha niya agad ang baril na binigay ko sa kanya

Ngumisi ako at umayos ng tayo

'I want you to suffer Fuego and Castro'

Akala nila ganun ganun lang yun? Matapos naming maghirap ng tatay ko aasahan nila na mananahimik ako? Ano ako? Tanga?

At dahil hirap na hirap akong patumbahin ang mga panganay ninyo mabaliw kayo kapag nawala ang Azeyha niyo.

"Are you really sure about killing her?" Jay asked me

"Why not? She deserve it. They deserve it!" inirapan ko lang siya dahil sa tanong niya.

"What if mahuli ka nila?"

"Really? Iyan ang iniisip mo? Eh hindi nga nila ako kilala e. Sira ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Sige sabi mo e"

"Kamusta ang selda Jay?"

"Sa ilang beses na pabalik balik ko doon ay wala namang bago tsk, ang bago sa akin ay isang babae lang ang nakatalo sa akin" dinig ko ang inis sa tono ng pananalita niya

Kahit naman ako ay hindi inaasahan na si Azeyha lang ang kauna unahang babaeng makakapagpabagsak kay Jay.

"Sa tingin ko ay nakapag aral siya ng self defense o martial arts. Paano kung makaligtas pa siya kay Michael ngayon?" biglang tanong naman ni Jay

"Hibang ka ba Jay? Anong laban ng isang babae sa isang baril. Pwera na lang kung bobo si Michael sa pag gamit ng baril at sa sarili niya maiputok diba" mataray na sagot ko sa kanya

Nilingon ko ang cellphone ko sa table ko ng tumunog iyon. Nakita ko ang pangalan ni Michael doon kaya agad ko iyong sinagot

"Nakita ko si Azeyha at Miguel palabas ng CFU kanina at pumunta sa hospital. Andito ako sa village nila at hinahantay ko ang paglabas niya" sambit ni Michael sa kabilang linya

"Manmanan mo lang siya at tawagan mo ako kung kailan mo tataniman ng bala yang Azeyha na yan, gusto kong marinig ang pag putok ng baril na hawak mo" sagot ko bago ibaba ang tawag

Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumapat sa target na may litrato ng buong pamilya ng mga Castro at Fuego.

Kumuha ako ng isang kutsilyo tsaka ipinalipad iyo sa litrato ni Azeyha

Ngumisi ako ng sumapol sa mukha ng litrato ni Azeyha ang kutsilyong pinakawalan ko.

Dahan dahan akong lumapit sa litrato na iyon ni Azeyha at pinag masdan ang kutsilyo mula sa hawakan nito hanggang sa makarating sa dulo.

"Phsyco" dinig kong bulong ni Jay kaya naman sinamaan ko siya ng tingin "I'm just kidding" inirapan ko siya bago kumuha ng stick ng sigarilyo at ng beer para sa akin at para kay Jay

Hinagis ko naman iyon sa kanya at nasambot niya din.

Nag sindi ako ng ng sigarilyo at lumapit sa glass window at pinagmasdan ang kabuuhan ng Eastern Ville College

"Dad, intayin mo ang pag hihiganti ko para sa iyo. Malapit na dad. Sisimulan ko na sa mga Fuego" sambit ko tsaka uminom ng beer

Muling tumunog ang cellphone ko kaya naman lumapit agad ako sa lamesa ko at sinagot ang tawag

"Anong balita?" tanong ko agad kay Michael.

"Makinig kang maigi boss" sambit niya tsaka nanatiling tahimik kami pareho hanggang sa biglang...

"Good job" napangisi akoo ng marinig ko ang putok ng baril at binaba ko agad ang tawag.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Jay ng tumingin ako sa kanya

"One down!Goodbye Azeyha na" nakangising sagot ko sa kanya tsaka tinapon ang sigarilyo sa sahig at inapakan iyon.

"Nabaril na ni Jay?"

"Oo. Ang sarap sa tenga ng putok ng baril" natatawang sambit ko tsaka nag lakad muli sa tapat ng litrato ni Azeyha.

Tinagkal ko ang kutsilyong nakatusok sa mukha noon at kinuha ang litrato ni Azeyha at pinag masdan ko iyon bago kumuha ng lighter

Napansin ko pa na pinapanuod ako ni Jay ngunit hindi ko na lang siya inintindi tsaka sinunog ang picture ni Azeyha.

Nang unti unti ng lumalaki ang pag apoy ng litrato niya ay tinapon ko iyon sa metal trash bin bago ngumisi kay Jay

"Time for celebration. Mag order ka ng food para sa meryenda natin" utos ko kay Jay tsaka siya inabutan ng pera bago lumabas.

Matagal tagal din kaming nag intay bago dumating si Jay na may dalang mga pagkain at inumin

Mag kakasama kaming nag salo salo sa binili ni Jay at nag diwang sa pagkamatay ni Azeyha

"Boss" sabay sabay naming nilingon ang isa sa mga bata ko na humahangos papalapit sa amin "boss nahuli si Michael"

"Ano?" inis na tanong ko

"Nakita siya ni Marcus at binugbog siya ngayon ay nasa police station na si Michael" paliwanag niya sa akin

"Bobo! Bakit siya kumilos ng nasa paligid si Marcus" inis na sambit ko at binaba sa lamesa ang kinakain ko.

"Jay, bisitahin mo si Michael at sigurado akong pupunta doon si Marcus. Kapag nag kita kayo ay bigyan mo siya ng clue tungkol sa grupo natin. Pero huwag mo sasabihin na ako ang namumuno sa grupo na ito. Ako ang dapat mag pakilala sa kanya" utos ko kay Jay at tumango naman siya bago lumabas ng hideout.

Sumunod naman ako sa kanya habang siya ay nag dadrive ng kanyang motor at ako naman ay sakay sa kotse ko ngunit may malayong distansya.

Nakita ko ang pag pasok ni Jay sa loob ng police station at tumapik tapik ako sa steering wheel ng sasakyan ko habang hinihintay ang pag labas ni Jay.

Sigurado akong nasa loob din Marcus dahil nakikita ko ang sasakyan niya sa tapat ng police station.

Maya maya pa ay lumabas na si Jay at sumakay sa motor niya tsaka nag drive at sumunod na uli ako sa kanya pabalik sa hide out namin.

"Kamusta Jay ang pakikipag usap kay Marcus?" nakangiting tanong ko ng makababa ako sa kotse at naglakad na papasok sa hideout

"Mukhang gustong gusto ka na niyang makilala" tatawa tawang sambit niya.

"Then let us give him what he wanted. I'll send him an invitation" nakangiting sambit ko at nag derederetso na sa paglalakad...

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon