"Hey, manunuod tayo sa game nila kuya bukas sa... EasternVille?" hindi ko alam kung saan ang EasternVille
"Bakit doon sila mag lalaro?"
"I don't know, may problema ba doon?" I asked.
Ewan ba. Kanina ayaw ni Migs pumunta doon, nalaman nya lang na kasama si Hannah kaya sasamahan nya kami. Ngayon parang ayaw ni Hannah na doon ganapin ang game nila kuya
"Doon madaming gang and frat member. Lapitin ng away at mga basag ulo na estudyante. Sila pa mismo ang nag hahanap ng sariling gulo. At madaming bully doon" paliwanag ni Hannah sa akin.
Kaya naman nag karoon ako ng kaunting kaba.
"Migs will be there"
"Really?" Excited na sambit nya "eh pero kahit na" ngunit bumalik din ang seryoso nyang mukha.
"I think we will be okay naman" paniniguro ko sa kanya.
Tumigil na din kami sa pag uusap ng dumating na ang prof namin at nakinig kami sa lectures.
Sabay na din kaming nag break at bumalik sa class at nag paalam sya na may lunch sya kasama si Hailey, ang kakambal nya.
"Sis may lunch ako with Hailey. Tsaka mukhang may kasama ka na mag lunch" nakangising sambit nya.
"Ha?" nag tatakang tanong ko kaya ngumuso sya sa labas at nakita ko doon na nakatayo si Marcus
Ngumiti sya ng makita nyang nakatingin ako sa kanya kaya naman ngumiti din ako at inayos ang gamit bago kami lumabas ni Hannah.
"Bye Zeyha. Kita tayo sa afternoon class" she waved her hand bago sya tuluyan umalis.
"Lets have lunch together in cafeteria. Si kuya mo ayaw lumabas ng opisina nya" sambit nya agad ng makalapit ako sa kanya.
"Sure. Tara na?"
Naglakad na kami pababa sa cafeteria pero may humarang sa kanya.
"Captain alam mo na ba yung game sa EasternVille?"pinagmasdan ko sya at mukhang isa siya sa player ng soccer team
"Oo, nasabi na Austine. May training tayo mamaya ha" sagot sa kanya ni Marcus
"Sige Captain" sagot nya at tumingin sa akin "hi Azeyha"
"Yun lang ba sasabihin mo Drake? Pwede na kami umalis?" sambit ni Marcus na di man lang ako pinag salita doon
"Seloso naman boss hahaha" biro niya.
"Sige na" tsaka ako hinila ni Marcus papuntang cafeteria.
"Siguraduhin mong hindi ka lalayo kay Migs pag pumunta kayo sa EVC bukas" sambit nya habang kumakain kami.
"Bakit ba parang ayaw nyo sa school na yun?" nag tatakang tanong ko
"Madaming gago dun" sagot nya ng walang emosyon.
"Eh bakit gusto nila ng one game sa inyo?"
"Hindi kasi inaasahan noon ni Jay, yung captain nila na matatalo namin sila kaya ayun, gusto yata nilang bumawi sa amin" paliwanag nya pa habang kumakain at tumango na lang ako sa kanya.
"Maiintay mo ba ako mamaya?" He asked.
"Hmm. Hanggang 4pm pa naman afternoon class ko" sagot ko sa kanya.
"Nag sisimula na ako sa training noon, di kita maiihatid. Kaya mo ba antayin matapos yunh training?"
"Hmm pwede namang mauna na ako" sagot ko sa kanya.
"Intayin mo na matapos ang training namin. Ihahatid kita"
"Sure ka ba?" paniniguro ko
"Oo" sagot nya lang tsaka nag patuloy sa pag kain kaya kumain na lang din ako.
Pagkatapos namin kumain ay nag usap lang kami sa cafeteria bago nya ako ihatid uli sa room.
Pag dating ko sa room ay wala pa si Hannah kaya naman nag basa na lang ako hanggang sa may iba na akong block mate na dumadating.
"Kanina ka pa dito?" inalis ko sa binabasang libro ang paningin ko ng marinig ko si Hannah na nag salita
"Hindi naman" sagot ko sa kanya at naupo sya sa tabi ko.
Nag kwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa dumating na ang prof namin at nag simula na ang afternoon class.
Pagkatapos ng afternoon class namin ay nag akit si Hannah na kumain sa labas kaya naman sinamahan nya akong mag paalam kila kuya.
"We will just eat outside. Babalik din ako dito" sambit ko kay Marcus na nag papahinga sa bench dahil sa training.
"Okay. Take care huh" tsaka sya tumayo and bahagyang ginulo ang buhok tsaka humalik doon.
"Azeyha, bumalik ka din dito after nyo kumain" paala pa ni kuya at tumango ako.
Nag paalam na kami ni Hannah sa kanila at umalis na din at nag lakad papunta sa malapit na coffee shop dito.
Naupo ako doon at naalala ang unang beses ko dito. Dito ako umorder ng coffee na natapon sa akin dahil nabangga, I mean binagga ako ni Marcus para daw mapansin ko sya.
Napangisi ako habang inaalala ang una naming pag kikita.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" bati ni Hannah sa akin na galing sa counter
"Wala, naalala ko lang first meeting namin ni Marcus"
"Dito kayo nag kita?" at umiling ako sa kanya
"Dito ako umorder ng coffee na natapon sa akin dahil binangga ako ni Marcus para daw mapansin ko sya" sagot ko ng naka ngiti
"Ay taray ha" natatawang sambit ni Hannah
Maya maya pa ay dumating na ang orders namin kaya naman kumain na kami at nag patuloy sa pag kukwentuhan.
Nang matapos na kami kumain ay nag paalam na si Hannah na mauuna na sya dahil dumating na ang sundo nya
"Bye. Ingat ka" paalam ko sa kanya bago sya sumakay ng sasakyan
"Ingat ka sis, see you tommorrow" paalam nya bago sinara ang pinto ng sasakyan.
Ako naman ay nag simula ng maglakad mag isa papunta sa school. Wala na halos tao sa tabi ng school dahil anong oras na din kaya naman ang tahimik ng kalsada at maaliwalas.
"Ikaw ba yung girlfriend ni Marcus?" napaangat ang tingin ko ng may mag salita sa harap ko.
Napatigil ako at nakaramdam ng kaunting kaba dahil sa tatlong lalaking humarang sa akin
"Ako nga. Bakit?" sinubukan kong huwag ipahalata ang kaba ko sa kanila.
"Pwede ka bang sumama sa amin?"
Nilingon ko ang kalsada at malayo na ako sa coffee shop at wala masyadong tao ngayon dito sa kalsada
"Paano kung ayaw ko?" matapang na tanong ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa pumapasok sa isip ko ngayon...
'Kaya ko ba?'
....
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected