Chapter 16

40 9 0
                                    

"Wait. Did you do that?" turo nya sa mga nakabulagta sa kalsada at tumango ako sa kanya "but... how?"

Bakas sa mukha ni Marcus ang pag tataka na may halong pagkabilib

"Natutunan nya yan sa Australia" si kuya ang sumagot sa tanong ni Marcus

"What?"

"Red belter sya ng taekwondo Australia. Nag aral sya noon para kung kailanganin nila mom sa Australia ay naandon siya para sa safety nila dahil wala kami ni dad" paliwanag sa kanya ni kuya

"Nag decide ako na kalimutan ang taekwondo at hindi ko na gagamitin ang mga tutunan ko ng makalipat na uli kami dito sa Pilipinas" sabat ko naman sa usapan nila "but still... nagamit ko pa din"

"Its for your safety naman" sambit ni kuya sa akin

"Atleast ayos ka ngayon. Pero anong balak ni Jay? Akala ko ba game lang bukas?" sambit naman ni Marcus

"Bago sya mawalan ng malay ay tinanong ko sya kung bakit gusto niya akong pasamahin sa kanila, sabi nya para magpatalo kayo sa game nyo bukas" paliwanag ko sa kanya

"Kaso, mali sya ng kinalaban. Pero malakas sila Jay, paano mo natalo?" tanong ni Marcus.

"Malakas sila, oo. Masakit nga bawat suntok na dumadapo sa akin. Pero mapusok sila na pilit nila akong gusto saktan kaya inutakan ko na lang sila kung paano ko sila mapapatumba" sa loob loob ko gusto ko na ipag yabang iyon pero pinanatili ko na natural lang ang paliwanag ko haha

"Ma'am, salamat po sa report nyo sa amin tungkol sa kanila. Madami na din pong nag rereklamo sa kanila e" sambit ng isang pulis na lumapit sa akin

"Wala po iyon. Sir" nakangiting sambit ko

"Pwede po ba kayo maimbitahan sa prisinto para ibang statement?" tanong nya kaya naman tumango ako

"Pwede ho ba namin sya samahan?" tanong ni Marcus

"Opo sir" sagot ng pulis bago sumenyas sa akin na sumunod na sya namang ginawa ko.

Sumakay ako sa police car at nag madali naman sila kuya na sumakay sa kotse nilang dalawa at sumunod sa amin

"Ma'am ano po bang nangyari?" tanong sa akin

At kinuwento ko sa kanila ang buong pang yayari. At nag pasalamat sila sa akin.

Tumayo ako at sumilip. Nakita kong nakaupo doon sa loob ng selda ang grupo ni Jay. Iniwas ko ang tingin ko at tumalikod.

Ayaw kong mag pakita ng emosyon sa kanila dahil iniisip ko na baka kapag nakalabas sila ay balikan nila ako. Yun ang kinakatakot ko sa tuwing gumagamit ako ng self defense.

Hinatid ako ni Marcus at kasabay namin si kuya na sakay sa kotse nya. At ako naman ay nakatingin lang sa daan

"Paano kung di mo kinaya yung mga yun?" Nilingon ko si Marcus ng mag salita siya

"I don't know" I shrugged

"Buti na lang maalam ka lumaban" sambit nya tsaka hinawakan ang kamay ko napadaing ako ng may naramdaman akong sakit sa wrist ko "you've got bruise"

Biglang tinigil ni Marcus ang sasakyan at napansin ko din ang pag tigil ng sasakyan ni kuya.

Pinag masdan ko ang pasa sa wrist ko. "Malakas si Jay" sambit ko lang sa kanya

"Sobrang sakit ba?"

"Pag nadadali lang" nilingon ko ang window ko ng may kumatok doon at nakita ko si kuya kaya binaba ko ang window.

"Bakit kayo tumigil?" tanong niya

"Wala. Napansin ko kasi yung bruise ni Zeyha kaya napatigil ako" sagot ni Marcus.

"Nasaan? patingin" tsaka nya binuksan ang pinto ng sasakyan at hinila ang braso ko

"Aray! Makahila ka naman!" inis na sambit ko pero di sya umimik at pinagmasdan din ang pasa ko

"Tara ng umuwi para di pa lumala yan" sambit nya tsaka binitawan ang braso ko at sinara ang pinto.

Bumalik naman na si kuya sa kotse nya at nag drive kaya nag drive na din si Marcus at sumunod kay kuya.

"Bakit late na kayong umuwi?" salubong ni dad ng makapasok kami sa bahay

"Galing kaming police station" sambit ni kuya

"Ano? Anong ginawa nyo at galing kayo doon?" tanong naman ni mommy.

"Kukuha lang po ako ng yelo" sambit ko habang nasa likuran si Marcus

"Anong gagawin mo sa yelo?" nag tatakang tanong ni mommy.

"May pasa sya dahil may nakalaban siya kanina" sagot naman ni kuya

"Ano? Anong may nakalaban?" lumapit naman sa akin si mommy at hinawakan ang wrist ko

"Mom, masakit" sambit ko tsaka hinila ang kamay ko

"I'm sorry, ano bang nangyari?" tanong nya sa akin "Marcus?" baling naman nya sa lalaking nasa likod ko.

"Tita, galing po kasi siya sa coffee shop, pabalik po siya ng school e may humarang pong mga lalaki sa kanya. Sorry po kasi di po ako kasama ni Zeyha, nasa training po kasi ako. Sorry po talaga tita" paliwanag naman ni Marcus

"Wala kang kasalanan" sambit ko sa kanya

"Pero dapat di na kita pinayagan pumunta ng coffee shop" bulong pa nya

"Aish. Basta wala kang kasalanan" sambit ko at nilingon uli si mommy

"Let me see your bruise" sambit ni daddy na nakaupo ngayon sa couch at umikot naman ako para makaupo ako sa tabi nya bago iabot ang braso ko

"Ayden, get an ice pack" sambit ni dad ng makitang papunta si Ayden ng kusina

"Why?" tanong pa ni Ayden

"Just get an ice pack!" sambit naman ni kuya pero dinilaan lang siya ni Ayden tsaka muling tumingin kay dad

"Sige na, kumuha ka na" utos uli ni dad at tumango lang si Ayden.

Naupo naman si Marcus sa tabi ko habang inaantay ang icepack

"Tito sorry po talaga" sambit ni Marcus habang nakahawak sa likod ko

"Its okay Marcus. Di mo din naman inaasahan e" sambit ni dad at nilingon namin si Ayden na may dalang icepack

Inabot naman yun ni dad at binigay sa akin para ilagay ko iyon sa bruise ko

Napaigtad ako dahil mas masakit na ito kaysa kanina. Kinuha naman ni Marcus ang ice pack tsaka siya ang nag dampi noon.

"Wala na bang ibang masakit sayo? Or mas malalang nangyari?" paniniguro ni mommy at umiling lang.

"Nothing worse happened. Kaya no need to worry na po" nakangiting sagot ko.

"I am still worried" bulong ni Marcus

"You don't need to worry"

"But still, I should not let you walk alone" nag dadampi pa din siya ng yelo sa bruise

"I told you, its okay. You don't have to worry, you don't need to feel sorry" sambit ko tsaka hinawakan ang kamay nya.

"I love you" bulong nya at napangiti naman ako doon.

"I love you, babe"

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon