Dahan dahan kong dinilat ang mata ko ng may maupo sa kamang hinihigaan ko
"Lets eat na" nakangiting sambit ni kuya
Naupo naman ako tsaka siya niyakap
"I missed you kuya" sambit ko
"I missed you too. But first. Lets eat breakfast. Naandoon na ang lahat"
"Si Marcus?" tanong ko at umaasang sasabihin niyang naandoon din dahil baka panaginip lang ang lahat
"Azeyha..." napayuko naman ako. Hindi panaginip ang lahat. Totoo lahat ng nangyari kagabi.
"Hays. Get up and lets eat. Pupunta tayo sa burol niya mamaya" dagdag ni kuya.
Walang gana akong tumayo at sumunod sa kanya papunta sa dining area nila Hannah.
Sabay sabay din kaming kumain at umuwi na din. Pag dating ko naman sa bahay ay naligo agad ako at nahiga uli sa kama at doon pilit pinapasok sa utak ko ang nangyari kagabi.
Tumawag na si Miguel sa akin at sabi naman niya ay ayos na ang burol ni Marcus pero mamaya pa kami pupunta nila mommy dahil mag papahinga lang daw si kuya.
Nakatulog na din naman ako saglit at ginising lang nung lunch na.
Lahat kami ay tahimik lang at nag papakiramdaman sa harap ng dining table ng magsalita si dad
"After natin kumain ay pupunta na tayo sa funeral" hindi ako nag salita at pinag patuloy ang pag kain habang sila ay naririnig kong nag uusap usap.
Pag katapos kong kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko at nag half bath bago nag bihis.
I wore a simple white puff sleeve dress at sandals bago bumaba. Lahat sila ay naka prepare na kaya nakaalis na din agad kami sa bahay.
Pag dating namin sa funeral homes ay wala pa masyadong tao. Sinalubong naman ako ni Miguel at Hannah na yumakap sa akin. Ganun din si Maureen at ate Shai ng makalapit kami sa kanila
"Condolence po tito, tita" sambit ko kay tito Lucas at tita Alice tsaka humalik sa pisngi nilang dalawa
"Condolence Azeyha" sambit ni ate Shaira sa likuran ko kaya yumakap uli ako sa kanya.
"You look so tired. Magagalit si Marcus sa'yo niyan"
"Why did he leave me ate?"
"If it's his time wala na tayong magagawa" doon ay muling may tumulong luha mula sa mata ko.
"Marcus! Why?" napatigil ang pag luha ko ng may isang babaeng tumakbo malapit sa abong katawan ni Marcus
"Who is she?" tanong ko kay ate Shaira na umiling sa akin.
Parehas naming hindi kilala ang babae kaya naman nag tataka kami at sabay kaming lumapit sa kanya
"Marcus? Why did you leave me? I thought you're going to marry me" napadilat ako ng sinabi niya iyon tsaka nilingon ang iba.
Lahat sila ay nagulat din maliban kay kuya na halos mapasapo na sa noo niya sa hiya kaya naman lumipat ako sa pwesto niya
"Hmm. Excuse me. But who are you?" tanong ni tita Alice
"I think your his mom? Tita, condolence" wait... tita huh
"Ano ka ng anak ko?" muling tamong ni tita Alice
"I'm his girlfriend po"
Lalo ako nagulat sa sinabi niya at napamaang ang labi ko.
Nilingon nila ako sabay sabay at hinintay ang sasabihin ko.
"Excuse me. Who are you again?" tanong ko at nilingon niya ako
"I'm Julia, girlfriend ni Marcus" proud na sambit niya
Nilingon ko si kuya na nasa tabi ko at bumulong siya
"She is not. May gusto lang siya kay Marcus"
Nilingon ko itong Julia at napangisi naman ako sa pag kamangha ko sa tapang niya.
"Well hi. Nice meeting you Julia. By the way I'm Azeyha Castro. His wife" nakangiting abot ang kamay ko sa kanya at nakita ko ang reaksyon ng iba na hindi inaasahang sasabihin ko yun
Ito namang si Julia ay tiningnan ang mga taong andito at bigla siyang nahiya.
Gusto kong igalang ang burol ni Marcus pero hindi ako nakakatulong itong babaeng nasa harap ko.
"Uhmm. Okay. Sorry to tell you that I'm his girlfriend" sambit niya
Ibinaba ko ang kamay ko at umalis sa harap niya bago naupo ng walang iniwang salita.
Nakita ko pang nilapitan siya ni kuya ng mag balikan sa upuan ang ibang tao.
Sa loob ng ilang araw na nakaburol si Marcus ay nandoon ako sa funeral home araw araw. Hanggang sa huling araw. Kung pwede lang din sana ay doon ako matutulog pero ayaw nila tita Alice at mas gusto nilang mag pahinga naman daw ako.
Ginawa ko naman. Hindi naman ako nakukulangan sa tulog pero masakit pa din sa akin. Hindi ko pa kayang tanggapin.
"Hoy. Nakikinig ka ba?"
"What?" tanong ko kay Hannah
"Sabi ko kung anong order mo?"
"Ah kung ano na lang sa inyo"
Naandito pala kami ngayon sa bagong bukas na resto malapit sa bahay nila Maureen. Tatlo lang kaming babae ngayon dahil may flight si ate Shaira. Isa na siyang flight attendant
"How's school Maureen?" pag sisimula ni Hannah ng usapan
"Mahirap, but kuya Miguel's helping me naman"
"Ahh oo nga pala. Future doctor din pala ito" sambit ko
"Yes po. Attorney hahaha" tawang sambit niya.
Napingiti ako sa pag tawag niyang iyon sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na tawaging 'attorney'. After ilang years na pagod marinig ko lang ang tawaging 'attorney' ay napapangiti ako.
"So what are your plans now? Since you passed on exam" sambit pa ni Maureen
"Sabi sa akin Azeyha mag bubuo siya ng firm. I'm here as her friend so support ako sa kanya" sagot ni Hannah
"Hindi lang ako ang mag bubuo noon. Tayong dalawa Hannah"
Maya maya pa ay dumating na ang order namin. Nag patuloy kami sa pag kukwentuhan habang kumakain.
Madalas ay apat kaming mag kakasama kung lumabas kaso nga lang ay may schedule ng flight si ate Shaira.
Pag katapos naman naming kumain ay hinatid ko na yung dalawa sa kanila.
Pag dating ko sa labas ng bahay ay nadatnan ko ang ibang kotse na hindi ko alam kung kanino sa loob ng bahay.
Bumaba ako sa kotse ko para buksan ang gate dahil walang mag bubukas para sa akin. Ipinasok ko naman na ang sasakyan at nag park bago ulit sarhan ang gate.
Nadatnan ko si Ayden na may kausap na nakatalikod sa akin
"Uhm hello" pag sambit ko at nilingon nila ako
"Hi" bati sa akin ng lalaki.
Hindi ko alam ang sasabihin ko...
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected