Chapter 21

35 9 0
                                        

MARCUS'S POV

"Kamusta na?" tanong ko agad kay Austine ng makadating ako sa hospital at nakita ko silang nasa labas pa ng Operating room

"Hindi pa lumalabas ang doctor Marcus. Anong nang yari sa prisinto?"

"Nakausap ko ang suspect pero ang sabi niya ay napag utusan lang siya" sagot ko

"Sino daw ang nag utos?"

"Hindi niya sinabi. Pero dumating si Jay. Mag kasama sila sa grupo at may tinatawag silang boss pero hindi nila sa akin sinabi kung sino. Pero bago ako umalis ay sinabi ko sa suspect na gusto kong makita ang boss na sinasabi nila" paliwanag ko naman at umiling iling lang siya.

Maya maya ay dumating na din si tito Joaquin

"How is she?" tanong niya agad sa amin

"Hindi pa tapos ang operation dad" sagot naman ni Austine sa kanya bago bumaling kay tita Mariz "mom, dad is here"

Nilingon kami ni tita Mariz at lumapit siya bago yumakap kay tito Joaquin

"Dad, I'll go check Ayden muna" sambit ni Austine sa tatay niya at tumango naman siya

"Samahan na kita bro" sambit ko bago lingunin si tito Joaquin

"Mag iingat kayong dalawa" paalala niya bago kami umalis ni Austine

Pag dating namin sa bahay nila ay sinalubong naman kami ni Ayden

"Hows ate?" tanong niya agad.

"Nasa operating room pa si Zeyha. Ichecheck ko lang kayo dito pero babalik din ako sa hospital" sambit naman ni Austine

"Pwede ba ako sumama?" tanong naman ni Ayden

"Huwag na muna. Uuwi din naman sila mommy dito mamaya. Nag lunch ka na ba?"

"Yes. Sinabayan ako nila nanay Erlyn"

"Oh kamusta si Azeyha?" napalingon kami ng lumabas si nanay Erlyn mula sa kusina

"Wala pa pong magandang balita e" malungkot ang tono ng pananalita ni Austine

"Mananghalian muna kayo" aya niya sa amin at sumunod na kami papunta sa kusina

"Paano ang mommy at daddy mo? Ang lunch nila?" tanong ni nanay Erlyn ng kumakain na kami ni Austine

"Bibili na lang po ako sa labas" sagot sa kanya ni Austine at tumango lang siya "bro babalik ka ba sa hospital?" baling naman niya sa akin

"Oo bro. Pero iiwan ko na muna sasakyan ko dito. Ayos lang ba?" tanong ko sa kanya para naman iisang sasakyan lang ang gamit namin

"Sige bro" sagot niya at nag patuloy lang sa pagkain.

Pag katapos nga namin kumain ay kumuha lang si Austine ng iba niyang gamit  bago bumaba

"Ikaw ba hindi ka muna uuwi? O mag papalit?" sambit niya ng nakatingin sa akin.

Napatingin naman ako sa suot ko at hanggang ngayon ay may dugo pa din iyon

"Mag papalit lang ako saglit" sagot ko sa kanya bago kami lumabas ng bahay at nag drive na siya papunta sa bahay namin

Agad akong sinalubong ng mga kasambahay at kita ko sa kanila ang pag tataka dahil sa dugo sa damit ko ngunit ni isa sa kanila ay walang nag tanong kaya naman dumeretso ako sa kwarto ko para makapag palit.

Hindi na din ako nag tagal dahil baka tapos na ang operation ni Zeyha kaya pag kabihis na pag kabihis ko ay bumaba na din ako at umalis na kami ni Austine.

Bumili muna kami ng lunch para kila tito bago dumeretso sa hospital at kumain naman sila tito.

Di nag tagal ay lumabas na ang doctor at sabay sabay kaming lumapit sa kanya

"Natagkal na namin ang bala. Pero hindi namin masasabing ayos na siya dahil ang bala ay nakuha namin malapit sa kanyang puso at may ilang ugat ang naapektuhan sa kanya. She is in coma" salubong niya sa amin "Ililipat po namin siya sa private room and we will still monitor her" dagdag pa niya bago umalis.

Maya maya pa ay nilabas na din si Zeyha sa operating room at sumunod kami doon maliban kay tito na may aayusing papers para kay Azeyha.

Pag dating naman namin sa private room ay binigyan kami ng visitor gown. Pag pasok namin sa room ay inayos na si Azeyha sa bed niya at naupo naman si tita at Austine sa couch habang ako ay nakatayo sa gilid ng kama ni Azeyha at pinag mamasdan ko lang siya.

"Austine. Uuwi muna kami ng mommy mo" sambit ni tito ng makapasok siya sa room at tinanguan lang siya ni Austine bago lumapit kay tita at inalalayan ito hanggang sa makalabas ng room.

Naupo ako sa gilid ng kama ni Azeyha at muli siyang pinag masdan.

Napaka ganda niya. Para lang siyang mahimbing na natutulog katulad noong pumasok ako sa kwarto niya noon may kinuha ako doon. Ang kaibihan lang ay madaming naka kabit sa katawan niya.

Kinuha ko ang kamay niya tsaka pinag intertwined and mga daliri namin bago ko isubsob ang mukha ko sa kama niya.

"Bro?" dumilat ako ng maramdaman ko ang pag tapik sa akin ni Austine "bro. Pinasundo kita kay Migs. Mag pahinga ka muna"

Napatingin ako sa kamay ko at nakahawak pa din iyon sa kamay ni Azeyha kahit na nakatulog na ako.

Nilingon ko uli si Austine "anong oras na?"

"Mag didilim na. Kanina ka pang tulog pero hindi kita ginising" sagot niya sa akin "umuwi ka muna para makapag pahinga ka"

Hindi sana ako papayag pero kailangan ko na din umuwi dahil may pasok pa ako bukas. Kaya naman nag paalam na ako sa kanya at pag dating na din naman daw sila tito.

Pag baba ko sa parking ay naandon si Migs na inaantay ako kaya naman sumakay agad ako sa kotse niya.

"Kila Zeyha muna tayo. Andon ang sasakyan ko" sambit ko bago mag seatbelt.

"Naikwento na sa akin ni kuya Austine ang nangyari" sambit niya naman at nag simula na mag drive "ayos ka lang?"

"Yeah" maikling sagot ko.

"She will be fine" sambit niya, ngumiti lang ako at tumingin sa kalsada ng may mapansin ako sa side mirror.

Isang pamilyar na black tinted sedan ang sumusunod sa amin. Pinag masdan ko lang iyon at talagang sumusunod siya sa amin hanggang makarating kami sa may village nila Azeyha, pero tumigil siya sa di kalayuan ng pumasok kami sa village.

"Mauna ka na sa bahay. May dadaanan lang ako" pag sisinungaling ko kay Migs bago bumaba sa kotse at pumunta na sa kotse ko.

Nauna nga si Migs sa akin at umalis na din ako pero hindi ako dumeretso sa village namin at napansin ko pa din ang pag sunod sa akin ng sasakyan kanina.

Nag desisyon na din akong umuwi, but still nasunod pa din siya. Kaya naman ng nasa kanto na ako ng village namin ay tumigil ako at bumaba tsaka nag kunwaring titingnan ang makina ng sasakyan ko.

Napansin kong nag start ang sasakyan at umabante iyon kaya binaba ko ang hood ng kotse ko. Nakita ko din ang plate number niya kaya mahahanap ko siya kung sakaling may masama siyang balak

Pag daan ng saaakyan ay lumabas sa window ang isang papel kaya naman pinulot ko iyon

'Ako ang nag utos na ipapatay ang girlfriend mo. Makikilala mo din ako Marcus!'

Iyan ang nakalagay sa sulat ngunit ng tingnan ko ang sasakyan ay malayo na iyon.

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon