Its been three months since the day that Azeyha got shot. Nahuli na din sila Elixene at ang mga kasamahan niya at nakakulong na din sila. Nag start na din kami ni Austine bilang fourth year college student.
Noong vacation ay mas pinili kong sa ospital mag stay. Mas gusto kong makasama si Azeyha kahit hindi pa din siya nagigising.
Oo tatlong buwan na at hindi pa din siya nagigising. Sobrang tagal na niya sa ospital na yun. At sobrang tagal ko na ding laging andon.
Minsan ay ako ang nag babantay sa kanya pero noong wala na akong pasok ay madalas akong na andon.
Mas gusto ko mag stay doon para nandun ako pag nagising na siya. Gusto ko isa ako sa makikita niya kapag nagising na siya.
Lagi akong nasa tabi niya at kinakausap siya para magising na siya. Sabi kasi nila effective daw yun. Yung kakausapin mo yung coma patient dahil naririnig ka naman daw nila.
Pero ewan ba. Ilang buwan ko na siyang kinakausap pero di pa din siya nagigising. Ayaw niya ba akong makita uli? Tsk.
Nag tatampo na ako babe.
"Marcus! Marcus! Marcus! She's awake" tumatakbong lumapit sa akin si Austine
"Ha! Nakailang prank ka na sa akin na ganyan di na ako mag papadala sayo"
"Totoo na to ngayon"
"Wag ako ang lokohin mo Austine. Naka ilan ka na sa akin. Lagi mo akong pinapaasa na gising na nga siya" inis na sambit ko
"Aish! Marcus totoo na ito" nilingon ko naman siya at pinag masdan ang itsura "this time I'm telling you the truth. Katatawag lang sa akin ni mommy"
"Paano ko masisigurong totoo ang sinasabi mo?" nakailang prank na siya sa akin na gising na si Azeyha pero bawat punta ko sa ospital ay wala pa din naman kaya di ako makapag tiwala sa hinayupak na ito
"Puntahan mo para maniwala ka sa akin" sambit niya.
Pinag masdan ko pa siya tsaka siya tumango at doon ko naramdaman na nag sasabi siya ng totoo kaya naman tumayo agad ako at tumakbo papunta sa parking lot
Naramdaman ko din naman ang pag sunod niya sa akin kaya naman nag tuloy tuloy lang ako at ng makarating kami sa parking lot ay sumakay na kami sa kotse namin.
Mabilis akong nag buhay ng engine at nag drive at sumunod na din si Austine sa akin
Excited na akong makita at mayakap siya uli, pero hindi ko alam dahil may kaba akong nararamdaman.
Hindi ako mapakali sa pag dadrive at nagulat ako ng bumusina ang sasakyan ni Austine katapat ng sa akin.
Ibinaba ko ang window ng sasakyan ko at ganun din siya.
"Kumalma ka! Nahahalata ko sa drive mo na di ka mapakali. Baka madisgrasya ka" sigaw ni Austine
Tumango ako sa kanya tsaka huminga ng malalim at tinaas na uli ang window. Siya na ang nauna sa akin at kinalma ko ang sarili ko hanggang makarating kami sa hospital.
Tumakbo agad kami papasok at panay ang kamot ko sa batok ko dahil sa dami ng sumakay sa elevator ay natatagalan kaming makarating sa room ni Azeyha
"Kalma bro" bulong ni Austine sa akin
"Hindi ako mapakali. Excited na ako pero kinakabahan"
"Sira! Bakit ka kakabahan?" natatawang tanong niya
"Ewan ba. Basta kinakabahan ako" sagot ko sa kanya at ng bumukas na ang elevator kung saang floor ang room ni Azeyha ay nag madali na kaming lumabas ni Austine
Nang makatapat na kami sa kwarto ni Azeyha ay huminga muna ako ng malalim tsaka pinihit ang door knob.
Nang buksan ko iyon ay nakita ko agad ang nakangiting si Azeyha na nakaupo sa kanyang kama
Tumakbo naman agad ako tsaka siya niyakap. Pero laking gulat ko dahil hindi niya ako niyakap pabalik at parang di niya pa inaasahan ang pag yakap ko
"Babe?" sambit ko ng dahan dahan akong kumalas sa pag yakap ko sa kanya
"Uhmm. Who are you?" napamaang ang labi ko ng tanungin niya iyon
What the...
"Babe. Boyfriend mo ako! Si Marcus" sagot ko.
"Ahh sorry? Boyfriend?" tila ay gulong gulo pa din siya
"What the heck Austine. Prank mo ba to?" baling ko sa kanya
"Teka bro, di ko din alam kung anong nang yayari" pansin ko din sa mukha niya ang pag tataka sa kinikilos ng kapatid niya
"She lost some memories" biglang sambit ni tito Joaquin
"Sadly, ang nakalimutan niya ang lahat ng memories niya dito sa Pilipinas" sambit din ni tita Mariz habang naka yakap sa kanyang asawa
"Kuya, are you with this man?" tanong ni Azeyha na nakaturo pa sa akin
Fuck! Pinipigilan ko tumulo ang luha ko dahil sa nang yayari. Hindi niya ako natatandaan.
"Ate nakikipag biruan ka ba? Boyfriend mo kaya yan" sambit naman ni Ayden
"You know how to speak tagalog na huh. Who teach you?" nakangising tanong sa kanya ni Azeyha
"Ofcourse. Ang tagal na natin dito sa Pilipinas ate"
"Ayden" hawak naman ni tito Joaquin sa kanya
"Dad, she needs to know" sagot ni Ayden sa kanya
"So, I'm in Philippines for real? How did this happen?" natatawang sambit ni Azeyha
Eto ako ngayon at pinag mamasadan siya. Para ngang hindi niya ako kilala dahil hindi man lang niya ako tinitingnan.
Napakagat na lang ako sa labi ko para mapigilan ang pag tulo ng luha ko.
Its hurting me, I wait her for a long time na magising siya tapos hindi na niya ako makikilala pag kagising niya
Napaka malas nga naman oh. Noong makarating pa siya dito sa Pilipinas yun pa yung makakalimutan niya. Isa ako sa nakalimutan niya
Napahinga ako ng malalim tsaka tumingala para pigilan ang pag tulo ng luha ko.
"I will go first. Hindi ko po kaya mag stay dito. Hindi ko po alam kung paano ko matatanggap yung nang yayari. I'm sorry po tito, tita" sambit ko sa parents ni Azeyha "Austine, una na muna ako" baling ko naman kay Austine tsaka tumalikod.
"Bro" dinig ko pang tawag sa akin ni Austine kaya nilingon ko uli siya
"Babalik ako bukas bro. Sorry talaga" tsaka ako muling tumalikod
Saktong pag talikod ko ay siya ding pag tulo ng luha ko kaya agad ko iyong pinunasan.
Nanlalambot pa akong deretsong nag lakad papunta sa pinto tsaka mahigpit na humawak sa door knob nito.
---------
![](https://img.wattpad.com/cover/240618673-288-k983704.jpg)
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Ficção AdolescenteSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected