Late na akong nagising ngayon at wala akong kagana ganang pumasok
Alam kong hindi papasok si Austine ngayon dahil nag message siya kagabi, wala daw kasing mag babantay kay Azeyha sa hospital.
Nauna na din pumasok si Maureen at Migs dahil nga late ako nagising. Naikwento ko na din sa pamilya ko ang nangyari kay Azeyha kaya ang alam ko ay pupunta sila sa hospital mamaya.
Pag pasok ko sa klase ay binati ako ng iba kong ka block mate at walang gana akong tumango sa kanila. Pati na din sa discussion ay wala akong kagana ganang nakinig.
Hanggang sa mag merienda ay at mag lunch ay mag isa akong kumain sa office ni Austine.
Naiiyak na lang ako kapag naiisip ko ang sitwayson ngayon ni Azeyha. Pero kailangan kong mag pakatatag, kailangan naming mag paka tatag.
Ng matapos ako kumain ay tinapon ko na ang pinag kainan ko tsaka nag lakad papunta sa pinto.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.
"Hi" muntik ko na siyang masapak dahil sa gulat
"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko
"Alam ko lang na naandyan ka kaya inantay kita dito"
"Sabihin mo agad kung anong kailangan mo Elixene" iritang sambit ko sa kanya tsaka nilock ang office ni Austine
"Kamusta na si Azeyha? Tsaka yung best friend niya?" pacute na sambit niya
"Makapag tanong ka akala mo naman may pake ka sa mga yun" prankang sambit ko
"I'm just asking. Pwede ko naman kasi palitan yung role ni Azeyha sa buhay mo kung patay na siya diba?" nakangiting sambit niya
Gusto ko siyang patulan dahil sa sinabi niya pero dahil babae siya ay pinipigilan ko ang sarili ko.
"Buhay pa siya wag kang mag alala" nakangising sagot ko sa kanya at nawala ang ngiti sa labi niya. "Tsaka kahit naman wala na si Azeyha di ko matatanggap na ikaw ang papalit sa kanya" dagdag ko pa bago siya tinalikuran.
Bumalik na ako sa class room namin at nakinig sa dalawang oras na afternoon class namin.
Natapos na din ang class namin at dumeretso ako sa locker area para ilagay ang gamit ko doon dahil may meeting ako para sa dance club.
Bago ko pa man buksan ang locker ko ay may napansin akong nakasingit na papel doon kaya nag madali ko iyong buksan at pinatong ang mga gamit ko bago kuhain ang papel.
Nag palinga linga pa ako para sana makita kung sino ang andun
"Drake?" tawag ko ng makilala ko ang nakatalikod sa akin at humarap naman siya
"Oy Marcus. Kailan uli training? Di na natuloy yung sa EVC ah" sambit niya tsaka lumapit sa akin.
"Hindi ko pa alam kung kailan training. Ang dami pang nangyari kahapon kaya hindi natuloy ang game natin sa EVC" sagot ko sa kanya at binalik ang papel sa loob ng locker
"Kamusta na nga pala si Azeyha? I heard she is in coma"
"Ah yeah. Sabi ng doctor mahihirapan daw dahil may natamaang ugat sa bandang puso"
"Hope she get well soon" sambit niya naman "oh sya. Mauuna na din ako" dagdag pa niya tsaka tinapik ang balikat ko.
Tumangon naman ako sa kanya at tuluyan na siyang lumabas sa locker area.
Binuksan ko ulit ang locker ko at agad kinuha ang papel na andoon.
'Ako ang nag papatay sa kanya Marcus ang kaso nga lang ay hindi pala siya namatay. Sayang naman. At alam kong gustong gusto mo na akong makilala. Mag kita tayo bukas ng hapon. Alas singko sa likod ng Eastern Ville College. Kapag hindi ka sumipot. Isang hugot lang ng saksak ng makinang nag bibigay ng buhay sa pinakamamahal mong girlfriend ay mag papaalam ka na sa kanya. See you Marcus'
Muli kong tiningnan ang dinaan ni Drake at umiling
"No way. Hindi siya yun. Alam kong hindi siya yun" pag kontra ko sa naiisip ko.
Alam kong mali. Pero iniisip ko na si Drake ang nag lagay ng papel na ito sa locker ko dahil siya lang ang tao dito. Pero hindi e. Loko loko si Drake pero hindi niya gugustuhin pumatay.
Nalukot ko ang papel na hawak ko tsaka hinagis iyon sa locker at malakas na binagsak ang pinto ng locker ko.
"Fuck" bulong ko at nag simula ng mag lakad papuntang dance studio
Naabutan ko ng kompleto ang mga leaders doon at pati na din si sir Anthony
"Sorry I'm late. Galing pa ako sa locker area" sambit ko tsaka naupo na din at nag simula na ang meeting
"Malapit na ang graduation and syempre may graduation party yun. May dance tayong ipeprepare para sa kanila" sambit ni sir Anthony "sayang lang at hindi natin makakasama si Azeyha, pero baka gumaling agad siya at makahabol pa before ang graduation party"
"Kaya nga. Sayang din si Azeyha maganda ang galaw niya" pag sang ayon naman ni Zoey
"Kahit naman makaabot siya sa graduation party ay di ko papayagan sumayaw yun dahil masama para sa kanya" pag sabat ko naman at natahimik sila tsaka bumalik sa mismong agenda ng meeting namin
Nang matapos ang meeting ay agad akong lumabas dahil pupuntahan ko pa si Azeyha sa hospital. Alam kong naandun na din sila Maureen.
Pag dating ko sa parking lot ay pumunta na agad ako sa kotse ko. Sasakay na sana ako ng mapansin kong may papalapit na kotse.
Pinag masdan ko iyon at inalala kung saan ko nakita at tama ako. Yun ang sumusunod sa akin kahapon na kung saan ang sakay noon ay nag iwan ng message sa akin na siya ang nag papatay kay Azeyha.
Sinarhan ko ang kotse ko tsaka inantay na dumaan sa harap ko ang sasakyan pero laking pag tataka ko ng tumigil iyon sa harap ko.
Nagulat ako ng makita ko kung sino ang sakay noong kotseng iyon ng ibaba ng driver ang window niya
'Hindi!hindi pwede! Hindi to totoo!' sambit ko sa isip ko
"D-drake?" nauutal na sambit ko
"Uuwi ka na bro?" tanong niya sa akin
"Ha? Ah h-hindi pa" hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na sa kanya ang sasakyan na ito.
'Hindi pwede to. Hindi magagawa ni Drake yun' sambit kong muli sa isip ko
"Sige bro. Mauuna na ako ha" sambit niya ng nakangiti bago itaas uli ang window at nag drive
Pinag masdan ko ang pag layo ng sasakyan niya at nanlumo sa iniisip ko
'Hindi si Drake ang gustong mag papatay kay Azeyha. Hindi siya' pilit ko sa sarili ko
"Pero bakit nag tutugma? Sa kaniya ang sasakyan na dumaan sa harap ko kahapon na nag iwan ng message na siya ang nag papatay. Siya din ang nakita ko sa locker area ng makuha ko ang message mula sa gustong mag papatay na gusto sa akin makipag kita bukas"

BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected