I know that she will get mad kapag nalaman niyang aalis ako ng Pilipinas. But I'm not expecting her to ignore me the whole night.
Nagising ako ng maaga dahil sabi ni dad ay pinaadjust niya ang oras ng alis namin ni Austine. Nag message ako kay Azeyha pero di siya nag rereply. Ginamit ko na din ang cellphone ni Mau at Miguel pero di din siya nag reply dun. Tsk.
Pag pasok namin sa airport ay napangiti ako ng mahagip ng paningin ko so Azeyha. Kaya naman lumapit ako sa kanya
"Babe" tawag ko pero di niya man lang ako nilingon
"Babe" ulit ko pa pero...
"Ano ba Ayden" pikon na sambit niya
"Hindi mo talaga ako kakausapin kahit aalis na ako?"
At doon ay tiningnan na niya ako na parang di niya inaasahan na nasa harap. Hindi niya pa naisip na ako ang tumatawag sa kanya dahil namamaos ako. Pinakain kasi ako nitong si Maureen ng samdamakmak na ice cream kagabi.
Nakarating na kami sa UK pero namimiss ko na agad si Azeyha. Tsk. Alam ko naman dadalaw siya sa amin sa UK pero kulang ang dalaw.
At dahil miss ko na nga siya ay tinawagan ko naman agad siya para makausap bago mag pahinga.
Nag aadjust pa kaming pareho nitong si Austine dito sa UK pero may isang pinay na panay ang kulit sa akin
"Huy ano ba kasing pangalan mo?"
"Marcus nga!" inis na sagot ko sa babae
"Ako si Julia. Saan ka nag aral sa Pilipinas?"
"Tsk." ang niya eh hindi naman ako interesado
"Huy ang sungit mo naman. Gusto lang kita maka close kasi crush kita"
Wtf. Crush? Ano kami elementary?
"May girlfriend na ako" sagot ko na lang
"Sino? ako?" turo niya sa sarili niya kaya tinaasan ko siya ng kilay "girlfriend mo ako?" sigaw pa niya pero di ko pinansin
"Hoy! Anong girlfriend mo siya? Niloloko mo ang kapatid ko?" mahinag suntok ni Austine sa balikat ko
"What? No. Siya ang makulit. Sinabi ng may girlfriend ako nag assume agad na siya yung tintukoy ko e" sagot ko kay Austine
Apat na taon kami dito ni Austine sa UK. And finally, licensed engineer na kami. At nag karoon na ng project dito. Nagkaroon na din kami ng kaibigan at sa wakas ay makakauwi na din kami next week.
Nabalitaan ko pa na inaantay na nila ang result nila Azeyha at Hannah. Well I'm sure she can pass. Sana lang ay kasama niya ako ng maka graduate siya at ngayong hinihintay niya ang result ng exam
"Mr. Castro, we need you to monitor our project until next week" sambit ni Mr. Ocampo, ang head engineer
"What?" napatanong na lang ako.
I supposed to go home later. Flight ko na mamaya! Uuwi na ako ng pilipinas e.
"I know your going to Philippines already, but you are the one who assigned to monitor our project" paliwanag niya at tumango na lang ako dahil wala naman akong magagawa e.
"Bro, pag uwi ko ay mag popropose na ako kay Azeyha. Ikaw na ang bahala mag plano pag dating mo sa Pilipinas. Dapat ay hindi niya malaman kung kailan ako uuwi. Sa La Union gaganapin" paalala ko kay Austine habang nag eempake siya sa kanyang kwarto
"What if pag mukhain nating namatay ka?"
"Hoy patay agad? Gago ka" depensa ko agad sa naiisip niya
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected