Chapter 29

35 6 0
                                    

Nakabalik na ako sa school at buti na lang ay second year na ako. Pinag take lang nila ako ng exam for last sem ko ng first year para hindi ako umulit.

And Hannah is with me na din at nag kukwentuhan lang kami ngayon sa cafeteria tungkol sa mga nangyari nung na coma ako.

Madami akong namiss na ganap tulad na lang ng graduation at nag bibigay na din daw ng sign si Migs kay Hannah.

"Hey. Nakakain ka na?" nilingon ko naman ng mag salita si Marcus na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko

"Hmm. Kakatapos lang" sagot ko sa kanya at ngumiti

"Good, I'll pick you up later" tumayo siya tsaka humalik sa ulo ko bago umalis

"Sa harap ko pa? Edi sana ol" pabirong sambit ni Hannah at tumawa lang kaming dalawa

"Ha? Talaga? Kakasabi mo pa lang sa akin na nag papakita na ng motibo sayo yang si Miguel"

"Eh? Para yun lang. Hindi nga nag sasabi e" nakapout na sambit niya

"Eh baka nahihiya pa kasi. Masyado mong minamadali"

"Hays ewan ba kasi dun sa lalak---" napatigil siya sa pag sasalita at parang may multong nakita sa malayo

"Ano girl? May multo kang nakita?" sambit ko sa kanya tumingin kung saan siya nakatingin ngayon

Oooh. Kaya naman pala. Speaking of the devil. Este speaking of Miguel

"Hi" bati niya sa amin ng makalapit siya bago siya naupo

"Anong meron?" tanong ko sa kanya

"Here to ask Hannah to go out" kaswal na sambit niya na siyang kinamangha ko

"Bago yan ah haha" biro ko sa kanya

"Walang bago doon Azeyha. Ang tagal mo lang talagang tulog" asar niya pa sa akin

"Yeah whatever" irap ko sa kanya

"So Hannah, would you go out with me this saturday?" dinig ko pang tanong ni Miguel

"Yeah sure" kilig na sagot naman nitong si Hannah

"I'll pick you up in your house na lang"

"Okay. Message me na lang"

Sus! Akala mo naman tunay. Mga torpe naman

"Alright. I'm going first" paalam niya sa amin tsaka siya umalis.

"Taray, may pa go out na" asar ko naman agad kay Hannah

"Tsk. Para yun lang e" nag make face pa siya pagkasabi niya

"Sus kilig naman to si baliw" biro tsaka kunyareng hahampasin siya ng tissue na kinuha ko sa table. "May pa message me message me na lang. Kilig na kilig ka te?"

"Yeah. Kinikilig ako. So what? Porke may boyfriend kang Castro gaganyanin mo na ako? Aasarin mo na ako?" mataray na sambit niya na siyang kinatawa ko.

"Wag ka mag alala malay mo naman. Hannah Alleign Fajardo Castro" asar ko sa kanya habang naka taas ang kamay na akala mo ay may ipinapakita na naka sulat sa ere.

"Sinong Castro ba? Yung panganay?" tatawa tawang sambit niya

"Aba umayos ka girl. Di ko gusto ang nilalabas na salita niyang bibig mo" turo ko pa sa kanya

"Biro lang naman. Duh. Syempre ang gusto ko yung future engineer na Castro" tataas taas pa ang kilay niya

"Hoy! Manahimik ka nga! Akin yun e. Akin lang ang engineer Castro. Doctor yung sayo" inis na sambit ko.

Hindi na ako natutuwa sa biro ng babaeng ito ha.

"Hahaha patay na patay? Dati naman sobrang manhid"

"Patay na patay? Dati naman sobrang torpe" dinilaan ko pa siya pag kasabi noon "ay di pala dati. Mukhang hanggang ngayon naman"

"Ah ngayon ikaw naman mang aasar ha. Porke natulog ka diyan ng ilang buwan"

"Oo nga pala. What happen 3 months ago. Yung about sa bumato sayo?" I asked. Naalala ko kasi noon na may sulat yung ginamit na pang bato kay Hannah

"Alam mo naman na siguro kung sino may pakana nung pag baril sayo at kung bakit noon nabugbog si Marcus noon. Right?" bigla ay naging seryoso ang usapan namin.

Tumango ako sa kanya bilang sagot sa tanong niya. "well, si Elixene Lirio Tenorio that we all know as Elixene or Queen, siya din ang may pakana noong pag bato sa akin na may palagay lagay pa ng sulat about threat kay dad para mag mukhang may nag hihiganti kay dad" irap na paliwanag niya sa akin

"Really? Gosh. I didn't expect her to do that. I mean... yeah may attitude siya. Pero yung bumaril? Pumatay? Wala yun sa isip ko na magagawa niya" napailing na lang ako ng maalala lahat ng paliwanag sa akin ni Marcus at kuya about sa grupo ni Elixene, hmm Lirio!

"Same lang. Buti na lang nahuli na ang grupo nila at under na ng government ang EVC" huminga pa ng malalim si Hannah ng sabihin niya iyon.

"Tsk. Buti na lang talaga. Pero sayang din yung EVC noh. Ang ganda din nung school. Hindi pa naman ako nakakapunta doon pero nakita ko sa social media yun e"

"Yeah. Ang ganda nga ng school na yun. Naka punta na ako once. Madaming structures doon at ang alam ko madami ding allow organization doon. Kaya kahit pa masamang organization allow doon" bakas sa tono niya ang disappointment para sa school na yun

Nag kwentuhan pa kami ng matagal doon ni Hannah bago kami nag decide bumalik sa room for our afternoon class.

Halos kalahating oras na kaming nag iintay doon at nag babasa lang ng libro pero hindi pa din nadating ang prof namin at kaunti lang din ang students sa loob ng room kaya naisip ko na wala sigurong class pero hinayaan ko na lang dahil busy din naman ang iba sa pag babasa at isa na doon si Hannah kaya naman nag basa na lang din ako.

"Attention!" napa pitlag ako ng biglang tumunog ang speaker sa buong school na bumasag sa katahimikan sa loob ng class room namin

"Miss Azeyha Jourelle Fuego, please proceed to octagon, immediately. Attention! Miss Azeyha Jourelle Fuego, please proceed to octagon, immediately"

Tumingin naman sa akin si Hannah na parang nag tatanong kung anong nang yayari kaya naman nag kibit balikat ako tsaka kami sabay na tumayo na akala mo ay nag kaintindihan lang sa tingin.

Mabilis naman kaming bumaba ni Hannah at mabilis ang pag lakad namin para makarating agad sa octagon.

Pag kadating ko doon ay may nag kukumpulang madaming students at ng mapansin nila kami ni Hannah ay tumabi agad sila para mabigyan kami ng daan.

Napatakip ang bibig ko sa nakita ko...

What the...

Expect the UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon