Chapter 15

44 9 0
                                    

"Pwede ka bang sumama sa amin?"

Nilingon ko ang kalsada at malayo na ako sa coffee shop at wala masyadong tao ngayon dito sa kalsada

"Paano kung ayaw ko?" matapang na tanong ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa pumapasok sa isip ko ngayon...

'Kaya ko ba?'
'Do what you've learn Azeyha. Madami yang nakaharang sayo' yan na lang ang naipapasok ko sa isip ko ngayon

"Matapang ka ha? Sa tingin mo maililigtas ka ng kapatid mo at boyfriend mo? Madami akong bata na nagbabantay para masiguro kong walang makakakita sa gagawin namin sayo" sambit ng isang lalaki na mukhang sanay na sa laban.

Nag lakad ang isa sa kanila kaya naman humakbang ako paatras

'Azeyha you need to do what you've learn. Para sa sarili mo yun'

Biglang hinawakan ng lalaki ang braso ko kaya naman ginamit ko ang isang kamay ko para hawakan iyon at inilagay sa likod nya.

Ibinaba ko ang bag ko tsaka mas hinigpitan ang hawak sa braso at napalingon ako sa isa pang kasama niyang papalapit sa amin

"Sige lumapit ka!" sambit ko tsaka itinapat ang siko sa may bandang batok nitong lalaking unang sumugod sa akin

Tumigil siyasaglit at ngumisi, nang ipinagpatuloy nila ang pag lalakad ay di ako nag alinlangan na hampasin ng malakas ang lalaking humawak sa akin dahilan para mawalan sya ng malay at napatigil ang mga kasamahan nya.

"Sabi sa iyo wag kang lalapit e" matapang pa na sambit ko.

Nagulat ako ng dahil sa pag sugod nya sa akin

'Ang hirap kapag nakaheels'

Nag lakad siya papalapit sa akin at ngumisi ako bago umupo at pina slide ang binti ko sa paa niya kaya naman napahiga siya.

Dali dali akong tumayo para lapitan ang lalaki at pumwesto sa tabi niya tsaka buong pwersang hinampas ang palapulsuhan sa leeg para mawalan din siya ng malay.

Wala na akong pake kung dalawa na silang nawalan ng malay. Para na din to sa kaligtasan ko.

May isa pa akong kalaban kaya napaisip ako kung kaya ko ba sya dahil alam kong malakas siya.

"Hindi mo ako kakayanin" sambit ng isa sa mga natirang gising pa.

"Naisip ko na din yan bago mo sabihin sa akin" nakangising sambit ko sa kanya

"Hindi ka ba natatakot?" tanong sa akin

"Tsk. Bakit ako matatakot?" natatawang sambit ko tsaka tinignan ang sapatos at kinuha ko ang isa doon tsaka ibinato sa lalaking nag tanong sa akin

"Bulls eye!" sambit ko ng saktong sa noo nya tumama ang heels noon

Nagulat ako ng sugurin nya ako na galit na galit kaya naman umiwas agad ako at nagkapalit kami ng pwesto

Kung hindi lang ako naka skirt na flying kick ko na to!

Lumapit sya sa akin kaya naman sinipa ko yung ano nya. Alam nyo na!

Napaimpit at napaluhod sya sa sakit ng sipa ko, nag lakad ako papalapit sa kanya tsaka sya itinulak para mapahiga sa kalsada.

Lumuhod ako sa dibdib nya at kinwleyuhan sya "sorry to do this but..." hinampas ko din ng malakas ang pulso nya sa leeg ngunit napigilan nya ang kamay ko.

Itinulak nya ako at natumba ako kaya naman nakatayo na siya ngayon.

Mabilis akong tumayo para makatapat siya.

"Kung sila nakaya mo, ibahin mo ako" pinag masdan ko sya at mukhang siya ang leader nitong kalalakihan na ito. Base sa mukha nya ay talagang katatakutan siya pero pag tumingin ka sa mata ay mababasa mo ang kahinaan nya.

"Let me see" matapang na sagot ko na mukhang ikinamangha nya pa.

"Tinuruan ka ba ng kapatid at boyfriend mong makipag laban?"

"Hmm. Hindi. Matagal ko ng alam lahat ng ginawa ko kanina" sagot ko sa kanya.

"Tingnan natin kung uubra ka sa akin" sumugod sya sa akin tsaka nag paulan ng suntok at panay ang ilag at sangga ko doon.

Masakit ang suntok nya dahil malakas talaga sya. I mean, oo malakas ang lalake pero halos doble ang lakas nya kumpara sa mga napabulagta ko kanina.

Nang nakita ko sa mata nya na gusto nya lang ako masaktan ng kahit kaunti ay agad kong sinangga ang braso nya gamit ang palad ko at inikot iyon sa likod nya tsaka tinuhod ang binti para mapaluhod sya.

Hirap man ay pilit ko syang dinapa sa kalsada dahil mas malaki sya sa akin.

"Anong pakay nyo sa akin?" kalmadong tanong ko pero di sya sumagot

"Sagot!" mas sinubsob ko pa sya sa kalsada dahil ayaw nya sabihin ang pakay nila sa akin

"Gusto kitang gamitin para mag patalo si Marcus bukas sa laro!" sagot nya.

"Ah sa tingin nyo ipapahamak ni Marcus yung team nya para sa akin eh mas nauna yun kesa sa akin" mayabang na sagot ko "ikaw ba si Jay?"

"Paano mo nalaman?" nag tatakang tanong nya nakadapa pa din sa kalsada

"Kasi alam ko!" tsaka ko sya hinampas ng dalawang beses na magkasunod dahil alam kong walang silbi kung isang hampas lang ang gagawin ko.

Pinagpagan ko ang palad ko at tumayo ng ayos bago kinuha ang heels na binato ko kanina

"Malakas kayo, pero mas mautak ako" sambit ko tsaka nilapitan ang bag na nilapag ko kanina at kinuha ang cellphone ko doon.

"Can you come here? Sa labas ng school?" I asked Marcus on the phone

"Why? Whats wrong? Katatapos lang namin e. Wait lang" sagot naman nya

"Okay. I can wait. Bye" sambit ko at ng nag paalam sya ay binaba ko na din ang tawag.

Tsaka nag dial ng sa police station

"Good afternoon. May irereport lang po ako dito sa malapit sa Castro-Fuego University" sambit ko ng sagutin ang tawag ko.

"Good afternoon ma'am. My men will be there in a minute. Thank you for call" sambit ng isang pulis at binaba ko na ang tawag.

Kasabay ng pag dating ng mga pulis ay pag dating din ni kuya at Marcus.

"Ma'am ikaw po ba ang tumawag sa station namin?" tanong agad sa akin ng pulis

"Yes po. Hinarang po nila ako at gusto nilang sumama ako sa kanila kaya napilitan po akong gumamit ng self defense"

"Kayo po nag patumba sa lahat?" mukhang di makapaniwala nag pulis.

"Opo" sagot ko at tumango lang sya sa akin

"Anong nangyari? Ayos ka lang babe?" lapit agad sa akin ni Marcus at yumakap.

"Yeah. Okay lang ako" sagot ko at niyakap din siya.

"Wait. Did you do that?" turo nya sa mga nakabulagta sa kalsada at tumango ako sa kanya "but... how?"

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon