"Lets go na!" excited na sambit ni ate Shaira ng makadating kami sa sinasabi niyang kamay ni Hesus.
Nakita ko naman ang malaking statue ni Jesus sa taas kaya naman namangha ako doon.
Pumasok na din kami at may nadaanan kaming church kaya pumasok muna kami doon.
Pag kalabas namin ng church ay pumunta na kami doon sa entrance paakyat para makapunta sa taas kung saan naandoon ang malaking statue ni Jesus.
"Ang taas naman" reklamo ni kuya habang nakatingin sa taas
"Reklamo agad, di pa nga nag sisimula" sambit ni ate Shaira
"Eh ang taas taas kaya niyan" turo pa niya
"Psh. Daming reklamo bro" iiling iling na sambit ni Marcus
"Bumili muna tayo ng tubig bago umakyat, baka mapagod si kamahalang Austine" asar ni ate Shaira kaya naman natawa kami ni Marcus.
Yun nga ang ginawa namin, bumili muna kami ng tubig bago nag simulang umakyat.
Nakahawak si Marcus sa aking kamay at sa kabila naman niya ang tubig. Napatingin ako sa suot namin sapatos habang nag lalakad kami
"We have same shoes babe" nasambit ko na lang at tumingin siya sa sapatos namin
"Oo nga noh. Hindi ko napansin" hindi makatinging sambit niya sa akin
"Looks like you bought it because of me?" nag tatanong na birong sambit ko
Napangisi na lang siya tsaka tumingin sa akin "yes I bought it because of you. Lagi kong nakikitang suot mo yang sapatos na yan e" turo niya sa sapatos ko "kaya bumili ako, and hindi ako nag kamali na yan din ang isusuot mo dito sa Quezon" dagdag pa niya ng nakangiti
Napangiti na lang ako dahil sa maliit na bagay na iyon ay kinikilig ako.
Lagpas kalahati na ang naakyat namin at medyo napapagod na din ako
"I'm tired na" angal ko kay Marcus kaya tumigil siya sa pag lalakad
"Maupo ka na muna diyan" turo niya sa malaking bato kaya naman naupo ako doon.
Saglit niyang binitawan ang kamay ko para makainom ng tubig at hinawakan naman uli iyon ng makatapos siyang uminom habang nakaupo ako sa bato at siya ay nakatayo sa harap ko
"Malapit naman na tayo sa taas, nauna na din sila Austine" nilingon ko naman sila kuya ay malayo layo na sila sa amin
Nabawasan na din naman ang pagod ko sa pag akyat kaya tumayo na din ako
"Hindi ka na pagod?" tanong ni Marcus
"Yeah, lets go na" sambit ko
"You sure ha?"
"Oo nga" paniniguro ko sa kanya
Kaya naman nag lakad din kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa pinakataas. Naupo ako sa isang step katabi si ate Shai pati si kuya at naupo naman si Marcus sa harap ko.
"Anong oras kayo uuwi?" tanong ni Marcus kay kuya
"Bukas pa"
"Anong oras?"
"Kung anong oras kayo uuwi" nakangising sagot ni kuya
"Bantay sarado ha?" singit ni ate Shai
Nilingon naman ako ni Marcus at sumenyas na lumapit sa kanya na siyang ginawa ko
"Bantay sarado ka ng kuya mo hindi niya alam na kiss na kita" natatawang sambit niya
"Shh" saway ko sa kanya "para kang sira"
"Hahaha why?"
"Tss ewan sayo"
"Hey, Zeyha picturan mo naman kami ng kuya mo" sambit ni ate Shai at nilingon ko siya habanb inaabot sa akin ang kanyang cellphone.
Tumayo naman ako at kinuha iyon para makuhaan silang dalawa ng picture. Ilang takes din yun ng lumapit sa akin si ate Shai para tingnan ang pictures
"Ang ganda ha. Kayo din ni Marcus" sambit niya tsaka lumingon kay Marcus "hoy Marcus! Halika dali. Mag picture din kayo ni Azeyha. Bilisan mo!"
Tumayo din naman agad si Marcus tsaka lumapit sa akin nag picture kami ng simple lang at tsaka umakbay na din siya sa akin
"Ah" nakusot ko agad ang mata ko ng mapuwing ako
"Wag mo kusutin. Let me see" sambit ni Marcus tsaka niya tiningnan ang mata ko at nagulat ako ng hipan niya ng malakas yun tsaka kami sabay na tumawa tsaka siya yumakap sa akin
"Aaah ang cute" sabay kaming lumingon kay ate Shai at hanggang ngayon pala ay kinukuhaan niya kami ng picture "look! ang cute niyong dalawa dito oh" dagdag niya sabay pakita sa amin ng picture sa cellphone niya tsaka namin tiningnan ang mga pictures
Yung isa ay tinatagkal niya ang kamay ko sa mata, sunod ay nung nagulat ako nung hipam niya ang mata ko pero naka poker face pa din siya, tapos yung parehas kaming tumawa at ang huling picture ay nakayakap sa akin si Marcus
"Ang cute niyong dalawa" sambit pa uli ni ate Shai kaya naman ngumiti lang ako sa kanya.
Natapos na din naman kami doon at bumaba na kami para makaikot ikot pa dito sa Lucban, dumaan din kami sa market place nila at sa iba pa. Nung mag didilim naman na ay nag akit si Marcus doon sa nasearch niya na internet na isang resto dito sa Lucban.
Yung restaurant ay isang malaking airplane. They called it Air summit Gourmet. At ng makapasok kami doon ay sobrang elegante ng designs and furniture.
Naupo na kaming apat at si Marcus na dinang kumuha ng orders para sa amin. Hindi din naman kami nag intay ng matagal dahil dumating na din ang pagkain naman kaya nakabalik na kami ng maaga sa hotel
"Hoy Azeyha. Kayo ni Shaira ang mag sama sa isang room" sambit ni kuya ng nasa tapat na kami ng hotel room namin ni Marcus
"What?" takang tanong ko
"I said, kayo ni Shaira ang mag sama sa isang room" ulit pa niya
"Para kang tanga. Hayaan mo silang dalawa. Kisunod na nga lang tayo dito e" singit pa ni ate Shaira
"Tsk. Trust me bro. I wont do anything to Zeyha. Masyado ka naman" natatawang sambit ni Marcus
"Don't you trust him?" tanong ko kay kuya habang nakaturo kay Marcus
"Yeah, Zeyha's right. Don't you trust your bestfriend?" pag sang ayon sa akin ni ate Shaira
"Tsk. Fine. Ikaw Marcus Acxel. Pag may ginawa kang kalokohan yari ka sa akin" banta ni kuya sa kanya
"Tara na nga" hila ni ate Shaira kay kuya "pumasok na kayong dalawa at matulog. Goodnight"
Tinanguan lang siya ni Marcus at ngumiti naman ako "goodnight ate" sambit ko tsaka naman kami pumasok ni Marcus sa loob ng hotel room namin.
Nag paalam siya na siya ang unang maliligo saglit kaya naman hinanda ko na din ang gamit ko para deretso na ako kapag nakalabas siya ng shower. At iyon nga ang ginawa ko.
Mabilisang half bath lang dahil gusto ko ng matulog. Pag labas ko ng shower ay nakaupo doon sa kama si Marcus
"Are you comfortable sleeping...uhmm with me?" nag aalinlangang tanong niya
"Hmm oo naman, no problem with that" nakangiting sagot ko "matulog ka na kasi mag dadrive ka pa tommorrow"
"Hmm goodnight babe" sambit niya tsaka tumayo sa kama at lumapit sa akin para humalik sa noo ko.
"Goodnight. Sleep tight babe" sagot ko lang tsaka siya bumalik sa kama at nahiga.
Naupo ako sa kabilang side ng bed para makapag lagay ng lotion at para makapag suklay. Ng matapos ko iyon ay binalik ko sa bag ko ang mga gamit at ng lingunin ko si Marcus ay mahimbing na siyang natutulog doon kaya napangiti na lang ako...
A/N: gusto mo ng BS? Luh asa ka HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Fiksi RemajaSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected