Kinabukasan ay nakasalubong ko uli si Drake. Ayaw ko man isipin na siya gustong pumatay kay Azeyha pero nag tutugma sa kanya e. Ewan ba, pero ayaw ko siyang pag isipan ng masama.
"Captain! Huy" umayos ako ng tawagin niya ako
"Oy D-drake"
"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap e tulala ka lang diyan"
"Ha? Ah ayos lang ako. Uuna na ako" paalam ko tsaka nag lakad pero tinawag niya uli ako
"Captain!" kaya naman nilingon ko uli siya
"Kamusta na si Azeyha?" tsk. Really? Kinakamusta niya uli?
"Hmm. Hindi pa din nagigising e. Pero papunta ako doon mamaya" sagot ko tsaka tumango siya sa akin kaya naman nag decide akong mag lakad na.
Narinig ko pa siyang tumawa sa malayo kaya nilingon ko uli siya.
Napa gilid ang ulo ko para mas makilala ang kausap niya
"Jay?" nasambit ko na lang habang pinag mamasdan ko ang pag uusap nila sa malayo
Nakita kong paalis na si Jay kaya tumalikod ako at napailing na lang
'Mas lalo mo akong pinag dududa Drake' sambit ko sa isip ko bago nag lakad muli
Hindi ulit pumasok si Austine ngayon, pero ang sabi niya ay papasok na din naman siya next week.
Kaya naman ang plano ko ngayon ay pagkatapos ng class namin ay pupuntahan ko si Azeyha sa hospital. Nag sabi na din ako na doon ako matutulog para naman makapag pahinga si Austine.
Nakinig lang ako sa class at ng matapos ang lunch ay nag decide akong umuwi pero andito na naman si Drake
"Captain. Pinapasabi nga pala ni Jay yung agenda mo mamaya sa EVC"
What? Oh right! Gusto nga palang makipag kita sa akin nung boss nila. Pero bakit si Drake pa ang inutusan ni Jay
"Bakit sayo niya pinasabi?" tanong ko
"Nagkita kasi kami kanina tapos sabi niya baka daw makalimutan mo na may kikitain ka sa EVC" paliwanag niya.
Eto na naman ang pag dududa ko kaya nilakasan ko ang loob ko para tanungin siya
"Ahmm Drake. May itatanong sana ako sayo" sambit ko naman
"Ano yun Cap?"
"Nasa village ka ba namin noong isang araw?" deretsong tanong ko
"Noong isang araw? Mga anong oras ba boss?"
"Parang 5 or 5:30 di ako sigurado e"
"Ay wala naman" sagot niya sa akin "bakit?"
"Nakita ko kasi yung sasakyan mo doon e"
"Ha? Ah tanda ko na!" no! Siya kaya yun?
"Nawala ang car key ko nung isang araw kaya nag pasundo ako sa driver namin tapos kahapon may nag abot sa akin noon na mas bata satin. Pinababalik daw, nagpasalamat pa nga daw yung nag utos sa kanya e" paliwanag niya habang kumakamot sa batok niya
So hindi siya? Hindi si Drake? Pero sino?
"Ahh ganun ba? B-baka iba yung nakita ko" pilit na ngiting sambit ko "sige mauuna na ako ha" paalam ko pa
"Ang weird mo cap. Kahapon ka pa" sambit pa niya
"Iniisip ko lang si Azeyha" pag sisinungaling ko.
Well iniisip ko naman talaga si Azeyha, pero yung pagiging weird ko sa kanya kahapon pa ay hindi yun ang dahilan. Tsk. Sorry Drake nag duda ako sayo
"Wag ka mag aalala. Magiging maayos din siya" samabit pa niya at tinapik ang balikat ko at tumango ako sa kanya bago pumasok ng kotse ko.
Nag drive na ako papuntang hospital at naabutan ko doon si Austine na natutulog sa couch. Nilapag ko naman ang gamit ko sa table tsaka naupo sa tabi ng bed ni Azeyha
"Babe, I'm waiting for you to wake up" sambit ko at hinawakan ang kamay niya "I really want to hug you but I can't. Please wake up babe. Don't worry. Makikilala ko na kung sino ang gumawa sayo nito. Just wait babe. Just wait"
Napalingon ako ng bumukas ang pinto at nakita ko doon si Hannah na naka hospital gown at may dextrose pa kasunod ang kambal niyang si Hailey na nag tutulak ng pole kung saan nakasabit ang bag ng fluid na naka kabit sa kanya
"Is she okay?" tanong niya at lumapit kay Azeyha
"I hope she is" sagot ko tsaka tumayo at inalok sa kanya ang upuan
"Yeah. I hope" narinig ko pa ang pag lalim ng pag hinga niya "Migs told me everything" dagdag pa niya
Nag stay pa doon si Hannah bago bumalik sa room niya. Nagising na din si Austine at dumating na sila tita Mariz, kasama si Ayden
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon. Napakunot ang noo ko ng mula sa unknown nang galing ang message
From +6392********
:Marcus the clock is ticking. I'm waitingNapatingin ako sa oras at nakita kong malapit na mag five.
Nakalimutan ko na gusto sa akin makipag kita nung gustong pumatay kay Azeyha.
"Tita, aalis po muna ako saglit. Pero dito po ako mag stay buong gabi" sambit ko at nilagay sa bulsa ang cellphone ko
"Sige Marcus. Ingat ka" nakangiting sambit ni tita Mariz sa akin at umalis na din.
Hindi ko alam pero may takot akong nararamdam sa pag kikita namin ng taong iyon.
Dumating na ako sa likod ng EVC. Sirang two floor building ito at puro kalat ang nasa baba. Madilim din at halatang pinabayaan lang.
Inikot ko ang paningin ko sa kabuuhan noon at may napansin akong isang hagdan at mula doon ay may naririnig akong kaunting ingay
Tumigil lang ako at pinag masdan ko ang hagdan habang hinihintay na may bumaba doon. May narinig naman akong hakbang kaya humanda agad ako.
Nawala ang takot ko at napalitan ng pagkagulat ng hindi ko asahan kung sino ang bumaba sa hagdan.
"Hi Marcus" napakunot ang noo ko sa kanya at ngumisi lang siya "are you happy seeing me? Grabe ka. Girlfriend mo lang pala ang kailangan para ikaw naman ang mag hanap sa akin" sambit niya at tuluyan ng bumaba sa hagdan
Tumapat na siya sa akin tsaka siya ngumiti sa akin.
"Bakit hindi ka umiimik Marcus? Aren't you excited? Are you mad on what I did to your dear Azeyha?"
"B-bakit mo ginawa yun?" hindi pa din ako makapaniwala na siya! Na kaya niyang gawin yun.
Hindi ko inaasahan ito!
![](https://img.wattpad.com/cover/240618673-288-k983704.jpg)
BINABASA MO ANG
Expect the Unexpected
Teen FictionSa bawat araw na darating hindi mo alam kung anong posibleng mangyari. Maaring saya, lungkot o pagkabigo ang harapin mo sa panibagong araw. Ganoon pa man, dapat ay palagi kang handa at positibo sa buhay. a sequel of story of Unexpected