Pag pasok ko kinabukasan ay naikwento ko naman kay Hannah ang nangyari kaya nag sosorry siya ngayon
"I'm sorry Zeyha. Sana di kita hinayaan bumalik sa school mag isa" andito kami ngayon sa garden na pinuntahan namin ni Migs
"Hey Hannah, sabi sayo okay lang yun." paniniguro ko sa kanya "tsaka hindi natin alam na gagawin iyon nung Jay. Hindi naman natin inaasahan yun" dagdag ko pa
"Pero Zeyha..."
"Hannah" saway ko sa kanya dahil alam kong ipipilit pa din niya na may kasalanan siya
"Next time, hindi na kita hahayaan mag isa" sambit niya at ngumiti ako sa kanya "ayaw kong napapahamak ka"
I didn't expect na itong babae na to ang magiging bestfriend ko ito.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
"Napapaisip lang ako. Best friend kita? Queen ng CFU. Dati ayaw mo magaya sa kakambal mo na popular ngayon ikaw na ang Queen ng CFU" sambit ko sa kanya "Bestfriend kita?"
"Grabe ka. Para ayaw mo naman ako maging best friend e" sambit niya habang nakanguso
"Ikaw naman di ka mabiro... Hannah!" nagulat ako ng mawalan ng malay si Hannah at may nakita akong bato sa sahig.
Lumapit agad ako kay Hannah at nakita ko ang pag dugo ng ulo niya. Luminga ako sa paligid kung saan nang galing ang bato, pero wala akong nakita na kahit sino.
"Hannah, wake up" alog ko sa kanya. Naiiyak na ako dahil kita ko kung gaano kadami ang dugo na lumalabas sa ulo ni Hannah. "Hannah please"
I don't know what to do. I keep on shouting na parang may makakarinig sa amin lalo pa at nasa garden kami, sa likod ng locker area
"Hannah. Please" I tried ti lift her up pero nahihirapan ako. "Please Hannah" muli ko siyang inalog ngunit wala pa din.
I reached my phone and dial Migs's number while my hands is trembling
"M-migs"
"Are you crying?"
"Migs, puntahan mo kami dito sa garden. Si Hannah..."
"What happen? Papunta na ako. Tell me, what happen?"
"Pumunta ka na lang dito. I really don't know what to do Migs. I don't know what to do..."
Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako sa pwedeng mang yari kay Hannah
"Calm down Zeyha. Malapit na ako" then he hang up the call.
Napalingon ako sa bato na tumama kay Hannah at napansin ko ang papel na nakadikit doon kaya kinuha ko iyon habang hawak pa din si Hannah.
I'm about to open the paper but Migs already arrive kaya naman binulsa ko kaagan ang papel
"What happen here"
"Hindi ko alam Migs, hindi ko alam. Bigla na lang may tumama sa kanya ng bato" naiiyak na sambit ko.
Kinuha naman niya sa akin si Hannah at binuhat
"Lets bring her to the hospital. Calm down Zeyha" sambit niya at lumabas na sa garden kaya naman sumunod na ako sa kanya
Pag daan namin sa main school papunta sa parking lot ay pinag titinginan kami ng students pero di na namin yun pinansin
Agad naman binuksan ni Migs ang back seat ng sasakyan niya at pinasok doon si Hannah, sumakay din ako doon para maalalayan ko sa loob si Hannah tsaka nag madaling mag drive si Migs.
"Migs, she will be fine right?"
Nasa ICU na si Hannah at ginagamot ang kanyang ulo. Nag hihintay lang naman kami ni Migs dito sa labas at wala pa ding tigil ang pag iyak ko
"Shh. She will be okay" pag tahan sa akin ni Migs tsaka ako niyakap.
"I know she will" umiiyak pa din na sambit ko
Habanb umiiyak ako ay dumating ang mommy ni Hannah.
"Zeyha, what happen?" salubong sa akin ni tita Helen at kumalas ako sa pag kakayakap kay Migs
"Tita, I'm sorry. Nag uusap lang po kami ng may biglang tumamang bato sa kanya" paliwanag ko sa kanya "I'm sorry tita, I'm sorry"
"Stop crying Azeyha, come here" niyakap niya ako kaya naman tumigil na ako sa pag iyak pero hindi pa din nawawala ang takot sa akin.
Napaupo naman ako sa long chair habang inaantay na lumabas ang doctor. Iniisip ko kung anong pwedeng mangyari kay Hannah. Sa dami ng dugo na nawala sa kanya ay baka mapasama siya.
Napatayo ako sa kinauupuan ng mag bukas ang ICU
"Sino po ang relative ni Hannah Fajardo?" lumapit naman agad si tita Helen sa doctor
"How is she doc? How's my daughter?" lumapit naman ako sa kanya at hinawakan ang braso niya
"She will be right?" tanong ko sa doctor.
"Ofcourse, she is stable now. Let us wait for her to wake up. For now we will transfer her to private room" sagot ng doctor tsaka siya umalis kasunod ang dalawang nurse at maya maya pa ay ang ibang nurse na nag tutulak ng bed kung saan nakahiga si Hannah.
Sumunod naman kami doon hanggang makarating sa private room ni Hannah
"Zeyha, clean up yourself" tumabi sa akin si Migs at tiningnan ko ang sarili ko.
Napakaraming dugo sa katawan ko pati na din sa damit dahil sa daming dugong lumabas kay Hannah.
Tumango ako kay Migs bago tumayo at dumeretso sa restroom.
"I know you will be fine Hannah. I'm just here" bulong ko sa sarili ko habang nililinis ang katawan na may dugo
Naghilamos na din ako at inayos ang sarili kahit na may dugo ang suot kong uniform.
Kukunin ko sana ang panyo ko sa bulsa ng skirt ko para punasan ang kamay ko ng may makapa akong papel.
Oo nga pala, nilagay ko ang papel sa bulsa ko na nakadikit sa bato na tumama sa ulo ni Hannah.
Inilabas ko mula sa bulsa ko ang papel at binuksan iyon.
'Iparating mo sa tatay mong si Congressman Fajardo na pag babayaran niya ang ginawa niya sa nanay ko. Papatayin ko din siya'
Napatakip ako sa bibig ko ng mabasa ko ang nakasulat sa papel at nag dali dali akong lumabas ng rest room
"Tita Helen. Tita Helen" tawag ko sa kanya at lumapit na ako sa kanya at si Migs ay lumapit din sa akin "nakita ko po itong nakadikit sa bato na tumama kay Hannah kanina" sambit ko tsaka inabot ang papel kay tita Helen at binasa naman niya iyon.
"Ahmm Zeyha. We will fix this problem. For now, I think you neen to go home" sambit niya
"Pero tita, I can wait"
"Please Zeyha"
"Zeyha, lets go. Ihahatid na muna kita" sambit naman ni Migs sa akin "babalik na lang po kami" baling naman niya kay tita Helen.
"Mag iingat kayong dalawa ha" paala niya at lumabas na kami ni Migs
"Migs, sa tingin ko alam ko na ang pakay ng gumawa noon kay Hannah" sambit ko ng makababa kami ng Elevator. "Ang sulat sa papel ay para sa tatay ni Hannah"
"Azeyha, sa palagay ko problema ng pamilya nila iyon"
"Pero Miguel. Si Hannah yun! Best friend ko" tumigil ako sa pag lalakad tsaka hinarap si Migs.
"I know. But please. If it is about politics. Don't get involve yourself"
Napabuntong hininga na lang ako bago ulit pinag patuloy ang paglalakad...

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected